#HannahInMurderland

104 7 2
                                    

"Nagawang mahuli ng awtoridad ang kinilalang Grim Reaper, ang notorious na serial killer na pumapatay ng iilang kabataan sa siyudad ng Parañaque. Kinilala ang Grim Reaper na si Lance Macapagal. Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pagpatay ng naturang lalaki. Isa lang ang natitiyak nila, mabibigyan ng hustisya ang mga biktima nito..."

Pinatay ni Hannah ang telebisyon at huminga nang malalim. Sumandal siya sa couch na inuupuan at tinitigan lamang ang patay na telebisyon. Pinagmasdan niya ang sariling repleksyon habang iniisip ang mga kaganapan nang naturang buwan. Ang daming nangyari at hindi na niya maisip pa kung ano na ang kahahantungan ng lahat sa kinabukasan.

"Bakit kaya siya pumapatay?" tanong ni Hannah sa sarili. "Hindi naman niya kilala si Miss Tutsi. Bakit niya ito biniktima?"

Narinig na lang niya ang pag-ring ng cellphone na nakalagay sa coffee table. Kinuha niya ito at binasa ang mensahe. Galing 'yon kay Sek.

Tumayo si Hannah mula sa pagkakaupo at dali-daling tumakbo patungo sa kaniyang silid

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tumayo si Hannah mula sa pagkakaupo at dali-daling tumakbo patungo sa kaniyang silid. Pagkapasok ay binuksan niya ang kaniyang aparador at hinugot ang pinakapaborito niyang dress, isang floral na skater dress at isang pares ng blue 12-inch stilettos. Dali-dali siyang nagpalit ng damit at tiningnan ang sarili sa vanity mirror.

"Prove yourself, Hannah," wika niya sa sarili. "Destroy them from the inside out."

Tinitigan niya ang sariling mga mata mula sa salamin at ngumiti. Kakaibang enerhiya ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y magiging Super Saiyan na siya.

Nang masiguro niyang ayos na siya para pumunta sa party, lumabas na siya ng silid. Pansin niya ang katahimikan ng buong bahay. Ngunit walang pakialam si Hannah. Sana'y na siyang wala siyang naririnig sa mismong tirahan niya.

"Busy na naman sigurong nagbi-Bingo si Mama," bulong ni Hannah bago bumaba at tumungo sa harapang pinto ng bahay.

Nang lumabas siya'y muli niyang pinagmasdan ang text message na natanggap niya mula kay Sek. Muli ay ngumiti si Hannah.

Nagpara siya ng taxi at sumakay siya sa backseat. Binanggit niya sa driver ang address ng bahay ni Sek at nagsimula nang umandar ang sasakyan. Huminga nang malalim si Hannah at dumungaw sa bintana, iniisip ang gagawing susunod na hakbang kung sakaling magawa niya ang kaniyang unang plano.

Bagama't kinakabahan ay nagmatapang si Hannah at tumabi siya sa kinauupuan ni Collie sa library. Busy ito sa pagbabasa ng isang nobelang nagngangalang "Borrowed Chance" na isinulat ni Nixie Yume. Hindi siya pamilyar sa naturang nobela ngunit mukhang nagugustuhan ni Collie ang kaniyang binabasa.

Kunwari marahang naubo si Hannah para iparamdam kay Collie ang kaniyang presensya. Inaasahan niyang titingin ito sa kaniyang ngunit hindi ito nangyari. Patuloy pa rin sa pagbabasa si Collie.

"Hello?" bulong ni Hannah.

Hindi pa rin sumasagot si Collie.

"Collie?" tawag uli ni Hannah.

Hashtag MurderWhere stories live. Discover now