#AndTheyLivedHappilyNeverAfter

149 6 8
                                    

Hindi maintindihan ni Collie kung bakit siya inimbitahan ni Ethan sa isang "car ride." Wala siyang ideya kung saan na sila patutungo. Puro kakahuyan na ang kaniyang nakikita. Kakaunti na rin ang mga kabahayan na kanilang nadadaanan. Napahigpit ang hawak ni Collie sa pinto ng sasakyan habang pinagmamasdan si Ethan. Nakatingin lamang ang lalaki sa kalsada na animo'y walang iniisip.

"Saan mo ako dadalhin?" tanong ni Collie.

"May nag-text kay Detective Shuepa, nagsasabi kung saan nagpunta kina Sek. Doon tayo pupunta," sagot nito.

"At bakit natin sila susundan?" nagtatakang tanong ni Collie.

"May pakiramdam akong masama. Malaki ang kutob kong may tinatago sina Sek," ani Ethan.

Hindi na nagawa pang makasagot ni Collie. Alam niya ang tinatago nina Sek ngunit hindi niya magawang isiwalat kay Ethan ang lahat. May pumipigil sa kaniya na hindi niya maintindihan kung ano. Minabuti na lang niyang hindi sumagot sa takot na masaksihan ang galit ni Ethan.

Tumingin sa kalsada si Collie. Nagulantang siya nang makita ang isang malaking gusali na mukhang inabandona na. Dalawang sasakyan ang agad na napansin ni Collie. Itinigil ni Ethan ang sasakyan sa malapit sa mga naturang behikulo. Agad na lumabas si Collie, gayon din si Ethan.

"Ano'ng ginagawa natin dito?" tanong niya.

"Nandito sila Sek ngayon. Nandirito rin si Detective Shuepa. Papunta na rin ang ibang pulis dito," ani Ethan.

Nagsimulang maglakad sina Collie patungo sa pintuan ng naturang gusali. Napasapo siya sa dibdib, iniisip na sana'y mawala ang kabang nararamdaman niya. Ngunit alam niyang hindi ito agad maiwawaksi. Lalo na't nakararamdam siya ng panganib.

Pumasok siya sa loob at sinalubong sila ng kaunting liwanag. Bahagyang madilim sa loob. Ngunit may kakaibang amoy na siyang umagaw ng atensyon ni Collie.

Dugo.

"Shit," narinig niyang sabi ni Ethan. Bigla na lang itong tumakbo palayo sa pinto, paloob sa gusali.

Agad naman niyang sinundan si Ethan. Hindi niya inaasahan ang makikita—ang duguang katawan ni Detective Shuepa na nakahandusay sa sahig. Halos hindi na makita pa ang tunay na kulay ng unipormeng suot nito.

Napasinghap si Collie at napatakip ng bibig. "Oh my God!" sigaw niya.

"Tumawag ka ng ambulansya!" sigaw ni Ethan.

Agad na inilabas ni Collie ang kaniyang cellphone habang pinipigilan ang sarili na mapautot. Sinimulan niyang i-dial ang 911 at aktong tatawag na nang makarinig siya ng isang nakabibinging sigaw. Lumingon si Collie sa pinagmulan nito.

Tumindig ang balahibo niya sa katawan nang mapagtanto kung kanino galing ang boses na 'yon.

*****

"Ako na ang bahala rito."

Natigilan si Sek nang narinig niyang sinabi iyon ni Nixie. Napalingon siya sa kaibigan at nakita niya ang determinasyon sa mukha nito. Hindi siya agad nakasagot dahil biglang naglakad si Nixie palapit kay Kent. Akmang hihilain na siya pabalik ni Sek ngunit may kamay na pumigil sa kaniya—galing kay Chi.

"Hindi ko hahayaang saktan mo ang mga kaibigan ko!" sigaw ni Nixie.

"Wow, nakakatuwa na hindi ka na monotonous! Good job!" ani Kent.

Bigla na lang ay sumigaw nang malakas si Nixie, sa sobrang lakas ay halos mabingi na si Sek. Sunod na nasaksihan niya ay tumakbo nang mabilis patungo kay Nixie si Kent. Nasaksihan niya kung paano ibinangga ni Nixie ang katawan niya na nagulantang na Grim Reaper at saka itinulak palabas ng malamig na silid na 'yon.

Hashtag MurderМесто, где живут истории. Откройте их для себя