Chapter5

1.2K 34 0
                                    

Chapter5: Rhea POV

"Tita, talaga bang hindi niyo kilala yung batang palaging nagpapakita sakin?" Nandito kami sa sala. Walang pasok kasi umuulan.

"Hindi. Tsaka walang bata dito."

"Bakit niyo ako binigyan ng proteksyon?" Tsaka ko nilabas yung rosario.

"Bawal ba?"

"Tita naman eh."

"Wag na natin yan pagusapan. Tsaka nga pala pwede mo bang dahilin yung mga kaibigan mo dito minsan?"

"Sure po."

Nagtimpla ako ng kape. Ang lakas ng bugso ng hangin, ang lakas ng buhos ng ulan. Nakakatakot. :3

*thunderssssss!!* nagulat ako sa lakas ng kidlat.

"Jusko Rhea, nakakatakot." Sabi ni Tita.

"Oo nga po eh." Tsaka ko binigay yung tinimpla kona kape sakanya.

"Wait lang, may kukunin lang ako sandali."
Naiwan ako sa baba. Ang lakas talaga ng ulan.

*boogshhh* naibuga ko yung kape na iniinom ko.

"Tita?!" Dahan dahan akong umakyat. "Tita?!" Sinilip ko muna.

Dumaretso ako sa kwarto niya. Nakiramdam muna ako kahit nanginginig na ako. Dahan dahan kung binuksan ang pinto niya. Nakaupo siya sa gilid ng kama niya.

"Tita, ano po yung ingay kanina?" Tahimik lang siya. "Ayos ka lang Tita?"

Nakita ko yung bintana niya na nakabukas. "Tita naman eh alam mo naman na mapapasukan yung kwarto niyo ng tubig eh." Sinarado ko ito. Naramdam kung tumayo si Tita. Di siya umiimik.

"Tulungan mo ako Rhea." Nagulat ako ng sumigaw si Tita. Pero ang kinagulat ko, wala si Tita sa kama kundi nasa CR.

O.O

Kinilabutan nanaman ako. Sino nanaman kaya yun? -__-

"Rhea!!" Tumakbo ako para pumunta sa CR.

"Tita, bakit anong nangyari sayo?!" May pasa siya sa ulo. May dugo rin sa floor. Tinulungan ko si Tita para tumayo.

"Nadulas lang ako. Kanina pa kita tinatawag." Ang pinagkakataka ko, diko naman siya narinig eh.

"Pinuntahan kita kanina dito Tita kasi may narinig akong ingay tapos nakita kita na nakaupo sa gilid ng kama mo." Pageexplain ko.

"Haynako Rhea, wag mo ng takutin ang sarili mo." Tsaka ko kinuha ang first aid kit.

Ginamot ko yung pasa niya. Nagtataka parin ako kung bakit ginagaya nila si Tita?

"Tita bakit ganun? Bakit parang ginagaya ka nila?" Napatingin siya sakin.

"Ano kaba Rhea, guni guni mo lang yun." Di na ako nagsalita kasi ayaw kung magalit si Tita sakin.

Natapos kona siya gamutin. Tumila narin ang ulan. Bumaba na ako para magluto.

Habang pababa ako sa hagdan may napansin akong tumakbo. Hinabol ko dahil akala ko magnanakaw.

"Sandali!!" Tumigil siya sa harap ng isang lumang kwarto tapos biglang nawala. Nako jusko. :3

Biglang bumukas ang pinto. Laking gulat ko dahil nandun yung bata, nakahiga. Pumasok na ako dun. Ang laki tapos ang linis. May nakasulat dun sa kama niya. Binasa ko.

"Sarah." Sarah? Sarah ang pangalan nung bata? Nakapikit parin siya.

Nagkulikot ako sa kwarto niya. May malaking litro dun. Picture ng bata?

Bahay ni Tita. #Wattys2017 (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon