#ImSoExcitedIJustCantHideIt

107 6 2
                                    

Pinagmamasdan ni Ethan si Lance habang nakikipag-usap ito kay Detective Shuepa. Nakamasid lang siya sa one-way mirror na nagpapakita ng senaryo sa loob habang siya'y nasa labas habang nakikinig sa kanilang usapan. Pinili ni Ethan na magpigil ng sarili. Batid niyang may kinalaman ang Grim Reaper sa nangyari sa kaniyang kapatid na si Dina pero hindi niya maisip kung ano ang koneksyon ng dalawa.

Pansin niya ang pamamawis ni Lance kahit na malamig sa labas at loob ng interrogation room. Suot-suot pa ni Lance ang costume ng Grim Reaper. Hindi man lang binigyan ng pagkakataon ng mga pulis na hubarin ito, tanging ang maskara ng bungo lamang.

"Sinasabi ko sa inyo! Wala akong kasalanan! I'm being framed," rason ni Lance habang hawak-hawak ang gilid ng mesa.

"Pero bakit mukhang takot ka? Ano ang itinatago mo?" tanong ng detective.

"Natatae ako, okay? Hindi niyo man lang ako binigyan ng oras para maglabas ng sama ng loob sa banyo," ani Lance.

"Huwag na tayong maglokohan, Lance. Nasa kamay mo literally ang dugo ni Rim. I bet nahawakan mo na rin ang dugo ng mga biktima mo," wika ni Detective Shuepa. "Bakit mo ito ginagawa? Bakit ka pumapatay ng mga inosenteng tao?"

"Sinabi ko na sa 'yo! Hindi ako ang pumatay sa kanila! Hindi ako ang Grim Reaper!" bulyaw ni Lance.

"Sinungaling," bulong ni Ethan.

"Ikaw ang nasa loob ng costume! According sa binilhan mo, ikaw ang nag-purchase ng costume na 'yan," saad ng detective. "Huwag mo na kaming lokohin pa, Lance."

Huminga nang malalim si Lance at pumikit. Nang dumilat siya, humilig siya palapit sa detective. "Look, I have this costume dahil gusto kong malaman kung sino ang Grim Reaper. I tried to fool one of his accomplice para malaman kung sino siya."

"Sino ang accomplice niya?"

"ViVi Voom," sagot ni Lance.

"How can you be so sure?" tanong ni Detective Shuepa.

"I have the recordings of her conversation with the Grim Reaper before," sagot ng akusado. "Nalaman ko noon ang plano nila na patayin si Ken Disbelav. Pero hindi ko naririnig ang boses ng Grim Reaper. Puro si ViVi lamang ang nagsasalita. Gano'n pa man, nagawa ko ring ma-intercept lahat ng text messages nila."

Nakaramdam ng presensya sa kaniyang tabi si Ethan. Nang tingnan niya ito, nakita niya si Van na nakikinig na rin sa usapan.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ni Ethan.

"Ipinatawag ako ng mga pulis dito para tanungin about kay Lance. Tanga ako noon kaya hindi ko napansin ang mga ebidensya na maaaring siya ang Grim Reaper," aniya. "Ang maybe, he's the killer of Dina, too."

"What? Paano ka nakasisiguro?"

"The police hacked into Dina's accounts and discovered that Lance was the last person she talked to the night she disappeared," wika ni Van.

Napakunot ng noo si Ethan. "Walang binabanggit si Dina na magkakilala sila ni Lance."

"Dina is tutoring Lance secretly. Baka may kababalaghang nangyari noon na hindi natin alam, that's why he killed her," ani Van. "I've read their email conversations, as shared by a member of the Student Council."

Bumalik ang tingin ni Ethan kay Lance. Patuloy pa rin itong nakikipag-usap sa detective. "What happened between Dina and Lance?"

Nagulat si Ethan nang may isang pulis na biglang pumasok ng interrogation room. Nagkatitigan si Ethan at si Van nang marinig ang sinabi ng pulis na pumasok. Kitang-kita niya ang gulat sa mukha ni Detective Shuepa at ni Van. May kakaibang nangyari.

Hashtag MurderWhere stories live. Discover now