Ep. 8 - Side B of Story

30 3 7
                                    


Ross' POV

Naalala ko kung paano inabot ni Par sakin yung sagot niya sa sulat ko kahapon. Ang cute niya. Halatang nahihiya siya pero may lakas ng loob siyang siya mismo ang mag
abot ng sulat. Bilib ako sakanya. 
Hindi din ako makapaniwala na papayag siya na ako ang maka.date sa party.
Sobrang saya ko... Kaya naisip ko ng lalakasan ko na loob ko. Excited na ako.
Hindi mawala yung ngiti sa mukha ko kaya masaya akong pumasok sa school.

Dinadaanan ko yung overpass papunta sa school. Nagulat ako ng may biglang kamay na sumingit sa braso ko. Nilingon ko siya at nawala yung kahapon pang ngiti ko.

Kung mamalasin ka nga naman oh...

"Mahal, sakto naman.. Sabay na tayo pumasok." Malanding sabe sakin.

"Joy, ano ba? Baka may makakita satin isipin na tayo ulit." Sabe ko sabay alis sa braso niya. "Pwede tayong sabay pumasok pero wag kang dumikit sakin."

"KJ naman nito. Gusto ko lang maging sweet sayo." pagtatampo kuno ni Joy.

"Bakit hindi ka kay Denver maging sweet. Oh sakto pa andito tayo sa most memorable place niyong dalawa." Asar ko sakanya. Hindi naman ako bitter, lalake ako no, hindi lang ako natutuwa sa inaasta niya.

"Wala na yon si Denver noh. Hindi mo pa ba ako mapatawad don? Patawarin mo na ako." Pakiusap niya sabay hawak sa kamay ko.

Mabilis kong inalis ang kamay ko. "Pwede ba Joy, Wala na tayo. You made your decision. It was him over me. I accepted it and moved on."

Tumahimik siya. Binibilisan kong maglakad hanggang sa makarating sa campus.
Dumerecho lang ako papunta sa building namen since malapit na magstart ang class. 5 minutes remaining before class baka ma.late na naman ako.

"Mahal, hindi mo ba ako ihahatid sa room ko?" pagpapacute ni Joy.

"Malalate na ako. Bye!!" Paalam ko sakanya.

"Teka, lang... Sabay tayo mag.lunch ahh" Pangungulit niya.

Hindi ko na siya pinansin at tumuloy na sa room namen. Buti wala pa ang teacher pagdating ko. Naririnig kong may teacher na sa kabilang classroom.
Kamusta na kaya si Par? Nawala yung inis ko kasi naisip ko na naman si Par.
Natutuwa ako sa tuwing naalala ko siya. Ang simple lang kasi niya. Hindi siya masungit, madali siyang lapitan at kausapin. Wala siyang arte sa katawan, minsan nga para siyang tomboy kumilos eh.  Hindi siya yung tipo kong girl pero gustong gusto ko talaga siya. Hindi ko nga alam kung bakit.
Nagsimula ang klase at naging busy ang mga sumunod na oras. Sunod sunod na mga exams and projects ang binigay samen. Ni hindi ko nagawang magbreak kanina dahil tinapos ko yung mga notes and reference para sa project.

Recess.

Excited akong mag.recess kasi gutom na talaga ako sa dameng pinagawa. Excited din ako kasi makikita ko na ulit si Par.
Hindi ko pa alam gagawin ko. Nagdecide kasi ako na wag siyang kausapin via sulat kundi personal na since pumayag na syang ako ang date.

Bumili na kame ng pagkaen. Wala pa sila Par. Nung umalis kame ng room may teacher pa sila ehh.
Kinakabahan na ako pero kaya ko to.
Biglang nawala ang maganda kong mood ng lumapit samen si Joy.

"Mahal, sabe ko sayo sabay tayo mag.lunch ehhh." Tumabi siya sakin sabay lapag ng tray niya ng pagkaen.

"Hindi ako umoo nung sinabe mo yon." Galit kong sabe sakanya.

"Haist, hanggang ngayon nagtatampo ka pa din sakin. Sorry na nga mahal. Alam mo naman na ikaw talaga ang mahal ko ehh. It was all Denver's fault." Maarteng sabe ni Joy.

"Please Joy. Tumigil ka na. Baka may makakita pa kung anong isipin nila. Ayoko non." Akmang tatayo na ako pero pinigilan niya ako.

"Ross, Please. Let's just enjoy eating together. Rigo, Lloyd, Kamusta na kayo?" Pag.iiba niya.

CODENAME: RAGDOLLWhere stories live. Discover now