Ep. 9 - Telepono

41 3 5
                                    

Par's POV

Hindi mawala sa isip ko kung sino yung tumawag sakin kagabe. Hindi kaya si Ross yon at mag.eexplain siya sakin sa mga nangyare kahapon.
Malabo kung nagkabalikan na sila ng Ex niya. Haist, nalulungkot na naman ako sa naiisip ko.
Bakit ba kasi nagsimula pa siya, inaya pa ako sa acquaintance party yun pala makikipagbalikan naman siya don sa ex niya.
Hindi matapos tapos ang pag.iisip ko hanggang sa makarating ako sa school.

Pagdating sa classroom kumpleto na ang Jasvign.

"Oh tingnan mo, siya na ulit huling pumasok satin. Nawala ang inspiration niyang pumasok ng maaga." sinimulan na naman ni Marsha.

"Wag mo kong simulan." Sungit ko sakanya.

"Hahahaha Ang aga aga badtrip ka na agad. Malay mo maging maganda ang araw na to para sayo." Si Kuya A naman yon.

"Oo nga naman Par. Hinahanap ka nga ni Umi at Oni kanina ehh. Tagal mo kasi dumating." Si Anj naman un.

Nabuhayan ako sa sinabe niya. "Bakit daw ako hinahanap nung dalawa?" Tanong kong may halong pag.asa.

"Ewan namen. Wala naman sinabe pero mukhang may gustong malaman from you ehh." Pagtataka na sabe ni Tanya.

"Huh? Anong alam ko na gusto nilang alamin? Haha Baliw din yung mga yon. Gusto nila malaman kung anong inisip ko buong gabi pagkatapos kong matuwa na may nagkakagusto sakin tapos yun pala paasa lang. Hahaha pasaway!!!" Hindi ko na napigilan yung nasabe ko. Nagulat sila kasi ramdam nila ako. Nahiya ako bigla sakanila. "Pasensya na. Hahahaha ang aga aga Emo Mode tayo." Tumawa na ako at sumunod na sila.

"Hahaha Let's Enjoy This Day!!!" Masayang sabe ni Juana.

"Oo nga, malapit na ang party noh. Wag mo ng isipin yan. Malay mo may magandang balita ang araw na to." Sabe ni Lisa.

Mahabang kwentuhan pa ang naganap nung umaga na yon kasi wala yung teacher namen sa first subject. Naging busy naman ang mga sumunod na subject hanggang sa nag.first break na. Hindi na ako lumabas, wala ako sa mood. Hindi rin naman ako pinuntahan nila Umi at Oni baka busy pa din sila. Wala din namang Ross na nagpaabot ng kung ano. Naging tahimik. Lumipas pa yung mga sumunod na subject at nag Recess na.
Sa Canteen kame as ussual. Wala pa din akong Ross na nakita. Wala din yung mga kaibigan niya.

Wala na ba talaga??
Hindi na ba ako dapat umasa??
Grabe naman yon...
Isang araw na kilig lang...
Yung iba nga isang linggo ehh 😢😢😢

Kumaen at nagkwentuhan kame. Naging masaya naman ang kulitan namen. Kinukwento lang nila ang kanya.kanyang experience with their crushes.
Nakakatuwa lang pag.usapan yung mga nagawa nilang katangahan sa harap ng mga crush nila.
Bumalik na kame sa room. Halos patapos na ang Recess nung nagpakita sila Oni at Umi.

"Oh san kayo galing? Tapos na lunch namen." Tanong ko sakanila.

"Ay naku. Yung subject namen after Recess nakiusap na magswitch sched ang subject niya at Recess. Gutom na tuloy kame" Reklamo ni Oni.

"No choice naman kame kasi may emergency si Ma'am kaya ganun." Si Umi naman.

"Ahh yun naman pala. Sige, kumaen na kayo. Pasok na ako." Paalam ko sakanila.
"Ay oo nga pala. Hinanap niyo daw ako kanina?" Pahabol ko.

"Ai, Oo meym. Makikibalita sana kame." Sabay nilang sabe.

"Makikibalita tungkol san? Walang bago..." Paliwanag ko naman sakanila.

"Oo alam namen meym. Mamaya tayo mag.usap. Gutom na talaga ako." Ani Oni.

Umalis na silang dalawa at pumunta sa canteen, ako naman ay pumasok na sa classroom.
Nagsimula na ulit ang mga klase. Nung last break lumabas ako baka sakaling may time na magkwento yung dalawa pero wala sila sa classroom nila. Busy talaga yung dalawa, siguro dahil sa party. Wala din si Ross sa loob pero andon yung dalawa niyang tropa. Asan naman kaya siya??

CODENAME: RAGDOLLWhere stories live. Discover now