Ep. 12 - Exclusively Yours

14 2 0
                                    

Par's POV

Naging napakasaya ng Acquaintance Party kagabe. Sabado na ngayon at kakagising ko lang. Ala Una na ng hapon. Hahahahaha
Madaling araw na din kasi kame nag.uwian. Sabay sabay kame ng Jasvign kasama din si Ross. Syempre hinatid niya ako. Hindi pa kame pero dahil sa sinabe ko kagabe parang M.U na din un.
Mutual Understanding...

Karapatan naman niya malaman yon para naman makabawi ako sa lahat ng magandang ginagawa niya para sakin.
Ang saya....

~flashback~

"Salamat sa paghatid, Ross" Ngiti kong sabe kay Ross. Nasa tapat na kame ng gate ng bahay namen non.

"Wala yun. Sinabe ko naman sa family mo na ihahatid kita ehh. Sige na, pumasok ka na." Sabe niya habang inaalalayan akong buksan yung gate namen.
Pumasok kame at tumapat sa pinto ng bahay namen.

"Salamat ulit, Ross. Saktong sakto ang hatid mo, sa tapat talaga ng pinto ng bahay. Hehehe" Pang.aasar ko sakanya.

"Haha eh kelangan sure akong nakauwi ka. Kung sa gate lang kita ihahatid baka pag.alis ko san ka pa mag.punta. Sige na pumasok ka na." Sabay hawak sa ulo ko at ginulo yung buhok.

Ang sweet... Hahahaha

"Grabe ka ahh, san naman ako pupunta ng ganitong oras?" pagalit ko pang kunyareng sabe sakanya.

"Aba, malay ko ba kung may kikitain ka pang boyfriend sa kapitbahay niyo." Patampo naman niyang sabe.

"Hoi, Ross.. Ano?? Anong tingin mo sakin?? Maganda?? Madameng jowa?? Hahaha Hindi ako chix no." patawang sagot ko sakanya. "Tigilan mo nga yan, hindi cute no... Nakakaasar kaya... HmPf.. Sige na Ross, papasok na ako. Mag.ingat ka pag.uwi mo. Mag.text ka na lang kung nakauwi ka na. May load ka ba?? Baka kasi hindi ko na masagot kung tatawag ka. Sige.. Bye Ross." Sabay talikod ko sakanya at akmang bubuksan na yung pinto ng bahay nung hinila niya yung kamay ko para mapaharap ulit ako sakanya.

"Joke lang naman yun. Nagpapalambing lang ehh. Hehehe Sige. Pahinga ka na ahh. Mag.tetext na lang ako kapag nakauwi na ako. Salamat ulit Par for being with me tonight. May last request lang ako...." Huminto pa siya dun sa huli niyang sasabihin na parang nahihiya pero nakatitig pa din sakin. Mga ilang segundo ding ganun, pero wala pa din siyang dinugtong sa sinabe niya. Na.cucurious tuloy ako sa request niya.

"Ano ba yung request mo?" Tanong ko sakanya. Di kaya goodbye kiss ang request nito? Hanep ahh. Ang bilis ahh... Kiss agad. iiieeehhhh Nakakahiya naman.... Nawala ako sa Iniimagine ko nung magaimula siyang magsalita.

"Ahhh, kung... kung pwede... sana...." pa
excite pa din siya sa sinasabe niya though alam ko naman na hindi niya sinasadya dahil kita at halata namang nahihiya at kinakabahan siya talaga.

"Ross... Ano yun?? Baka lumiwanag na lang andito pa tayo.. Hahaha" pag.sira ko ng tensyon sa pagitan namen.

"Ahhh sorry. Ayun kasi... Kung pwede sana...."

"Wag na Ross ang itawag mo sakin." Nagulat naman ako sa sinabe niya...dalawang dahilan... Kasi nga akala ko kiss na request niya...
tapos yun pala ayaw magpatawag sa name.. Mas weird pa sakin to ehh...

"Ahh ehh, Bakit naman?? Ayaw mo ba ng name mo?? Maganda naman ahh.." Takang tanong ko sakanya.

"Hindi, Hindi naman sa ayaw ko sa name ko.. Masaya ako kapag tinatawag mo ako sa name ko.. Pero mas gusto ko na special ang itawag mo sakin..." Nahihiya pang sabe niya.

😱😱😱😱

Special???

Bading ba to??? Hahahaha

CODENAME: RAGDOLLحيث تعيش القصص. اكتشف الآن