Chapter 7

38 2 0
                                    



Chapter 7: His painful reason



"Anak, Brylle?"


Katok nang katok si Elpha sa pinto ng kuwarto ng kaniyang anak. Nang walang sumagot ay bigla siyang kinabahan kaya agad siyang humingi ng tulong sa mga katulong upang ibigay ang duplicate na susi sa kuwarto ni Brylle.


"Heto po, Ma'am," natataranta naman si Elpha nang isa-isang sinusuksuk ang susi. Nang mahalata naman ito nang katulong ay itinuro nito ang tamang susi ng kuwarto ni Brylle.


"Salamat, Manang." Maging ang mga katulong ay kinakabahan. Alam kasi nila ang sitwasyon ngayon ng nag-iisang anak ng mag-asawang Anderson. Mayroon ito'ng malubhang sakit sa puso na walang kasiguraduhan kung maaagapan pa. At dahil sa sobrang pagmamahal nila sa anak, nakagawa sila ng maling gawain para lamang makahanap ng donor ng anak.


Alam ni Elpha na maling-mali ang kanilang ginawa. Ngunit wala silang ibang opsyon para lamang sa buhay ng anak niya. Mahal na mahal niya ang anak. Ang anak niya ang dahilan kung bakit sila maayos ng kaniyang asawa at ang anak niya ang dahilan kung na saan siya ngayon. Dati mahalaga sa kaniya ang pera, nasilaw siya rito at pinakinabangan. Ngunit kung alam niya lang na may kapalit ang lahat, hindi niya na sana tinanggap ang biyayang iyon kung buhay rin naman pala ng anak niya ang kapalit.


Nang mabuksan naman na ni Elpha ang silid ng anak ay bumungad sa kaniya ang madilim na looban nito. Hinanap naman niya ang ilaw at binuksan ito. Nakita niya naman ang anak na nakatayo sa may bintana at tila hindi pa napansin ang pagliliwanag ng kuwarto.


"Sige na, Manang. Salamat. Ipaghanda niyo na lang kami ng miryenda at pakihatid dito," utos niya sa katulong at sinarado ang pintuan. Unti-unti naman ito'ng lumalapit hanggang nasa tabi na siya ng anak.


"Mukhang malalim ang iniisip ng baby boy ko, ah?" Pinasaya niya ang tono ng boses niya at napangiti. "Akala mo ba, nakalimutan na ni Mommy ang isyu sa babaeng nagpalambot sa puso ng anak ko? Hindi kaya! Kaya, ikuwento mo na, baby. Mommy is here and I'll listen, okay?"


Napaupo naman si Elpha sa kama ng anak at hinintay ito'ng magsalita. Napaharap naman sa kanya si Brylle at napangiti. "Mom, she is Shermaine Gutierrez. Ang campus butanding namin no'ng highschool year," napangiti naman si Elpha sa introduction ng anak patungkol sa babae. "And, Shermaine is the Queen of my heart..." sa pagngiting iyon ni Brylle, sinimulan niya muling alalahanin ang pagtatagpo nila ng landas ni Shermaine o mas magandang sabihin, kung paano niya natagpuan si Shermaine.



"Brylle! Tumabi ka muna! May dadaan na balyena sa harapan natin," nagtataka namang napalingon si Brylle sa nginunguso ng kaibigang si Jerome.


"Sino?"Napakunot-noo pa si Brylle para hanapin ang sinasabi nito'ng balyena ngunit kahit saang anggulo ay wala siyang nakita. Kundi nakita niya lang ang isang babae na papalapit sa kinatatayuan nila.


"Si Shermaine! Bakit kaya ganiyan siya kataba?"halos tapunan naman ni Brylle ng tingin si Jerome sa sinabi nito. "She's not fat. She is sexy..."

Makakaya po ba? ( published under Le Sorelle Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon