Chapter 36: Finding Yoona

1.9K 94 9
                                    

Chapter 36: Finding Yoona

Chapter Song:  Me too by Meghan Trainor

---

SNSD's Side

Choi Sooyoung's POV

Hulaan niyo kung nasaan kami. This is our second home bukod sa aming tahanan.

Second home daw pero di pwedeng matulog.

Unfair ang buhay.

Nakapangalumbaba naman ako sa classroom. Katatapos lang ng lunch time kaya naman pinabalik na kami sa room namin. Halos di ko naman nakita yung mga kasama ko.

Siniko ko naman si Hyoyeon. "Bakit?" Tanong niya nang humarap sa akin. Nakita ko naman na busy siya sa pagsusulat. Wala namang assignment ah.

Ngumuso naman ako sa desk niya. "Ano yan?" I asked.

Agad naman niyang itinago yung notebook na pinagsusulatan niya. "Wala to." Simple niyang sagot.

"Don't me." I said with a grin. "Para kanino ba yang diary mo? Para ka Papa L--"

Bago ko pa matapos ang sentence ko ay tinakpan niya agad yung kamay ko. Agad ko namang tinanggal pero pinandilatan niya ko. "Tumahimik ka Choi Sooyoung." She said.

Napatawa naman ako sa kanya. Kainis naman kasi. Nasaan na ba ang mga tropa pips namin?

Sakto naman nakita ko si Seohyun. Pero mas malala si Sehun. Nakatulala lang sa maknae namin.

Malala na to guys.

Pamaya-maya ay pumunta si Chen sa harap ng classroom kaya naman napatingin kami sa kanya. "Gwapo ko ba?" He said.

"Wala na. Uwian na." Natatawang sabi ni Taeng.

"Last mo na yan." Sabi pa ni Sulli.

Kumuha naman ako ng junk food sa bag ko at binuksan. Inalok ko naman sila Hyo. Nang kumuha si Yuri ay nahulog yung sa kanya.

"Pwede pa yan. Wala pa namang five minutes." Sabi ni Sulli sa kanya.

Lumapit naman si Chen sa amin. "Panahon nga ba ang nagdidikta kung pwede pa ang bagay na natapon na?"

Halos maibuga naman namin yung kinakain namin dahil sa sinabi niya. Bwisit na Chen to. Nakikisabay pa sa trip ng mga students ngayon.

"Ganda ng buhok mo Fany ah." Sabi ni Taeng. Mukhang may sarili silang mundo.

"Oh? Sinauli ko nga yung shampoo na nabili ko eh." Sabi naman ni Fany.

"Bakit?" Tanong ko naman.

"Sabi kasi doon, Damage Repair daw. Bakit hanggang ngayon..broken parin ako?" She said with a laugh. Isa pa to.

Siniko ko naman si Sulli. Tumango naman ako sa kanya. Lumapit siya kay Chen. "Sabi ng hangin, mabait ka. Sabi ng dagat, gwapo ka. Sabi ng lupa, matalino ka." She said seriously.

Namula naman si Chen. Kinikilig ang loko. "Talaga?"

Napailing naman si Sulli. "Tama. Sirang sira na ang kalikasan."

Lahat naman ay napatingin kay Chen at sabay sabay sumigaw ng 'BURN'. Lalong sumama ang mukha niya dahil doon.

Tinuro naman ni Yuri si Kai habang sumisigaw ng 'BURN.'  "Nagsalita ang maputi." He said to her.

"I don't give a damn." She just said to him. Lalo silang nag-irapan na dalawa.

"Ehem." Pagkalakas lakas na sabi ko naman.

WASMTB || ExoShidaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon