Chapter 39: Selcouth

1.7K 75 10
                                    

Chapter 39: Selcouth

Chapter Song: Closer by The Chainsmokers

A/N: Update here.

---

SNSD's Side

Kim Hyoyeon's Point of View

Tahimik lang kaming kumakain dahil bukod na gutom kaming lahat ay sobrang awkward pa ng atmosphere.

"Bakit ba tayo nandito?" Bulong naman ni Sooyoung sa akin.

Nagkibit-balikat naman ako. "Aba'y malay ko. Tanong mo sa kanila." Sabay nguso ko naman sa Exo.

"Kain ka ng marami Seohyun." Tingnan mo nga naman at asikasong-asikaso ang maknae namin. Haba ng hair!

"Sus. PaJollibee." Bulong naman ni Krystal. Bakit uso ang bulungan ngayong araw?

"PaJollibee?" Tanong naman ni Sulli sa kaibigan niya. Hmmm.

Pumagitna naman si Jessica sa kanila. "Slow mo naman Sulli. It means Pabida."

Kami man ay medyo di nagets yung sinabi ni Krystal buti nalang at natranslate ni Jessica. "Ang pake ko ay parang palabok sa Mcdo." Sagot naman ni Sehun kay Krystal. Jusko may comeback pang nalalaman.

"Palabok sa Mcdo?" Tanong ko naman.

"Wala namang palabok sa Mcdo, stupid." Sagot ni Krystal.

Sehun smirked. "Tsk. Kaya nga, walang palabok sa Mcdo. It means wala akong pake." He stated. Napa-ohhhh naman ang Exo.

Hinahamon ata kami nitong mga ito. "Kumuha ka ng papel Fany." Utos ni Taeyeon. Nako, magpaplano na kami ng atake niyan.

"Hmm, may papel ka naman sa buhay ko Yuri." Pamaya-mayang sabi ni Kai.

"Oh?" Takang tanong ni Yuri.

"Scratch paper nga lang." He said. Nalintikan na. Ayan na uusok na bumbunan ni Yuling niyan.

"Alam mo kasi Kai para kang Mercury." Balik naman ni Yuri kay Kai. Napatingin naman ako kay Lay na seryosong nakikinig lang. Bigla naman siyang napatingin sa akin at ngumiti.

Tsk. Ngingiti-ngiti yung isang yon pero nasasaktan naman.

"Bakit? Hot ako?" Natatawang sabi ni Kai at nakipag high five pa kay Chen.

"Hindi. Kasi makakasigurado ka na ang babae mo ay laging bago." She said with a smile.

Hindi ko naman masisisi si Lay na di magkagusto kay Yuri. Mabait ang kaibigan ko at maganda pa, pero bakit ganon? Ay ewan ko ba! Masyado akong ma drama.

"Okay ka lang Hyo?" He asked. Ang bilis naman niyang makalipat sa tabi ko.

"Patay na patay ka kay Yuri no?" Bulong ko sa kanya.

Umiling naman siya. "Hindi ah." He said pero namumula naman ang tenga.

"Sus. Deny ka pa." Biro ko naman. Shet, sumasakit yung puso ko.

He chuckles, "I don't know. She's really my type of girl."

Double ouch. Parang ganito lang yan, nadapa ka na nga at nasaktan ka pa. May maiiwan pa sayong sugat ng katangahan mo.

"Yun naman pala eh. Edi Go na. Follow what your heart says. Basta I'm your genie. I will grant your wish." I said with a smile.

Pupunta nalang muna ako sa kwarto dahil baka bawiin ko lahat ng sinabi ko.

---

Jessica Jung's POV

"Anong gagawin ba natin ngayon?" I asked. Nakatambay kami ngayon sa Sala. In fairmess, maganda yung bahay bakasyunan ng Exo.

WASMTB || ExoShidaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon