"Thank you, Ruie. Mukhang ako naman ang minamalas. Baka kasi may sumabunot na mga tagahanga mo sa akin." I joked. He seems to be pleased from the way he chuckled.

Ramdam ko ang mga habol na tingin ng mga kalalakihan sa akin. Unti unti na din napupuno ang gymnasium. Madami na din ang nakapila sa registration booth.

I surveyed the table which we're heading to. There's six men sitting there looking directly to us. Wala roon si Tiago Lance.

"Guys, I want you to meet Barbara Samonte. "

"Hi." Isa isa silang tumayo at nakipagkamay sa akin. I rolled my eyes when I heard sweet words from them.

"Barbara, baka naman may kapatid ka na pwede naming makilala. Good boy naman kami eh."

"Meron." I said. I chuckled when I saw their high fives. "He's a man. You want to meet him?" Napabungisngis ako nang napailing silang lahat.

The program started while the gentlemen were busy questioning me. I tried my best to answer them, kahit pa nga nagiging personal na. Nobody knows about me. I don't evrn know if Tiago Lance has already his idea.

"You know Barbara, you look familiar. I think I've seen you before." Napangiwi ako nang mapunta na naman roon ang usapan.

I just hoped they won't feel my uneasiness.

"Kamukha ko lang siguro iyon. Marami namang magkakamukha eh." He seems to have accepted my excuses.

"Nasaan na nga pala si Dean Lance, pare?" Napalingon ako sa nagtanong na kausap ni Ruie ngayon.

"Parating na sila ni Georgina."

Georgina?

"Mukhang parati silang magkasama ni Georgina pare, ha? Sila na ba?" Naningkit ang mga mata ko nang marinig ang tanong na iyon kay Ruie.

Ruie shrugged his shoulder."I don't know."

"Ang tinik talaga ni Dean pagdating sa chicks. Lahat na lang nagkakagusto sa kanya. How to be him, pare?" Biro ng pinakakenkoy sa kanila.

"Sa sobrang sipag ni Dean mukhang trinatrabaho na din niya ang anak ni President Wood." Kumuyom ang palad ko nang marinig ang salitang iyon. What does that means?

"I think I have to go back on our table. Nice to meet you guys." Yumuko ako bilang paggalang sa kanila at tumalikod na lamang upang bumalik sa table namin.

Ruie accompanied me back on our table. Hindi na siya nagtagal roon dahil may tumawag sa kanya sa ibang mesa.

"Ano na, Manika? Nandito na ba di Dean Lance?" Nakasimangot akong sumandal sa upuan.

"Wala pa! Kasama niya si Georgina."

"Sinasabi ko na nga ba, eh!" Tampal naman ni Zol sa noo niya.

"Iyan talagang plywood na yan, laging nyumininja moves kay Dean! Aba't naunahan ka na, bhe?" Usal ni Dindin.

"Di bale, Manika! Pangit siya. Magandang maganda ka bhe! Sexy ka at plywood siya. Plywood!" Napalabi ako sa tinuran ni Zol.

"Eh bakit sila ang magkasama?" Ngumungusong sabi ko.

Hinila na lamang nila ako at pinilit na magsayaw sa dance floor. Kanina pa kasi sila nagyayaya pero tinatanggihan ko lamang sila.

The song is heavy electro and everyone's enjoying the dancefloor. "Uy bhe. Sayaw na dali!" Ika ni Zol na kanina pa gumigiling kahit sagwang sagwa na akong tingnan siya. Dindin was also enjoying swaying though her feet is missing a lot of steps.

Austen-Henderson Series 5: ENCHANTED BY MR. DEANWhere stories live. Discover now