Chapter 12: To the Province of Cavay

2.4K 131 2
                                    

Chapter 12: To the Province of Cavay

Sunod-sunod akong binati ng mga tao sa bulwagan dahil sa aking pagkapanalo. Pero alam kong sa likuran ng mga ngiti nila ay ang malaking pagkahinayang na hindi nanalo si Liwa.

Hindi ko sila masisisi, dahil una sa lahat hindi naman ako taga-rito.

Kaya naman nang maluha-luha akong yakapin ni Eleya, ang tanging taong tumulong sa aking manalo ay nag-init ang sulok ng mga mata ko.

Because I knew of all people, she is the one who really guided and only believed in me.

"Binabati kita sa iyong pagkapanalo, Binibining Hemia. Ipinagmamalaki kita, ay," sabi niya bago kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"Salamat, Eleya," sambit ko rin pabalik habang nakangiti.

"Ingatan mo na po sana 'yang kwintas mo, ay," aniya at inginuso ang suot kong kwintas.

Napahawak naman ako roon at bahagyang natawa.

"Ay, nakita ko nga po pala sa labas si Dakilang Bakunawa. Siguro'y dapat pasalamatan niyo rin siya," natigilan naman ako sa sinabi ni Eleya.

"Pasalamatan? Bakit ko naman pasasalamatan ang kupal na dragong iyon?" lukot ang mukhang sabi ko.

Makahulugan naman siyang napangiti.

"Hindi niyo po ba alam na kinausap niya ako upang tulungan kayo sa pagsasanay niyo, ay?" tanong niya.

"H-ha? Anong ibig mong sabihin?" humigpit ang pagkakahawak ko sa kwintas ko.

"Mas mabuti po kung kausapin niyo na na lang siya," ngingiti-ngiting sambit na lang niya at iniwan ako roong tulala.

Kinausap niya si Eleya na tulungan ako? Ibig sabihin ba no'n, iyong pagpunta ni Eleya para bigyan ako ng tsaa at mga pagkain ay hindi isang malaking pagkakataon lamang?

Napahinga ako ng malalim at walang anu-anong naglakad palabas ng bulwagan para hanapin siya.

Nang ihayag ni Apolyo na ako ang nanalo kanina ay bigla na lang siyang umalis kaya naman ang nasa isip ko, nag-walk out siya dahil hindi niya matanggap ang pagkapanalo ko.

Maya't maya pa ay namataan ko siyang nakaupo sa ilalim ng isa sa mga puno at natutulog.

Napahinto ako sa paghakbang.

I can't help myself but to be enchanted.

The scene looks like something out of a painting. How his hair gently flutter with the wind, and the sun casts it's glow across his face.

Sa hindi malamang dahilan ay nagsimulang kumabog ang dibdib ko sa kaba.

Teka, bakit ba ako kinakabahan? Malay ko ba baka pinagkakatuwaan lang ako ni Eleya sa sinabi niya.

Napahugot uli ako ng malalim na hininga bago marahang naglakad papalapit sa kinaroroonan niya.

Sandali akong napatitig sa mukha niyang mahimbing na natutulog at napatikhim ng malakas.

The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)Where stories live. Discover now