Chapter3

1.4K 38 0
                                    

Chapter3: Rhea POV

Mula ng gabing nangyari yun, wala na akong ibang naramdaman kundi takot! Gusto ko ng umuwi kasu gusto ko ring mag-aral. :3

Linggo ngayon, maglalaba ako ng mga gamit ko kasi nakakahiya naman kay Tita kung pa siya yung maglalaba nu.

"Tita, nasan po yung gripo niyo dito? Sira kasi yung gripo sa banyo."

"Meron pa dun sa likod."

Ngayon ko palang makikita ang likod ng Bahay ni Tita. May gripo dun malapit sa puno ng mangga. Bigla akong nakaramdam ng kaba ng may humawak sa likod ko.

Dahan dahan akong tumalikod...

"Oh bakit parang gulat na gulat ka?" Si Tita lang pala. :3 "Pwede ba akong magpalaba? Kunti lang naman." Tumango lang ako tsaka niya na binigay yung palalabhan niya. "Bakit parang takot na takot ka?"

"Ah wala po Tita."

"Osige ha? Salamat Rhea." Tsaka na siya umalis.

Hoooo! Akala kung ano na. Buti nalang si Tita. Naglakad na ako papunta sa gripo. Inayos kona yung mga labahin at nagsimula na akong maglaba. Nagpamusic ako sa phone ko para di ako masyadong matakot.

Habang nagkukuskus ako, may narinig akong nagsisitsit.

"Sino yan?" Pagtatapang na sabi ko. Tumayo ako upang tignan ang paligid pero wala nabang tao, kaya tinuloy kona lang ulit ang paglalaba.

10:30 am, malapit ko ng matapos yung lalabhan ko ng biglang tumigil yung music. Baka nagloloko nanaman tung phone kona ito. Diko nalang pinansin at itinuloy ko ang pagbabanlaw ko, may biglang nahulog na bunga ng mangga. Tinignan ko pero wala namang puno ng mangga kahit isa.

"Wag kang matakot Rhea." Pagkukumbinsi ko sa sarili ko.

Natapos na ako at magsasampay nalang nung narinig kona naman yung tawang ayaw kung marinig.

"Tumahimik kana!" Pagtatapang ko, nakita ko siya malapit sa mangga. Tawa lang siya ng tawa. Parang tanga eh. -___- "Di ako natatakot sayo!" Sigaw ko. Tsaka kona sinampay yung mga nilabhan ko at umalis na, tawa parin siya ng tawa.

"Rhea, bakit parang takot na takot ka?"

"Ah wala po Tita, pagod lang siguro ako."

"Ah ganun ba, sige magmeryenda ka muna jan."

Umupo na ako sa tabi ni Tita.

"Tita, may mangga pala dun sa likod ng bahay mo." Napatingin siya sakin.

"Ah oo, matagal na yun. Osiya, punta muna ako dun sa kwarto ko." Tsaka tumayo si Tita at umakyat. Ang wierd talaga. Para may alam si Tita pero ayaw niya sabihin.

Nagmeryenda na ako tsaka umakyat para maligo ng maalala ko yung phone ko.

"Alla, yung cellphone ko naiwan ko sa likod ng bahay ni Tita." Dali dali akong bumaba.

Hinanap ko pero wala naman.

"Saan na kaya yun?" Hinahanap ko pero wala parin hanggang sa tumunog siya, yung parang panghorror na musics. Nandun siya sa baba ng mangga. Nagtatangka ako kung bakit napunta dun. Dipa rin siya nagsstop sa music.

"Laro tayo." Napalingon ako sa likod.

"Ikaw nanaman?" Ngumiti lang siya. "Dimo ba talaga ako titigilan?"

"Laro tayo."

"Ewan ko sayo!" Tsaka na ako naglakas palayo.

*Kinabukasan*

"Hi Rheaaaaa!" Sigaw ni Rica nung nakita ako. Ngumiti lang ako.

"Hello." Nakita ko si Avan na nagcecellphone. Sa likod niya nandun nanaman yung bata. :3

Bahay ni Tita. #Wattys2017 (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon