Tell Me 22

2.9K 116 6
                                    

Inihanda ko ang lahat nang dadalhin para sa bakasyon. Paras kaming excited ni Bree at Iba. Sinadya pa naming sunduin sa Davao ang bata. We have just a week to spend it.

May dalawang maleta na akong naihanda sa gamit namin ni Iba at kay Bree naman itong huli. Hinanda ko na rin ang digicam ko na lage kong dala kapag may outing.

I squeeze my legs at nag warm up na din. Malamang ayoko ng isama doon ang wheel chair ko. Gusto kong kaming tatlo ang mag enjoy, ayokong na saakin pa rin ang atensyon ni Iba pagdating doon.

Dahan dahan kong binaba sa gilid nang kama ang binti ko at nag stretching. Napapikit pa ako dahil may nararamdaman akong sakit. Sinubukan Kong tumayo habang kapit na kapit sa kama. And I did!

"Oh my god!" Usal ko.

Humakbang ako.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Napapalakpak ako sa tuwa kahit ngalay na ngalay na ang legs ko.
Umupo ako ulit nang makabalik. I breathe, gusto ko pang maiyak. Ang saya lang.

Ang saya saya.

''Babe? Babe? What happened? God! Anong nangyari?" Lumuhod si Iba sa harap ko.

He is so worried, the way he looked at me. He cupped my face tsaka hinalikan. Sinuri niya ang katawan ko.

"Nakakalakad na ako." Sabi ko na ikinahulat niya.

Nakanganga siyang nakatingin lang sakin. Tumayo ako at dahan dahang humakbang na parang bata.

And I did it again.

"Oh! Thanks God! You're really a living miracle, babe."

Hinalikan niya ulit ako na parang wala ng bukas. Tawa naman ako nang tawa. Sabi ko na gagaling din ako.

---

Nagising ako nang gabing yun nang wala si Iba sa tabi. Yes, tabi na kaming natutulog mula nung maka - uwi kami galing States.

Sinubukan kong tumayo at humakbang papuntang pinto. Nasa may hallway siya Papunta sa kwarto ko may kausap sa phone.

"---yes, mom. --- Olivia? Really at talagang siya ang naisip mo? Haha! No, mom.--- Okay, okay --- see you there. I love you."

Hindi ko alam ang isisipin pagkatapos nang tawag na yun kay Shiba. Gusto ko pang magselos pero wala naman akong karapatan.

He was walking towards kaya mabilis akong pumasok na sa kwarto at umupo agad sa kama.

I was panting so hard ng makarating siya. Agad naman siyang lumapit sa akin. Nag - aalala.

"Anong nangyri?"

Nanlaki naman ang mata ko dahil wala akong maisagot.

"Bukas ka na ulit maglakad, babe. Sinilip ko lang si Bree. Excited ka na ba bukas?"

Eight  - thirty ng umaga ang flight namin. Maingat niya akong pinahiga at nilagyan nang comforter.

Maingat niya din ipinulupot ang kaniyang kamay sa bewang ko. Napangiti ako. Ang init niya talaga. Naramdaman ko pa ang halik niya sa noo ko.

Maaga kaming nagising kinabukasan. Mag isa na akong nagbanyo at naligo.

Di ko talaga maiwasang hindi kabahan. At last! Makikita ko na ang Amsterdam! Malamig daw doon, kukuha talaga ako ng maraming pictures.

Nagbihis na ako pagkatapos kong maligo. Humarap ako sa salamin para maglipstick at mag pulbo. Gusto kong maging maganda lage sa paningin ni Iba.

Pero nahinto ako sa pagsuklay, ang daming buhok na sumama sa suklay. Bigla akong kinbahan, inulit ko magsuklay, dahan - dahan. Napapikit pa ako nga mariin at gusto kong maiyak pagkatapos. Mabilis kong binitawan ang suklay ng biglang bumukas ang pinto.

Tell Me  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon