Chapter 2

73 1 0
                                    



Chapter 2: Someone's sacrifice?


"Okay, class. Dismissed"


PAGKASABI nito ng Professor ay nagsiunahan nang maglabasan ang ilang estudyante. Mabilis natapos ang unang subject dahil puro introduction lang naman ang ginawa sa unang linggo ng klase. Ang guro naman ay naupo muna at inayos ang mga index card na nagkalat sa lamesa, nilalaman lahat nitto ay mga pangalan ng kaniyang mga bagong estudyante ngayong taon sa unang semester. "Bye, Ma'am Anderson."


"Bye, Ingat kayo." Kumaway pa ang guro sa mga estudyanteng nagpapaalam sa kaniya. Napadako naman ang tingin niya sa babaeng nakatulala lamang sa may bintana at mukhang hindi pa nito alam na nagsisilabasan na ang kapwa nito mag-aaral. Nilapitan naman niya ito. Nang medyo natantiya na niya ang puwesto niya sa dalaga ay iwinagawayway niya ang kaniyang kamay sa tapat ng mukha nito dahilan para makompirma niyang wala ito sa huwesiyo nito.


"EHEM." Pagpapansin nito sa dalaga na wala pa ring epekto. Napahinga naman siya nang malalim at napatingin sa kaliwa't- kanan niya pati na sa pintuan. Tinitiyak niyang walang makakakita sa gagawin niya.


"I have no choice to waking up your sense but this is my last option to come back your sense," wika nito at ini-stretch pa ang kamay bago niya kalabitin sa noo ang dalagang nakatulala. Nagtagumpay naman ang propesor sa paggising sa diwa ng dalaga na ngayon ay sapo ang noo at nagtatakang nakatingin sa kanya.


"Ba-bakit niyo po ako dinutdot sa noo?" Mangiyak-ngiyak na turan nito saka hinimas-himas ang noo. Imbes na sumagot naman ang Propesor ay ngumiti lamang ito sa kaniya.


"Ma'am, te-teka ho... hindi pa po pa—


"It's okay. May bukas pa naman. By the way, kilalamo na ba ako? I think, hindi pa, Kanina pa kasi ako dumadakdak dito sa harapan ngunit wala ka sa huwesiyo kanina pa," tila nahiya naman ang dalaga sa sinabi ng kaniyang guro. Kaya humingi siya ng pasensya rito. Muli, ngumiti naman ang Propesor at nagpakilala.


"I'm Mrs. Elpha Anderson and I'm your Basic Psychology Professor." Pagkasabi nito ng Propesor ay binitbit na nito ang handbag saka kumaway sa estudyenteng natulala na lamang sa Propesor nito. Saka lamang natauhan ang dalaga nang mapagtantong wala na siyang kasama sa silid.


Pero napahinto siya sa pagliligpit ng gamit niya nang may mapagtanto. May naalala kasi siyang pangalan na binanggit sa kaniya noon ni Brylle. At ganoon na lang ang panlalaki ng mata niya nang maging malinaw sa kaniya ang lahat.



Magkatabi ngayon na nakaupo sa Manila Bay sina Brylle at Shermaine. Nakatutok sila sa papalubog na araw habang magkahawak kamay. Hindi maitatanggi ni Shermaine ang saya nang kasama niya ngayon si Brylle tuwing papalubog ang araw. Naisip kasi nito ang mga paniniwala, ang paniniwalang kung sino ang taong kasama mo sa paglubog ng araw, siya ang iyong makakasama habambuhay. Muli ay napangiti siya at dinantay ang ulo niya sa balikat ng binata na ngayon ay tila may malalim na iniisip.


"Babe! Gusto mo bang ipakilala kita kay Mom?"out of nowhere ay biglang nagsalita si Brylle nang tuluyang lumubog na nga ang araw. Napaangat naman ng ulo si Shermaine saka ginaya si Brylle na nakatingin pa rin sa malayo. "A-ayoko, babe. Nahihiya ako sa parents mo."

Makakaya po ba? ( published under Le Sorelle Publishing)Where stories live. Discover now