Chapter 8

43 1 0
                                    



Chapter 8: The Final Sacrifice



AlAS TRES pa lang ng madaling araw nang magising si Shermaine. Tila parang hinahatak siyang bumangon at hindi na dapuin pa ng antok. Binuksan naman niya ang ilaw sa kaniyang kuwarto. Napahiga muli siya sa kama at napatitig na naman sa kisame. Bigla na naman sumagi sa isip niya si Brylle. Pero agad niya ring pinipilit na hindi maisip ang binata. Sadyang inaasar pa siguro siya ng utak dahil sa paglingon niya sa bedside table niya, nakita niya ang litrato nilang dalawa ni Brylle. Magkadikit ang kanilang mga labi. Mga labing ayaw paghiwalayin ng litratong iyon kahit na punitin, hindi magbabago na magkadikit pa rin ang kanilang labi. Ang simpleng litratong iyon sa nakalipas na tatlong taon ay nagsisilbing alaala niya sa kasintahan. Ang unang beses niyang makahalik na mula pa sa lalaking minamahal niya.


Kinuha niya ang litrato at pinagmasdan. Dikit na dikit ang labi nila at tila ayaw pang maghiwalay. Napahaplos siya sa mukha ng binata na nakangiting nakahalik sa kanya. "Nandidiri ka ba nang halikan mo ako?" Tanong niya sa litrato at unti-unti na namang namumuo ang kaniyang luha.


"Acting lang ba talaga ang lahat? Kahit kailan ba ay hindi mo ako minahal? Ang sakit-sakit, Brylle. Hanggang ngayon...nasasaktan pa rin ako," sambit ni Shermaine at niyakap ang litrato.



MULA SA KUSINA ay napaakyat sa ikalawang palapag si Andrei nang may marinig na iyak. Alam niyang umiiyak na naman si Shermaine. Nang nasa tapat na siya ng pintuan ni Shermaine ay napahinto siya. Tila nasasaktan siya sa mga naririnig na salita kay Shermaine. Hindi niya na kinaya napaiyak na rin siya. Halos hindi niya alam kung bakit parang araw-araw na siyang sinasaktan ni Shermaine. Mahal naman niya ito pero bakit hindi siya kayang mahalin pabalik ni Shermaine? Gano'n ba siya kahirap mahalin? Gusto niyang magwala, magsisigaw at manapak ng tao. Gusto niya ngunit napapagod siya sa naisip niya, wala rin namang magbabago kung gagawin niya iyon. Hindi naman siya mamahalin ni Shermaine. Hindi kailanman.


Napasandal naman si Andrei sa pintuan ng kuwarto ni Shermaine saka muling pinakinggan ang mga salitang talagang tumutusok sa puso niya.


"Brylle, Mahal na mahal kita! Please? Bumalik ka na sa'kin. Handa kong kalimutan ang lahat nang sinabi mo, bumalik ka lang! Handa ako'ng magpakatanga para sa'yo! Handa ako'ng maging parausan mo! Handa ako'ng magsakripisyo para sa'yo! Brylle, hindi ko kaya... hindi ko kayang iwanan mo ako. Alam ko, Brylle... nararamdaman kong mahal mo ako, diba? Totoo lahat nang mga ipinakita mo sa'kin at hindi acting lang, diba? Sabihin mo sa'kin, Bryllle. Kahit pa na magsinungaling ka basta sabihin mo, maniniwala ako. Brylle... mahal na mahal kita! Sobrang mahal kita... hindi ito magbabago. Hindi ka nito ipagpapalit! Ikaw lang ang nagmamay-ari nito! Ikaw lang... walang iba," halos suntukin na ni Andrei ang pintuan na ikinasasandalan niya sa sobrang sakit nang nararamdaman niya. Hindi niya kayang tanggapin na wala na talaga siyang puwang sa puso ni Shermaine.


Talagang ang nagmamay-ari nito ay walang iba kundi si Brylle. Si Brylle na nanakit sa puso ng babaeng minamahal niya.


Nang hindi niya na marinig ang iyak ni Shermaine ay agad lumabas ng bahay si Andrei at tinungo ang motorsiklo niyang nakatago sa bodega hindi kalayuan sa bahay ni Shermaine. Agad naman siyang nagpaharurot ng takbo at tinungo ang lugar na kung saan gusto niyang ibuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman niya, sa underground battle.

Makakaya po ba? ( published under Le Sorelle Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon