Chapter 1

170 4 0
                                    




Chapter 1: Remembering Him


NAGLALAKAD si Shermaine sa isang eskinita. Eskinitang maputik, mabaho at masikip. Nag-aalinlangan pa siyang dumaan sa eskinitang iyon pero wala siyang ibang opsyon kundi dumaan doon. Hindi naman maitatanggi na mahihirapan siyang makatawid sa eskinitang iyon dahil na rin sa katabaan niya. Kaya madalas ay naitatanong na lamang niya sa sarili kung makakaya niya kayang ipagsiksikan ang sarili niya sa lugar na iyon kung alam niya namang wala na siyang puwang doon? Pero may magagawa pa kaya siya? Kung iyon lang naman ang daan papunta sa uuwian niya?


NANG MAKALAGPAS siya sa eskinitang iyon. Napahinga siya nang malalim. Tila nakaluwag siya ng hininga sa pagkakasakal sa isang malaking kamay na pinipigilan siyang makalabas doon. Hindi naman niya maitatanggi ang kasiyahan nang magtagumpay siyang ipagsisiksikan ang sarili niya sa eskinitang iyon. Napangiti siya at muling napatingin sa eskinita. Hindi niya alam kung bakit parang may koneksyon ang dinaanan niya sa nakaraan niya. Ang ngiting kanina ay sumisilay sa kaniyang labi ay napalitan ng pait. Napaiwas naman siya ng tingin sa eskinatang iyon, naiisip niya kasi ang alaalang ipinagsisiksikan niya ang pagmamahal niya sa mga taong hindi siya kayang mahalin pabalik. Mabuti na lang at nakauwi siya kaagad kundi ay maabutan siya nang napakalakas na ulan. Agad niya namang kinuha ang timba na isasahod sa isang parte ng kaniyang kisame, butas kasi ang kisame na iyon at malamang sa malamang ay tutulo roon ang tubig ulan kaya kailangang maisahod sa timba, upang hindi ito maglawa sa kaniyang bahay. Natigilan naman siya. Hindi niya mawari kung bakit sa bawat bagay na mahahawakan o makikita niya, palagi na lang siyang may naaalala. Napatitig pa siya sa timba, sunod-sunod ang pagsalo nito sa tubig ulan na tumutulo galing kisame. Hindi niya aakalain na kahit tatlong taon na ang lumipas, heto pa rin siya, nagdurusa, umiiyak. At katulad ng timbang nasa harapan niya, parang ganoon din kadami ang luhang nasasayang niya.


Napailing siya. Pinipilit na huwag alalahanin ang nakaraan niya. Pero sadya ngang tinutukso siya ng mga bagay na nasa paligid niya para alalahanin ang lahat. Napansin niya ang nakabukas na bintana. Nakita niya ang malakas na pagbuhos ng ulan. At katulad ng inaasahan niya, kusang tumulo ang luhang kanina pang nagbabadyang lumabas. Katulad ng sa ulan, ganoon din kalakas ang pag-agos ng kaniyang luha simula noong iniwanan siya ng kaniyang minamahal.


Naalala niya ang unang naging kasintahan niya. Isang Half American at Half Pinoy. Isang sikat na varsity player sa kanilang campus. Ang pinakakinahuhumalingan ng lahat, ang habulin ng mga babae at halos gawin ng hari ng kanilang siyudad sa angking yaman at kagwapuhan nito. Hindi niya nga lubos maisip na magiging sila. Na magkakagusto sa kaniya ang tinaguriang CRUSH NG BAYAN. Lahat ng babae ay naiinggit sa kaniya. Ultimo mga matatanda ay hindi makapaniwala na ang nag-iisang anak ng mga Anderson ay magkakagusto sa isang katulad niya, ang tinaguriang Campus Butanding ng kanilang eskwelahan. Lahat ay nagtataka kung bakit sa dinami-rami ng magagandang dilag sa kanilang syudad, bakit nagkagusto pa si Brylle Anderson sa katulad ni Shermaine Gutierrez na sasakupin na ang daan mo sa katabaan nito. Ni hindi nga ito makalakad nang maayos dahil tila tutumba na ito sa tindi nang bigat ng katawan. Pati na rin ang mga damit nito ay tila sasabog na sa kaniya. Pero hindi niya inaasahan ang lahat, sa pagkakataon na iyon, naging masaya siya sa panandaliang panahon kasama ang lalaking kasalungat sa kaniya.


Palagi silang magkasama ni Brylle saan man magpunta. Sa lahat nang pagsasanay ng binata sa basketball ay naroon siya upang bigyan ng suporta ang kasintahan. Siya rin ang tagapunas sa pawisang likudan nito kapag tapos nang maglaro, siya rin ang tagabili ng tubig nito at ng mga kasamahan ng kasintahan, at tinutulungan niya ring gumawa ng mga takdang-aralin, proyekto at aktibidades ang kasintahan. All around girlfriend ang peg niya. Hindi niya maitatanggi na mahal na mahal nga niya ang katulad ni Brylle Anderson. Ang kauna-unahang lalaking nagpatibok sa puso niya.

Makakaya po ba? ( published under Le Sorelle Publishing)Where stories live. Discover now