#VForViagra

274 18 6
                                    

Lumabas ng canteen sina Sek at ang kanyang mga alagad. Hindi pa sila nakalalayo ay may nasagap ang kanyang mala-agilang mga mata. Naglalakad na ito palapit sa kanila, ang kanyang mga beywang ay nasobrahan yata sa paggewang. Ang kanyang puwet ay nahuhuli kapag naglalakad ito. Maitim ito at bahagyang curvy ang ukit ng katawan. Kung iisipin, kamukha ni Nicki Minaj ang babaeng tinitingnan ni Sek.

"ViVi, ang mahaderang feelingera," bulong niya.

Palapit na ito sa kanila. Nakasuot ng leopard print na skirt at leather top. Nakasuot pa ito ng shades at kulay kahel na ang kulot nitong buhok. Naaalala ni Sek si Simba nang makita niya ang babaeng ito. Napakuyom siya ng mga kamao. Parating na ang mortal enemy niya.

"I-mo-Mortal Kombat na ba namin siya, Sek?" narinig niyang bulong ni Nixie.

"Wait for it, Nixie," sagot ni Sek.

Tumigil na si ViVi sa kanilang harapan, hinubad ang suot na shades at nginitian silang tatlo. Isang pekeng ngiti ang iginanti si Sek. "Hello, Sek. Hello, minions," bati niya.

Hindi siya sinagot nina Nixie at Chi. Bagkus ay may tinanong si Chi sa kanya. "Akala ko ba pupunta ka sa New York kahapon?"

"Oh, nagpunta na ako yesterday morning para mag-shopping with my Mom. Kakabalik ko lang kanina kasi may class ako by noon," sagot ni ViVi. Bumaling muli sa kanyang mortal na kaaway ang kanyang atensyon. "Oh Sek, I'm so sorry for what happened to your boyfriend, Ken. He doesn't deserve it."

"Yeah, ang super guwapong katulad ni Ken Babes ay hindi dapat pinatay. You, on the other hand, deserve to be killed," nakangiting sagot ni Sek.

Nanlaki ang mga mata ni ViVi ngunit walang bahid ng kahit anumang takot na nakita si Sek sa mukha nitong mala-cake na sa kapal ng make up. "I'm so scared, Sek," pang-uuyam ni ViVi. "You will not scare me, Sek. Not this time. For all I know, ikaw na ang susunod na papatayin ng Grim Reaper na 'to. I'll throw a party when it happens."

"Sorry for keeping your hopes up, Viagra, but I will not be killed. I'll kill Grim Reaper myself just to retain my position as the Queen Bee of this campus. Hindi ko hahayaan ang katulad mong mahadera na aagaw lamang sa titulo ko," sagot ni Sek. Nanggagalaiti na 'to sa galit.

"Viyahgra. VEE-YAH-GRA. Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi Viagra ang tamang pronunciation ng pangalan ko!" sigaw ni ViVi.

"Viagra sounds better though," nakangiting sabi ni Sek. Alam niyang nananalo na siya sa kanilang argumento.

Lumapit pa sa kanya si ViVi. Halos magdikit na ang kanilang mga noo ngunit hindi natinag si Sek. Tumindig lamang siya sa kanyang puwesto. Hindi siya natatakot kay ViVi kahit na ano pa'ng mangyari. Bigla siyang dinuro nito.

"Tandaan mo ang araw na 'to, Sek. You'll be counting your days after this one. You and your boyfriend deserve everything that will happen to the both of you," bulong nito. "I bet hindi mo pa nakakalimutan ang ginawa mo sa akin during my freshman year. I remember it all too well, Sek, and I will not forget. You will pay, mark my words."

"Ako naman ang natatakot ngayon," pang-uuyam ni Sek. "Guess what, I'm not scared, too, ViVi. Kahit na ano'ng gawin mong pagbabanta, ipaglalaban ko ang nararapat para sa akin. Wala akong panahon sa mga salita mong walang laman, mahaderang negra!"

Umatras palayo si ViVi nang nakangiti. Mukhang hindi ito patitinag kahit na anuman ang mangyari. "One day, karma will just stab you right in the face, Sek. Sayang naman ang beauty mo 'pag nangyari 'yon." Naglakad na lang ito nang wala bang nangyari.

"Para talaga siyang pato kung maglakad," komento ni Sek.

Narinig niyang bumungisngis ang dalawa niyang mga kasama. "She's terrifying, though. Do you think she is capable of doing such harm to you?" tanong ni Chi.

Hashtag MurderWhere stories live. Discover now