Ep. 7 - Pagasa without the G

38 3 6
                                    

Par's POV

Kinabukasan.
Nahihiya akong pumasok.
Fresh pa din sa isip ko yung ginawa ko kahapon. Pero excited ako kung anong irereply ni Ross sa sulat ko 😍😍😍

Pagdating sa school naghahanap ako ng makakasabay papunta sa room. Dadaanan kasi ang room nila kaya ayokong magsolo maglakad. Kaso bigo ako, wala akong nakitang classmate ko.
Naglakas loob na lang akong pumunta sa room. Nung malapit na ako sa room nila Ross napahinto pa ako. Huminga muna ako ng malalim bago tumuloy maglakad. Derecho ang tingin ko kaya hindi ko makita kung sino ang nasa room nila at kung may nakatingin ba sakin.
Matagumpay naman akong nakapasok ng room namen. Wala pang masyadong tao. Ang aga ko pala pumasok. Excited masyado. hahahaha

Nagbasa na lang ako ng mga books habang nagiintay. Nagdatingan na ang mga classmates ko pati ang Jasvign.

"Ohh ayos ahh.. Ibang klase ang dating sayo ng lovelife. Inspired pumasok." Pang.aasar ni Marsha.

"Hoi, maaga talaga ako pumasok no. Ang lapit lang ng bahay namen dito eh." Katwiran ko.

"Oo na lover girl." Si Marsha ulit.

"Sus." Sabe ko na lang.

"So ano nang plano sa Friday?" Biglang singit ni Anj.

"Huh? Bakit may pupuntahan ba tayo non?" Tanong ni Maria.

"Gaga, Acquaintance un di ba? Anong plano before and after?" Sagot ni Anj.

"Aii uu nga. Sabay sabay na tayo?" Tanong ni Juana.

"Sabay na kame ni Liza papunta at pauwi." Si Kuya Arnel un.

"Oh... Kayo lang magkaibigan? Oi Kuya kapatid mo ko. Pareho tayo ng paggagalingan, hindi mo pa ako isasabay?" Si Tanya naman un.

"Hahaha wala ka bang date nun na magsasabay sayo? Akala ko kasi meron eh" Pang.aasar ni Kuya A.

"Meron. Anong tingin mo sakin?? Panget??" Pagsusungit ni Tanya.

"Oi, ang sakit ahhh... Wala kaya akong date non." Si Juana naman.

"Ako din kaya. Wala din akong date nun no." Second the motion ni Anj.

"Ako hindi pa sure kung may date or wala." Singit ko sa sakanila.

"Anong wala jan. Eh may nag.aya na nga sayo ehh, Kung ayaw mo ako na lang date nun." Si Tanya ulit.

"Haha tangek, sabe ko kasi sakanya sa sulat ko. Magiging busy ako nun since member ako ng dance troupe at Jasvign. Madame tayong sayaw non ehh. So baka hindi ko din siya masamahan." Explain ko.

"So you rejected him? Oh my. Ganda mo Teh ahhh.." Asar ni Marsha.

"I did not. Sabe ko kung maiintindihan niya ung situation ko and willing siyang maging date ung ganun edi sige. I'll be his date" Nahihiya kong sabe.

"Aii ayun naman pala. Hahaha Naks... First time yan may date ka." Ani Anj.

"So ano kanya kanyang punta na lang tayo.. Yung uwi bahala na kung magsabay or hiwahiwalay ulit?" Sabe ni Kuya A.

"Oo na gusto mo lang masolo si Liza ehh." Sungit ni Tanya.

"Tutal wala tayong date, sabay sabay na tayo." Si Anj un, tukoy niya ay si Juana, Marsha, Maria at Tanya.

"May date nga ako non." Pumilit ni Tanya.

"hahahaha okay." Tawanan namen. Bigla ng nagsipag.ayos ang lahat dahil pumasok na ang teacher for the first class...

Lecture... Recitations... Quizzes...
Yan ang ussual routine namen sa mga naunang subject.

First Break

CODENAME: RAGDOLLWhere stories live. Discover now