Chapter 32: Dream

Start from the beginning
                                    

"They? You mean the Malverine?" Nagpalinga-linga akong muli. Damn it! Paano ba ako makakaalis sa lugar na ito? Wala pa rin akong maaninag na kahit isang liwanag man lang!

"Trust yourself, Anastasia. You can do it."

I closed my fist firmly. Biglang nawala ang tinig ng ama ko at tumahimik na ang paligid. Nawala na rin ang presensiyang naramdaman ko kanina. It's just me again... in this dark and unknown place.

Come on, Anastasia! Leave this place already. Kailangan mong maniwala sa sinasabi ng daddy mo!

Hindi na ako nagsayang pa ng oras. Nagsimula na akong kumilos at inihakbang ang mga paa. Lakad-takbo ang ginawa ko. Kahit na wala akong maaninag na kahit ano, pinagpatuloy ko pa rin ang pagtakbo. I run as fast as I can. Hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakaalis sa lugar na ito!

This place must have a dead end! Imposibleng wala. I just need to keep moving and keep on finding it! Makakaalis din ako sa lugar na ito!

Minutes passed pero wala akong mahanap na labasan. Napamura na lamang ako sa isipan at pinagpatuloy ang pagkatakbo. And it was like I'm running in a full circle. Paikot-ikot lang ako sa madilim na lugar na ito. Pabalik-balik lang! The hell with this place!

"Dad!" I called him out. "How can I get out of this place?" I frustratedly asked my father. Huminto ako sa pagtakbo at humugot ng isang malalim na hininga.

Katahimikan. Wala akong marinig na kahit ano sa paligid. Napangiwi na lamang ako at sinubukang tawagin muli ito. "Dad!" I called him again. Where is he? Ba't hindi na siya sumasagot sa akin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at napatampal na lamang sa noo.

"Grayson," mahinang sambit ko sa pangalan niya. Mayamaya lang ay napaawang ang labi ko at napaayos na lamang nang pagkakatayo. Right! I heard his voice earlier! He called my name!

Once again, I scanned the whole place. If this place is only a part of a dream, then, that voice of him must be from the real world! Napasabunot na lamang ako sa buhok ko at inis na tiningnan muli ang buong paligid.

If I can't use my attribute, then, my dark magic might work, right? Mukhang wala namang mawawala sa akin kung susubukan ko iyon!

Kinagat kong muli ang pang-ibabang labi at umayos nang pagkakatayo. I took a deep breath and concentrate. Just relax, Anastasia. Relax.

This will be the first time I'm going to use this magic of mine. This dark magic I have for a long time. Wala akong ideya sa kung anong puwedeng gawin pero may tiwala ako sa sarili ko. I'll trust my instinct with this one. Kailangan kong magtiwala sa sarili ko kung nais ko talagang makaalis sa madilim na lugar na ito.

I raised both of my hands. "I hate having you in my body," mahinang turan ko. "But... I badly need you right now. For me to escape this place and to save those people I treasure most, I need to use you. Please." I took a deep breathe again.

Mayamaya lang ay unti-unti kong nararamdaman ang kakaibang enerhiya sa mga kamay ko. Dark magic! Ito na marahil iyong kapangyarihang matagal nang naka-seal sa buong katawan ko! "Please. Help me!" I screamed and released the massive amount of dark magics I've created.

I've heard an explosion in a distant. That must be my dark magic! May tinamaan ito? Really?

Napaawang na lamang ang mga labi ko at pinagpatuloy ang ginagawa. Itinaas kong muli ang mga kamay ko at bumuo ng dark energy dito. And just like the first dark magic that I've released, may narinig din akong pagsabog sa may gawing unahan ko. Napangisi ako.

Paulit-ulit kong itong ginawa. Sunod-sunod na pagsabog din ang narinig ko sa buong paligid. Pero kagaya ng kanina, I still see nothing. Wala pa ring nangyari kahit halos masira ko na yata ang madilim na lugar na ito.

Napasigaw na lamang ako dahil sa inis na nararamdaman ngayon. Para saan pa iyong mga pagsabog na narinig ko kanina? Damn it! Napapadyak na lamang ako ng kanang paa dahil s ainis na nararamdaman. I wasted my damn energy for nothing!

Muli kong ipinadyak ang mga paa at mayamaya lang ay mabilis akong natigilan. Agad kong pinatalas ang pandinig at ipinilig ang ulo pakanan. Seconds passed; I stopped when I heard a crack sound beneath my feet. Napakunot ang noo ko dahil doon. I stomped my right foot again and there; I hear the crack sound!

Napaawang ang labi ko at mabilis na lumuhod. Agad kong inilapat ang mga kamay sa tinatapakan kanina at pinakiramdaman iyon. "One last hit. Just one last hard hit," bulong ko at buong puwersang pinalabas ang dark magic sa mga kamay. And to my surprise, my fire attribute's back! Dark magic on my left hand and my fire attribute on my right hand!

I immediately looked the place where I am right now. Empty. Kahit may liwanag na, still, I saw nothing. It was an empty space.

"Come on, Ana. Let's get out of here," bulalas ko sabay buong puwersang sinuntok ang konkretong sahig sa harapan ko.

Bigla akong napabangon mula sa pagkakahiga at pilit na hinahabol ang sariling paghinga. What the hell happened to me? Bakit hindi ako makahinga nang maayos?

"Finally!" Napalingon ako kay Hades na ngayon ay nasa tabi ko at kasama ang iilang tauhan niya. Napakunot ang noo ko lalo na noong mapansing may hawak-hawak ang mga ito na sandata.

"What happened?" Namamaos kong tanong sa kanya. Natigilan ako. What happened to my voice?

"You were sleeping while releasing massive amount of your dark magic. Iyon ang nangyari. Really, Anastasia? Talaga bang gusto mong ipahamak ang sarili mo? Hah? Pati rin ang buhay ng mga kaibigan mo?" galit na tanong nito sa akin.

What? Anong pinagsasabi ng lalaking ito? Massive amount of my dark magic? Kailan ko ginawa iyon?

Mayamaya lang ay natigilan ako. Napaawang ang mga labi ko noong maalala ang nangyari sa akin. Iyong paniginip ko! No way! So, iyong kapangyarihang pinakawalan ko sa loob ng panaginip ay lumalabas naman dito sa totoong mundo kanina? Oh no! This is not good.

I calmed myself and tried to remain composed. "So, what's the situation now?" Halos walang boses na tanong ko pa rin sa kanya.

"They're on their way, Anastasia," mariing sambit ni Hades sa akin. "I've already contacted the Council. They're coming here, too. Malamang pati ang kapatid mo ay pupunta na rin dito."

I nodded at him. So, the war between the Council and the Malverine will start again. At dahil iyon sa akin. Dahil iyon sa paggamit ko ng dark magic kanina. I can't believe this! Hindi ito ang planong nasa isip ko! Yes, I'm planning to use my dark magic to lure them out, but not like this!

"And also, that Tyler guy, pabalik na rin siya kasama ng isa sa Trio."

Natigilan ako sa narinig mula kay Hades. So, he's not yet here?

Paano... paano ko narinig ang boses niya kanina sa panaginip ko kung wala naman pala ito ngayon dito sa Dark World?

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Where stories live. Discover now