Chapter10

1.3K 24 2
                                    

Chapter10: Rhea POV

Naghahanda kami ni Tita ngayon dahil may pupunta daw na Relatives namin galing Ilocos kaya ito, todo prepared kami dahil nakakahiya naman.

"Tita, ilan ba silang pupunta?"

"Mga 10." Sabagay, malawak naman ito bahay ni Tita kaya ok lang.

Naghihiwa ako ng sibuyas ng makita ko sa side ng mata ko na may nakatayong bata sa hagdan. Alam kung nandito nanaman siya pero diko siya pinansin.

Nag bigla kung nahiwa yung kamay ko na diko sinasadya.

"Ok ka lang ba Rhea? Dika kasi nag-iingat eh." Nakakatawa si Tita, kunting sugat lang naman eh. Hahaha.

"Ok lang po ako. Tsaka malayo po yan sa bituka." Nakangiting sabi ko.

"Osiya, pahinga ka muna dun. Malapit din namang matapos ito eh." Sinunod ko nalang yung sinabi niya. Umupo muna ako sa balkon nila at dun nagpahangin.

Alam niyo yung, puro puno yung nakikita ko. Di naman sa natatakot ako pero wala man lang kapit bahay. -_-

Nagpamusic nalang ako para mawala yung bagot ko.

Nagulat ako dahil Nursery Rhyme yung sumunod na tugtug pero wala naman akong ganun sa phone ko.

"Rhea!!" Nagulat naman ako dun. Dali dali akong pumunta sa kusina para tignan si Tita.

"Bakit po?"

"Pakikuha nga yung phone ko sa taas. Salamat." Tumango lang ako tsaka umakyat.

May malakas na hangin ang sumalubong sakin. Alam ko yung damang yun eh. Alam kung nandito nanaman siya.

Papasok na ako sa kwarto ni Tita ng bigla itong bumukas pero di ko naman hinawakan.

"Halla, may magic?" Hindi ko pinansin yun kasi alam kung siya ang nagbukas sakin ng pinto. Huminga ako ng malalim tsaka pumasok sa room ni Tita. Iba ang pakiramdam ko parang may mabigat sa bandang balikat ko. Tumayo yung mga balahibo ko pero diko nalang pinansin. Kinuha kona yung phone ni Tita tsaka bababa sana ako nung napadapo ako sa bandang may malaking salamin basta yun yung kita buong katawan mo. Ngayon ko lang ito nakita ah.

"Ang ganda ko talaga. Hahaha." Lumapit ako dun sa salamin kasi may something na diko maexplain. Tinitigan ko lang ito.

"Aaahhhhhhhhh!" Halos lahat ng dugo ko umakyat! Totoo ba yung nakita ko?!

May nakatayong babae sa balikat ko. Pinaglalaruan niya ang buhok ko. Oh my gosh! Nakakatakot! Hindi siya si Sarah. Iba! Diko siya kilala.

"Bakit?!" Inalalayan ako ni Tita tumayo dahil napaupo ako sa sobrang takot. Nanginginig ako! Ibinaba ako ni Tita halos wala akong imik. Di matanggal yung muka niya sa isip ko!!

Maitim ang mata. Walang bunganga. Gulo-gulo yung buhok. Parang taong grasya siya na dimo alam!!

"May malaking salamin na pala kayo sa kwarto niyo?" Nagulat si Tita nung sinabi ko yun.

"Ha?! Wala akong malaking salamin sa kwarto ko." Napalunok ako sa sinabi ni Tita.

"Tita, nakita ko kanina."

"Ikaw ah Rhea. Kung anu-anong mga pinagsasabi mo. Wala akong malaking salamin dun." Eh kaninong salamin yun? -____-

Bumalik nalang kami sa pagluluto dahil malapit na daw sila.

***
Nandito na sila. Hapon na nung makarating na sila. Pinakilala rin nila ako sa mga Relatives namin.

"Kakaiba siya!" Sabi nung medyo matanda ng babae.

"Mama? Ayan kana naman." Sabi nung Anak niya. "Pagpasensyahan muna itong si Mama ha?" Tsaka niya hinawakan yung kamay ko. Nagbow naman ako. Bow?! Bakit ako nagbow?!

Pumasok na sila pero siya, nakatitig lang sakin. Parang may nakikita siya na diko alam. Tinawag na ako ni Tita para kumain rin.

"Ang laki talaga ng bahay mo Merced." Sabi ni Ate Helen, yung anak nung iba yung tingin sakin.

"Hay nako, buti nga at nandito si Rhea para may kasama ako eh. Naliligaw na ako minsan sa sobrang lawak." Sabay tawanan silang lahat. Ako din nakitawa na. Nagtatawanan lang sila ng biglang nagsalita yung Mama ni Ate Helen.

"Nakakalungkot isipin. Umiiyak siya, humihingi ng tulong pero ni isa sa inyo walamg tumulong!! Naninibugho siya! Walang mapangsabihan! Humanda na kayo! Maghi..."

"Mama!!" Pagpuputol ni Ate Helen. "Tama na yan Mama!"

"Iakyat muna siya Helen." Sabi ni Tita. Umakyat na silang lahat. Inalalayan sila ni Tita. Ako naman, nagligpit na ng pinagkainan namin.

Napapaisip parin ako sa sinabi ni...

Diko alam pangalan niya eh. -___- jusko. Ewan ko, kung totoo ba o hindi yung sinasabi niya. Nakikita kaya niya yung bata?!

Pagkatapos kung naghugas ng pinggan, tumambay muna ako sa sala. Wala, nangmuni-muni lang. Tsaka madilim narin kasi.

Calling Avan...

/Hello Rhea? Kumusta?/

"Ok lang naman. May bisita kami galing Ilocos. Ang weird lang kasi yung isa, nakikita niya din yung bata. May sinasabi siya pero di niya naituloy kasi sinita siya ng anak niya."

/Talaga? Baka naman may alam siya? O di kaya, nakakausap niya din yung bata./

"Diko alam pero ang alam ko lang ngayon, matutulungan niya tayo."

/Osige. Mag ingat ka ha?/

*totot*

Pumunta na ako sa kwarto ko para magpahinga na din. Pagod kasi ang rami naming ginawa. Nakaramdam ako ng relief nung nakahiga na ako. Naiglip agad ako dahil nga sa pagod ako.

Nasa kasagsagan ako ng magandang tulong ko ng maramdaman kung parang may pumipisil sa sugat ko. Ang hapdi. Nagising agad ako. Pero ng tignan ko, wala naman. So, pumikit ulit ako. Sumasakit siya lalo hanggang sa diko na natiis. Binuksan ko yung ilaw. Tinignan ko yung first aid kit dun sa CR.

Tinignan ko yung kamay ko.

Diko alam ang gagawin ko! Gusto kung sumigaw pero parang umurong yung dila ko!

Yung sugat ko, may lumalabas na uod! Hinugasan ko agad siya pero wala parin. Napatingin ako sa salamin ng CR, nandun siya sa likod. Nakangiti. Papalapit siya sakin, di ako makagalaw. Parang nakokontrol niya ako.

"Hahaha! Laro tayo?"Ang lapit ng muka niya sa muka ko. "Anong gusto mung laruin?" Tsaka niya ako sinakal. "Hahaha. Makipaglaro kana kasi sakin!" Humigpit ng humigpit yung pagsakal niya sakin. Diko alam pero amg naiisip ko, katapusan na ng buhay ko.

"Igalaw mo yang daliri ng paa mo Rhea!" Narinig ko yung sigaw ni Tita pero di ko siya nakikita. Ginalaw ko yung daliri ng paa ko.

Bangungot?! Naghahabol ako ng hininga nung nagising ako. Niyakap ko agad si Tita.

"Nabangungot ka?! Sigaw ka ng sigaw." Sabi ni Tita na nag-aalala.

"Wala na siya. Matulog na ulit tayo." Sabi ni Tita Yolly. Yung Mama ni Ate Helen.

Lumabas na sila ng kwarto pwera si Tita.

"Wag ka ng mag alala nandito lang ako. Dito na ako matutulog."

Kinakabahan parin ako pero...

Nagdadalawang isip ako kung bakit ganun ang nangyari sakin? Gustong gusto niya talagang makipaglaro.

Makikipaglaro na ba ako lara tigilan na niya kami?

***
Sorry for the late Update.

Bahay ni Tita. #Wattys2017 (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon