Chapter 23: Damn, Kissing Pact?!

1.8K 83 1
                                    

Chapter 23: Damn, Kissing Pact?!

Chapter Song: Blessed Myself by Lucy Hale.

---

Kim Taeyeon's POV

Shocks. Akala ko naman na may forever ang SNSD! Asan na sila ngayon? Mang-iwan ba naman?

"Love is in the air.." Narinig kong sabi ng sweet na couples malapit sa inuupuan ko. Hmp!

Oo, sila na MAGANDA ang lovelife.

Ako MAGANDA lang. Chos lang.

Napairap nalang ako, "Kaya pala iniwan ka niya sa ere." sagot ko sa nagsabi pero pabulong lang baka jombagin ako ng mga tao rito.

Pamaya maya ay lumapit na bata sa akin. May dala siyang mga roses at Teddy Bear. Naku! Kumikitang pangkabuhayan ata ito ah. "Pag nakaluwag luwag nalang ako bata!" maagap kong sabi sa kanya.

Tiningnan lang ako nung bata. "AXiumin mo naman Ate!" Aba! Parang narinig ko pangalan ng VP namin ah.

Kay galang naman ng bata na ito.

"Eh?! Nature na nang mga babae ang magassume kasi nga yung mga lalaki ay di marunong mag-explain. Tsk." paliwanag ko sa kanya. Ewan kolang kung naiintindihan niya kasi mga nasa 7 years old palang ata siya. "Teka, bakit nag-iisa ka dito?" tanong ko pa sa kanya.

Ngumiti naman siya sa akin. Cutie tong bata na ito. May kamukha nga siya. "Oo na ate, I'm beautiful. Here." Wala pa akong sinasabi na maganda siya tsk. Binigay niya sa akin ang mga hawak niya or should I say tinambak niya sa lap ko.

Tiningnan ko yung mga bulaklak. "Anong gagawin ko rito? Ibebenta ko ba ito?" I asked her.

Natawa naman nang tuluyan yung bata. "You're funny! I'm Winter. I'm not a season okay? Para sayo yan." She said. Feeling ko ang tanda na nang kausap ko. "Oh, here. Nakalimutan ko palang ibigay. Basahin mo raw sabi niya."

Di ko na masyadong naintindihan ang sinabi ni Winter. Tiningnan ko yung parang folder na binigay niya siya akin. "What the?" Magtatanong na sana ako kay Winter pero di ko na siya makita.

"Kissing Pact?" It's unbelievable. Tinotoo talaga nung kumag na yun ang sinabi niya!

"You already read it?" My heart beats faster. Boses palang yan ha!! Bwiset na hormones to. "You can signed it."

Doon na kumulo ang dugo ko. "What the hell is this?" I asked him sabay bato ng teddy bear pero nailagan lang niya. "Ano ako? I'm not that cheap para ganyanin mo!" I can't believe this. I hate him.

"Don't deny the fact that you enjoy it." He said.

"You're a stingy jerk!" Nangigiggil na ako sa kanya. Pinagpapalo ko siya ng kamay ko! Akala naman siguro ng mga tao na may LQ kami. Yung nga lang Q lang. Quarrel!

"Gusto mo ba nang installment?" tanong pa niya at lumapit sa akin kaya napaatras ako pero he grabbed my wrist kaya wala akong kawala.

Yumuko naman siya kaya napayuko ako. Konting maling galaw ay mahahalikan ko na siya and I won't let that happen.

"I'll make you sign it Kim Taeyeon."

And then he smirks leaving me breathless.

---

Lee Sunny's POV

Damn.

Yung feeling mo na niloko ka ng mga taong pinagkakatiwalaan mo.

That the exact feeling I'm having right now.

"Sunny l-let me e-explain." I heard Tiffany says that pero wala akong pakielam. Naiinis ako dahil...

I really liked Suho tapos ganito pa?

"What? Ano pa bang kasinungalingan yan?" sabi ko sa kanya. Ramdam na ramdam sa boses ko kung ano yung nararamdaman ko.

Mad is an understatement.

"Sunshine." Sa wakas may nasabi ding siyang word. Kanina pa siya tulala. Tsk. Di ko maimagine kung bakit ko gusto tong bestfriend ko. "Wala siyang kasalanan." Oh, di ako informed.

"We accidentally kissed." He added. So dapat ba akong matuwa na aksidente lang yun?

Alam kong wala akong karapatan dahil bestfriend lang ako pero...

I feel betrayed.

"Okay, sige maghalikan na kayo diyan." I suggested kaya kumunot noo ni Suho.

"Walang kasalanan si Tiffany. Best!" He said. Wala naman akong sinasabi na sinisisi ko si Tiffany?

Wow, sige Suho saktan mo pa ako. Ipagdikdikan mo pang bestfriend mo ako.

Unlucky I'm inlove with my bestfriend.

"Sinabi ko bang kasalanan niya?" I said. Pinipigilan ko lang yung luha na tutulo sa mata ko. Wag kang tutulo dahil magiging WEAK ako!!! "Wala naman diba? Tiffany!?" siguro ang bitter ng pagkakasabi ko ng pangalan niya.

Akala ko nakakatakot na ang Horror House pero mas may nakakatakot pala.

Betrayal never comes from your enemies.

I walked away from them. Too much information ang nasagap ko ngayon.

"M, I need you.." Nasabi ko paglabas ko ng Horror House.

---

Exo's Side

Kim Minseok's POV

Damn.

Nakagat ko naman ang labi ko habang kumakain ako ng siopao. Bakit? This is my style.

Kanina pa ako naglilibot para mahanap siya pero may nakakuha naman. Ang masaklap pa eh kaibigan ko pa. Tsk.

Pagkabili ko ng isa pang box ng siopao ay naglalakad na ako. Ayokong sumakay ng rides dahil wala ako sa mood.

Napunta naman ako sa harap ng carousel. May narinig naman akong parang umiiyak. Nawawala ata yung bata.

Lumapit naman ako at laking gulat ko sa nakita ko.

Isang werewolf ang nakita ko.

Pero siyempre joke lang yun.

Si Sunny.

Umiiyak.

Bigla akong nainis sa nakita ko. Hinila ko siya sa isang upuan. "What happened?"

Pinunasan naman niya yung mukha niya. "Bakit andito ka? Si M ang tinawag ko ah!!!" parang bata niyang sabi sa akin.

Teka, M ba sabi niya? Ako kaya yun. So hinahanap niya ako? Shet na malupet. "Hanap mo ko? I mean, yung M?" Bakit ang hilig ako ipahamak ng sarili kong bibig?

"Heh! Kainis naman! Wag na wag mong sasabihin na nakita mo akong umiyak!!" sabay palo niya sa braso ko. Bakit ang brutal ng mga babae. "Tsaka di tayo close no."

Umasog naman ako, yung tipong nagkakadikit na yung siko namin. "Ayan close na tayo." panimula ko. "Bakit ka umiiyak?" I asked her.

Tiningnan niya lang ako. "BAKIT KAYONG MGA LALAKI ANG HILIG MAGPAFALL? SHET LANGS. KAMI NAMAN ASANG ASA! KUNG BAGA SA SIOPAO! ASADONG ASADO!!! MATAPOS MABOLA BOLA!!!"

Wow. Bakit ang ganda pa rin niya kahit galit siya?

Shet. Malala na ang tama ko.

Ang tama ko kay Sunny.

And I'm in deep trouble.

---

Authors Note: Happy Holidays! Sorry sa di ko pag update. Anyway, I'm giving the spotlight sa ibang members kung pansin niyo para maayos yung flow ng story salamat po!

Please Vote and Comment! Salamat sa lahat ng nagbabasa nito.

Next update: Dec 28, 2015:)

Kaya vote na para mainspire ako. Too much rants! Lol.

Laters XX

WASMTB || ExoShidaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon