Chapter6

1.2K 38 0
                                    

Chapter6: Rhea POV

"May campus tour tayo. Required kayo na umattend. Ngayong derating na September. Malapit lapit na kaya maghanda na kayo. 500 per head."

Bulungan yung mag kaklase ko. Campus tour? Naeexcite ako. Hahaha. Kasi kasama ko sila Avan. :D

"Uy Rhea!" Tinulak ako ni Rica. -_- "Ganda siguro ng imagination mo kaya ang ganda ng ngiti mo. Si Avan ba?"

O.O

"Hindi ah."

"Weh? Yang tataa?!"

"Hindi nga ang kulit mo. Hahaha."

"Ok, hands down."

Tsaka na siya umupo sa tabi ni Dan na nakangiti. Baliw na ata yun eh. Hahaha.

"Hi Rhea!" Nagulat ako. Si Avan?! Di ako makagalaw. "Sorry late akong dumating. May sinabi ba si Ma'am Dela Cruz?" Di parin nagsisink in sa utak ko yung nangyari.

"Rhea daw!" Tsaka kinurot ako ni Rica.

"Ang sakit ha?!"

"Tinanong ka ni Avan, tulala pa more?!" Nagtawanan kami dahil sa asta ni Rica. Parang bata. Hahaha

"Ah eh, may campus tour tsaka 500 babayaran."

"Ok, thanks." Tsaka siya ngumiti. Myghad!

Ok, focus Rhea. :3 buti naman at naiwaglit ko siya kahit papano. Hahaha.

Girl1: Nabalitaan mo ba yung tungkol sa kabilang section?
Girl2: Hindi eh. Ano ba yun?
Gir1: Yung nasapian nung nakaraang araw, nagsasalita daw mag-isa parang may kausap. Creepy!

Si Rosa yun diba? Anong kayang pinagusapan nila?

"Rhea, nabalitaan muna ba yung tungkol kay Rosa?" Tumango lang ako sa tanong ni Avan. "Kailangan natin siyang iligtas."

"Hindi pwede Avan. Di mo siya nakikita at di mo siya kaya. Masyado siyang malakas."

"Kawawa naman si Rosa." Tinap ko siya sa likod.

"Tutulungan ko siya." Tsaka ko pinuntahan si Rosa. Sakto, nandun siya.

"Rosa?" Umiiyak siya. "Anong nangyari?"

"Wala ng gustong lumapit sakin kasi natatakot sila sakin." Nilapitan ko siya.

"Shhhhh! Wag ka ng umiiyak. Nandito lang ako, kami para sayo." Niyakap ko siya.

"Thank you ate."

"Tara sabay ka samin." Tumango naman siya.

"Ate, gusto niyang maglaro kami."

"Nako Rosa, wag na wag kang makikipaglaro." Napayuko siya.

Saktong nandito sila Rica.

"Ok ka lang Rosa? Tsaka wag kang mahiyang lapitan kami ha? Hayaan mo sila." -Rica.

"Oo nga naman Rosa, bahala sila nu. Kakaiba ka sa lahat." -Dan.

"Tsaka wag kang malungkot kung nilalayuan ka nila, nandito naman kami eh." -Avan.

"Salamat po. Buti pa kayo." Niyakap nila kami. "Tara na, kain na po tayo."

Dumaretso kami agad sa cafeteria. Pinagtitinginan kami. Bulungan narin sila?!!

"Bakit?!! Gusto niyo bang makulam?!! Masyado kayong judgemental! Ang papangit niyo naman!" Natawa ako sa sinabi Rica. "Sabihin ko kaya kay Rosa na kausapin yung bata para sundan kayong lahat na chismoso't chismosa!! Awooooo!!"

"Tama na Rica."

"Sumusobra na sila eh."

Tsaka na kami umupo at nagbubulungan parin sila.

Bahay ni Tita. #Wattys2017 (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon