Ep. 2 - Simula

42 4 6
                                    

Ragdoll's POV

Maaga akong pumasok kinabukasan. Nabanggit ko ba??? Nasa 3rd year high school na ako.. Konting kembot na lang, graduation na. Hahaha

Pero ang da best don, April na pero pumapasok pa ako.... Sipag ko no?? hahaha
Summer Class para sa mga gustong pumasa... hehehehe
Ang buti kong studyante...
Para siguradong 4th year na ako this coming school year. Mejo trip ako nung teacher ko eh, hahahaha.

Ndi sa bobo ako, mejo nagkatamaran lang. Marunong naman akong studyante, valedictorian pa nga ako nung kinder ako ehh, pakita ko pa sayo Gold Medal ko. 😊
Nagkataon lang na mas pinili kong maghinay.hinay at wag masyadong magpakitang gilas... Ayon nasobrahan lang. Science at Filipino talaga paborito ko kaya ayan, kinukuha ko ngaung summer class Hahaha...

Annhin ko ba ang chemistry kapag sumasayaw na ako sa mga big concerts.
Pangarap ko nga palang maging dancer. Ndi agogo dancer ahhh ung astigin. Pwedeng myembro ng streetboys pero Co.Ed version, myembro ng national dance group ng pinas na sinasali internationally. Malapit na yan.. I believe.
Hahahaha kinikilig ako sa naiisip ko.

Alam ko ndi dapat pinapangarap maging dancer, normal na pangarap ng mga normal na tao eh maging doctor, lawyer, police, sundalo, teacher etc.
Ako??? Masaya na akong gawin ung bagay na pinakamasaya para sakin, magperform.

Myembro ako ng school dance troupe. Pero di ako ganun ka.aktibo kasi madalas folk dance sinasayaw nila.. No issues with that pero may isang group din kasi akong kinabibilangan at mas modern sila kaya dun ako madalas. Jasvign ang name ng group. Cute no haha derived from first letters of our codenames. Ako ung I, for Ice. Naaastigan kasi ako sa name na un.

Andun ako sa classroom nun para sa TBS ( Taking Back Subject) nung tinawag ako nung mga GFF ko.
Sila Ploning at Mayumi. Elementary pa lang friends ko na sila.. Sila ung tipong ndi mo kelangan makasama palage para masabe mong close kayo. Madalas ko silang kachikahan sa phone, alam mo na kwentuhan ng mga kalandian at kalokohan hahahaha

Oh wag judgemental, ndi porket nagkkwentuhan ng kalandian eh kaladkarin na... Ndi naman mawawala sa curious minds of teenagers ang magkwentuhan ng kalandian... and when I say kalandian malamang about boys un... madame kasing crush na boylet sa school tong sila Ploning at Mayumi...

Magaganda sila at matatalino, ndi nauubusan ng manliligaw, siguro nga madame na din silang jinowa sa mga un pero fling lang at walang pinakilala sa mga magulang.
Si Ploning ay vice president ng student's council at editor in chief ng school news paper. Si Mayumi naman since anak ng teacher siya ang President ng student council, ndi sa may favoritism pero siguro dahil sa hilig niyang mag.organize nagagampanan niya ng maayos ung role niya.
Perfect tandem sila pagpinagsama kaya nga siguro sila na madalas ang magkadikit. Pangarap nga daw nilang maging sikat na event coordinator. Ung tipong mga sikat ang sosyalang event sila ang nagpprepare at nagaayos.
Ndi naman ako magtataka kung balang araw mang.yari un.. Ngayon pa nga lang ehh naaamaze na kame sa mga programs and events na ginagawa nila sa school.

Pagkalapit sakin ni Ploning inabot niya agad ung papel na hawak niya... Tingnan niyo kakasabe ko lang..... "Eto ung details ng plano nameng Acquaintance Party for the next school year." ika ni Ploning.
"Ang bongga di ba?? Inspired sa last event na nakita ko online sa U.K ." sabe naman ni Mayumi.
"In Fairness mga beks ang ganda ng plano niyo ahhh. Mukhang Mag.eenjoy lahat ng students nito" nakangitang sagot ko. Umalis na din sila nung pumasok ung teacher ko, ndi naman sila nagtatake ng Summer Class, sadyang andito lang sila sa school para sa mga school plans and activities para sa sunod ng school year.

Natapos ang summer class at syempre ngiting tagumpay ako dahil nalalapit na matapos kalbaryo ko at maeenjoy ko na ang summer vacation. Tapos sa sabado PULP na.. Yehey!!!

CODENAME: RAGDOLLWhere stories live. Discover now