Chapter 30 Part 1

15 0 0
                                    

JUDIE's POV

"Hello N? Oo...Papunta na nga ako dyan. Traffic lang. Sige bye..."

Mabaliw-baliw talaga ako nung time na yun ha! Grabe...Di padin talaga ako maka-move- on dun. Haay...grabe talaga... Oo. Yun na nga yun...Yun pa din nasa isip ko. Hay talaga naman o... Alam niyo ba nangyari pagkatapos nun ha???

FLASHBACK

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Di ko alam kung anong gagawin ko. Kakatukin ko ba sila?? Ha?!? Anong sabi ko?? Kakatukin?!? No waaaay... E kasooo...they shouldn't be doing--- Waah...Anong gagawin ko pag lumabas sila? Ang awkward nun! Teka...teka...Aha! E kung lumabas na kaya ako tapos kunwari wala na lang akong narinig?? Waaah...ang hirap nun ha! Narinig ko lahat...LAHAT!

Tapos habang nakikipagtalo ako sa sarili ko kung ano ba dapat kong gawin, bumukas yung pinto at nagtama yung mga mata namin.

Napalunok na lang ako...

"H-hi...N??"

tapos pinilit kong ngumiti ng normal kaso...

Kumunot yung noo niya. Waaah...Huwat will I dooooo??

"Huy...Ba't ganyan mukha mo? Ang weird mo."

"Ahh...hehe...Ano kasi..." Napakagat ako ng labi nung magpunas siya ng mukha. Pawis na pawis siyaaa!! Napalunok nanaman ako. "S-si Marienne??"

"Hmm?" Tumaas yung isang kilay niya. "Andyan sa loob."

"A-ahhh..." O-oo nga e...narinig ko nga kayo...

"Baket ba? Alam mo ang weird mo talaga..."

"Ha?? W-wala lang...Ahh...nagpapahinga ba siya??"

"Mm...Napagod ata..."

"Ahh t-talaga??" I cleared my throat. Can't take this na! Bakit parang casual lang kung pag-usapan namin yung---

"Si Judie ba yan??" I heard Marienne call from the room.

"Oo..." He answered back then he patted my shoulder. "Ge...need to go. Tinawagan ako ni Direk. May idi-discuss daw siya saken e. Weird. Pwede namang some other time na lang. Alam mo ba kung tungkol saan yun?"

I nodded. "...pero mas okey kung kayong dalawa na lang mismo mag-usap..." kasi baka saken mo ibuhos yung violent reactions mo.

"Uhm, okey... sige..."

I watched him walk his way out the room then...

"Judie..." Oh my. She's behind me.

I sighed before I slowly turned to face her.

And when our eyes met, ang una niya pang sinabi...

"Something happened to---"

"I know..."

"Huh?"

"I heard..." I sighed.

"...everything..."

AYEN's POV

Hay nakoooo. Hay nako talaga. Ano daw yun?? Di ko talaga ma-imagine yung sinabi niya! Pa'no niya naisip yun ha??? Argh.. grabe talaga!

Andito ako ngayon sa bahay ni Myrin...specifically sa lounge niya. Mag-isa pa lang ako kasi magkikita pa sila ni Shae at Eliah kasi susunduin pa si Aeris. Grabe ang hirap niya talagang ipagpaalam. Kahit pumayag na yung papa niya, ang strikto naman masyado nung mama niya. Rinig na rinig nga namin kasi pina-loudspeaker ni Eliah kay Aeris...Sabi pa ng mama niya, dapat marunong daw siyang pumili ng kaibigan, dapat daw may good family background at hindi kung sinu-sino lang. Di ko nagustuhan yung tono niya, pati yung iba ganun din naramdaman. Hiyang-hiya nga si Aeris nung tinignan niya kami. Tapos nagulat na lang kami nung kunin ni Myrin sa kanya yung phone. Nagpakilala siya tapos dere-derecho lang siya sa pagsasabi na gusto niya daw yayain si Aeris sa bahay nila. Grabe... bigla na lang naging malambing yung boses ng mama niya na parang tuwang-tuwa talaga kamo. Kilalang-kilala niya si Myrin. Bigla niya na lang sinabing wala daw problema, anytime daw pwedeng pumunta sa kanila si Aeris. Nagpahabol pa nga ng pangangamusta sa parents ni Myrin e. Hay nako...ayoko sanang mag-isip ng kung ano...pero lahat naman ata kami pare-parehas ng naiisip sa mama ni Aeris e, kahit nga siguro siya mismo... May ganun talaga siguro...kasi naman, kung gaano kabait at ka-humble si Aeris, mukhang kabaliktaran nun yung mama niya.

Fall in love with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon