Chapter 3

52 2 0
                                    



Chapter 3: The Leader's Love



NANG makauwi sa bahay si Shermaine ay inihanda niya na rin ang hapunan nila ni Andrei. Ang binata naman ay may inilapag na isang kahon sa lamesa na kung saan naglalagay si Shermaine ng baso't pinggan.


"Ano 'yan?" Nakakunot-noong tanong ng dalaga at ipinagpatuloy ang pag-aayos sa gagamiting pangkain. Si Andrei naman ay saglit na napaiwas ng tingin saka kinuha ang kahon at kusang binuksan. Inilapag niya naman ang nilalaman ng kahon na ikinataka ng dalaga. "Ba-bakit ka may ganyan?"


"Tanga. Sa'yo 'yan, binili ko."


"Oh? Eh, bakit mo naman ako binilhan ng ganyan?" Napaisip pa si Shermaine kung ano ang posibilidad na okasyon ngayon kaya siya binigyan ng regalo ni Andrei pero natigil siya sa pag-iisip nang muling magsalita si Andrei.


"Wala lang. Maranasan mo lang naman na magsuot ng ganyang damit. Hindi 'yong puro T-shirt lang," nakangiting tiningnan naman ni Shermaine ang isang kulay pink dress. Simple lamang ito, walang kahit anong disenyo sa ibang parte.


"Huwag kang mag-alala, kasya 'yan sa'yo. Iyan na ang pinakamalaking size nila," dagdag pa ni Andrei at tinitigan ang kaibigan.


"Salamat, Drei." At niyakap niya ang binata na ngayon ay napangiti na rin. "Sige na, kumain na tayo at nagugutom na ako. Aalis na rin ako kaagad." Nahinto naman sa pagtingin ng dress si Shermaine saka mabilis na sinipatan ng tingin ang kaibigan na malayo ang tingin, hindi, nakatingin ito sa may pinto.


"Hindi ka rito matutulog?"


"Hindi muna, Maine. May bahay naman ako, e. Saka, basta i-lock mo na lang ang pinto at ako na bahala sa mga bintana." Nagtataka man si Shermaine sa mga bilin ni Andrei lalo na sa pinto ngunit sumang-ayon na lamang siya. Marahil ay nag-aalala lang talaga si Andrei sa kaniya lalo pa't siya lang ang mag-isa sa nirerentahan niya.


"Ah, sige."



NATAPOS na silang kumain at nagligpit ng mga pinagkainan. Naggagayak na rin si Andrei paalis.

"Sure ka bang uuwi ka sa ganitong oras? Baka mapahamak ka, Drei. Ipagbukas mo na lang, kaya? Gabing-gabi na, oh..." pag-aalala naman ni Shermaine.


"Aysus! Nag-aalala siya, oh. Hahaha," napangiti naman si Shermaine sa tonong pang-aasar sa kaniya ni Andrei. "Tongeks! Malamang, best friend kita," sabay hampas nito sa kaibigan. Bigla namang natahimik ang binata at tumalikod.


"Basta i-lock mo ang pintuan mo, ah? Huwag ka rin magbubukas ng pinto kapag may marinig kang kumakatok. Baka mamaya niyan ay katayin ka, e." Nagpigil naman ng tawa si Brylle dahil sa nakikitang reaksyon ni Shermaine. Hinampas na naman kasi siya nito sa balikat niya.


"Ay, nang-aasar siya!"


"Hahaha. Joke lang, Maine. Basta matulog ka na at 'wag na namang mag-iilusyon. Sige, uwi na ako. 'Yong mga bilin ko sa'yo, 'wag magbubukas ng pinto, okay?" Tumango naman ang dalaga at nag-approve sign pa.

Makakaya po ba? ( published under Le Sorelle Publishing)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt