TM 3

3.3K 116 9
                                    

Olivia Neipezac:
Olivia Cazepien is now inrelationship with Shiba Sean Lambert.

Natigilan ako bigla nang mag pop out sa news feed ko yung status na yun. Parang niyanig ang buong sistema ko. Nabibingi at nag - iinit ang ulo ko.

Gusto kong maiyak. Parang may nakadagan sa dibdib ko na halos hindi na ako makahinga.

Ang sakit.

Nagmadali akong lumabas nang library at tinungo ang locker room. Doon ko binuhos ang luha ko. Humagulhol ako at walang akong paki kung may makakita o makarinig man sakin. Gusto ko lang mailabas talaga ang bigat nang pakiramdam ko.

After all that i chased him, this is what i get in return. Ang tagal na eh, simula nung nag grade one ako siya na yung tinitibok nang puso ko. Ang dami ko nang pinagdaanan para makasama at mapansin lang niya but its all useless now. Pero hindi eh, gusto kong kay Via mismo manggaling ang status na yun. Galing sa bibig niya. Bakit hindi niya nabanggit kung nagpapaligaw na siya kay Iba. Ni hindi niya sinabing sila na. Parang kelan lang kami nagkita ah?

Suminghot ako.

Nakakainis. I felt betrayed. Naglihim siya? Alam niyang may gusto ako kay Shiba pero bakit niya ito nilihim saken? Pati si Iba eh, araw araw kaming seat mate pero ni hindi niya nabanggit sakin na sila na?

Baka naman kasi hindi totoo yung status na yun? Ingos nang isang bahagi nang isip ko.

Tumayo ako nang tuwid at pinunasan ang aking mukha. Kaylangan kong maka usap si Iba. Pumunta ako sa Basketball court at hinanap agad si Iba.

"Manong, yung mga players po?" Tanong ko kay manong na naglilinis na nang court.

"Aba iha, kakatapos lang nang praktis game nila. Nasa locker room na siguro."

"Salamat po."

Buo ang loob akong dumeretso sa locker room nang mga manlalaro nangingilid ulit yung luha ko nang maisip kung bakit wala akong alam na sila na. Tuluyan na talagang tumulo ang luha ko sa tindi nang frustration.

Pabagsak kong binuksan ang double door sa men's locker and shower room.

"Hey! Raf! Haha! Iba, someone's looking for you! I know it wasn't for me or Hadj."

Nanlalaki ang matang dali - dali akong tumalikod. Ang babastos nila! Naka boxers lang silang lahat habang nagpupunas nang basang katawan. Ang iba ay natapis lang nang maliit na tuwalya.

"Oh my god!" I exclaimed.

Napapadyak akong lumabas. Nakakainis! It was epic!

Si Via! Siya ang pupuntahan ko! Mabilis kong tinungo ang cheerer's club. Hindi ko na siya hinanap dahil siya agad ang nakita ko pagkapasok.

"Ella.."

Napaluha ulit ako. God! Bakit si Olivia pa? Pero wala naman akong karapatang magtanong di ba? Hindi ko naman ka ano - ano si Shiba. Walang kami. He never courted me. He never said he likes me. He never treat me good. We never go out. We've just kissed at worst ako lang ang may alam. Ako lang naman ang umasa. Wala akong karapatang magalit o magtampo.

I brushed away my tears and give her my genuine smile.

"Ella... i'm sorry."

"Para saan?" Wala sa loob na tanong ko.

Lumapit siya sakin at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"I'm sorry, hindi ko naman sinasadyang mahalin siya eh. Ella..."

"No, it's okey, Via. You --- you don't need to say that." Ngumiti ako at inakap siya nang mahigpit. "Nabigla lang siguro ako. But i'm okey. It's okey."

Tell Me  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon