Ep. 1 - Practice

77 3 4
                                    

Ragdoll's POV

April na naman, eto ung isa sa pinakaaabangang buwan ko ehhh, kasi dito ginaganap ung pinaka.paborito kong event.

PULP Summer Slam na naman..

Yahoo!!!

eto ung event na pupunta kang astigin na mabango pero uuwi kang madungis na loko...

Moshpit 😆😆😆

RH 😆😆😆

Freebies 😆😆😆

BANDS 😍😍😍

at chance na maka-bonding ung mga tropa mong nag.fflood sa cellphone mo...

ung mga ndi mo kilala pero mas madalas pang magtxt sayo kesa sa magulang mo...

hahaha oo na.. tama ka...
myembro ako ng clan...
actually madame sila... so CLANS...

uso kasi siya sa panahon ngayon tsaka magandang chance na makahanap ng mga kaibigan...
ndi naman sa wala akong personal friends pero aliw lang ung busy ka lage magbasa ng mga GM o (group message)
at may kasama ka sa mga gig na pupuntahan mo...
the more the merrier nga sabe nila...

may pagka.Loner kasi ako so mas mabuti ng pumunta akong may kasama kahit ndi ko sila kausapin kesa pumuntang walang kasama.

ang labo ko noh.. myembro ng clan pero Loner hahahahaha

pake mo ba? ehh minsan gusto kong may nakakausap, pero madalas mas trip na solo flight lang...

Anyways,

Next Saturday na un, busy na ung mga ka.clan kong mag.confirm kung sino ang mga pupunta at saan magkikita.kita.

ako naayos ko na susuotin ko, pinaghirapan kong piliin ung kulay ng damit na susuotin ko...
haha malamang ITIM..

kasama ko pinsan ko pagpunta
myembro din siya ng mga clans na sinalihan ko...
masasabe ko ngang partner in crime ko ung bruhang un... pero syempre mas pabor pa din sakin ang magsolo...

ndi ko din naman masama kasi sa ganitong gig ung mga tropa ko sa school since ndi nila trip ung ganitong trip ko...

masarap ung pakiramdam na sumasabay ung katawan mo sa tugtog.. ung tipong parang ikaw lang ung magisa sa field na un at ang banda at pareho kayong walang pakelam sa gusto niong gawin basta sasabay kayo sa musika... siguro dahil dancer ako kaya ganun hahaha anong connect? Ewan ko basta...

Excited na ako!!!!

"Tala" tawag ko sa pinsan ko. Ayaw na ayaw niya yang tawagin siya sa tunay niyang pangalan kaya kahit sa school niya pinaninindigan niyang pangalan niya ehhh Chronic, un ang codename niya sa clan namen... hahahaha
weird no.. nakuha niya un dun sa sachet ng gamot, sakitin kasi yan pero kahit inaatake ng rhinitis niya basta nasa gig siya deadma...

"May pasok pa ako sa umaga ng Saturday, san tayo magkikita?" tanong ko kay Tala.

Nakasimangot siyang lumingon sakin at nagpa.cute na sabe, "Andaya mo naman, Pag.iintayin mo pa ako sayo nun. Bahala  ka mauuna na ako."

Natawa naman ako sakaniya kasi kahit sabihin niyang mauuna na siya di niya ako matitiis.

"Magkita tayo sa kanto ng 7/11, mga 2PM siguro. 4PM pa naman magkikita ung mga myembro ng clan so makakakaen pa tayo nun, alam mo naman battlefield ang pupuntahan natin kelangan busog tayo. Laban!" ngiti kong sabe sakanya. Tumango na lang siya at umalis na.

Sa kabilang bahay lang sila nakatira ng family niya... Pinsan ko siya kasi kapatid ng tatay niya ang tatay ko.
Buong pagkabata magkapit.bahay na kame since close ung buong family. Actually compound namen puro magkakamag.anak.

Nung gabing un as ussual super flood na naman ung mga GM. Kahit di ko close ung iba dun, naaaliw akong magbasa ng mga kalokohan nila hahahaha
naisipan ko ding mag.GM

.¤.+RagDoll.Posera+.¤.
SlamTheRock

*sabe*

Excited na ako sa PULP
kitakits sa lahat 😊😊😊

#GM#

syempre sent to all un. alam ko walang kakwenta.kwenta pero ganun tlg... hahahaha
halos 50+ ung recipient ng msg na yan. ganun kadame mga myembro ng clan. uso naman na unlimited text.. kelangan lang magdasal na ndi i.block ni provider ung sim ko dahil over over sa txt.. Biruin mo kung ilang beses akong makaisip ng walang kwentang msg, mga 50+ per msg un edi ngarag na ung network... hahaha
Busy ako sa kakaisip ng may natanggap na naman akong text as ussual GM siya..

_¤_A¥E_D_¤_

Hapi Mansary
mhine ko.
Lab Yu

=AsawaNiMisty=
GM

Tawangtawa ako sa isip ko kasi ang korni ko... Ndi naman para sakin pero kinilig ako hahahaha ang korni lalo, ano daw??? Mhine??? hahahaha putcha uso tlg ung kalokohan na yan ehh noh... hahahaha
ka.clan ko yan kaya wag kayong ano... oo na.kokornihan ako sa trip nila pero nakakatuwa din naman...
mansary daw, pustahan dito lang sa clan nagkakilala yan at malamang yang mansary na yan una pa lang...
ndi ko pa nakikita ung mga to. halos bago lang din ako at madalas na nakakasama namen ni Tala eh ung mga aktibo sa tambayan...
makikita ko din siguro tong magJOwa na to sa PULP, malamang....

¤To Be Continued¤

CODENAME: RAGDOLLWhere stories live. Discover now