"Good morning, Sir. Kung si Ma'am po ang hinahanap niyo ay nasa dalampasigan po ngayon at nagjojogging." Anang isa sa mga room service ng makita niya si Frank.

"Ganun ba, thanks." Anito at muling pumasok sa loob ng kwarto nila at naghanap ng short na pwedi niyang maisuot. Naghilamus lang siya ng mukha bago niya kinuha ang cellphone niya at wallet saka siya lumabas ng room nila ni Erica.

Agad nitong hinanap si Erica kung nasaan ito. Bawat nakakasalubong naman ni Frank na mga kababaehan ay halos manginsay ang mga ito sa kilig. Dahil hindi nila akalain na isang Frank ay naroon. Ngunit parang baliwala lang ito sa binata dahil tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad upang hanapin si Erica.

HABANG nagjojogging naman si Erica ay may biglang sumabay sa kanya na dalawang lalaki. Ngunit hindi niya pinansin ang dalawa tuloy-tuloy lang siya sa pagtakbo pabalik ng hotel kung saan sila tumutuloy ni Frank.

"Hi! Miss, mag-isa ka lang ba?" Biglang tanong ng isa sa mga ito sa kanya. "No, kasama ko ang boyfriend ko." Sagot niya ditong binilisan lalo ang pagtakbo.

"Hey! Natatakot ka ba sa'min, don't worry dahil hindi ka naman namin sasaktan?" Anang isa naman na nakangiti ng nakakaluko.

"May problema ba dito?" Boses na umagaw sa atensyon nila. Ng makita naman ni Erica na si Frank yun ay agad siyang lumapit dito at ipinulupot niya ang dalawang kamay sa baywang ng binata. Ang dalawang lalaki naman ay pasimple ang mga itong umalis.

"Okay! ka lang?" May pag-aalalang tanung ni Frank kay Erica. Agad naman itong tumango dahil nakahinga siya ng maluwag ng makita na niya si Frank. Pakiramdam kasi niya kapag nasa tabi niya ang binata ay napaka safe niya.

"Don't do that again ang aalis kang hindi ko alam kung saan ka pupunta, ayaw kung mapahamak ka." Malumanay nitong turan kay Erica. Ng makita niya ang isa sa mga nagtratrabaho sa hotel na naglalagay ng towel sa mga nakahilerang umbrella na merong mga upuan sa tabing dagat ay agad humingi doon ng towel si Frank. Agad naman siyang binigyan ng mga ito at agad niya yun ibinigay kay Erica. Kaya yun ang ginamit ng dalaga upang punasan ang pawis niya sa mukha.

"Let's eat breakfast and then magswiswimming tayo." Anito sabay pulupot niya ng isa niyang kamay sa baywang ni Erica.

Agad nga silang kumain ng breakfast nila at walang pagbabago ang lahat ng nakakakilala kay Frank ay hindi na mahiwalay ang mata nito sa binata, kahit may kasama itong magandang dilag.

"They like you, ang mga mata nila oh! nasayo na lahat. Kung pwede ka lang siguro nila yakapin ngayon ay ginawa na nila." Anitong nakasimangot kay Frank.

Bigla naman natawa si Frank sa tinuran ng dalaga sa kanya. Kaya agad itong lumipat sa tabi ng kinauupuan ni Erica.

"I'm a type of PDA baby." Anitong ipinagtaka naman ni Erica kaya nakakunot ang noo nitong tiningnan ang mukha ni Frank na siyang sinamantala nito at siniil siya ng halik. Dahil sa pagkabigla ay hindi agad nakareact si Erica. At ng maghiwalay ang kanilang mga labi ay pakiramdam ni Erica ay biglang umakyat ang lahat ng dugo niya sa mukha sa pula nito.

"And let me tell you baby, your more beautiful if your blushing like this." Anito sabay haplos niya ng mukha ni Erica.

"Eh! ang landi mo talaga." Naisatinig na lang nito sabay puot. Kaya piningot ni Frank ng mahina ang ilong niya.

Matapus nilang kumain ng breakfast ay agad silang bumalik ng silid nila at nagpalit ng damit para magswiming. Napansin naman ni Frank na parang may malalim na iniisip ang dalaga kaya agad niya itong tinanong.

"What's wrong?"

"Uhm! ano kasi, hindi ako marunong lumangoy." Kagat labi nitong sagot kay Frank.

Deal With The Gangster Boss(Completed)Where stories live. Discover now