Chapter 34: Midnight Warmth

255 19 14
                                    

Chapter 34: Midnight Warmth

"Sa wakas, magmula sa araw na ito, hindi na ako magiging ikatlong gulong," narinig kong sambit ni Raksasa.

"Anong ikatlong gulong?" sabay pa naming tanong ni Bakunawa.

"Ano pa ba, kung hindi ako," sagot niya, then he knowingly smiled to us.

Nagkatinginan kami sandali ni Bakunawa.

"Hindi ko alam na may lahi ka palang gulong, Raksasa," sambit ni Bakunawa.

"Hindi nga?" saad ko naman habang nakangiwi.

Napatampal na lamang si Raksasa sa noo, "Hay nako, kung handa na tayong lahat, tara na," naiiling na yaya na lamang niya.

"Hemia, saan nga ba tayo pupunta ngayon?"

Sandali akong natigilan at naalala iyong sinabi ng lalaking nakabanggaan ko kanina.

Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan. But something is telling me that I should atleast check it.

Isa pa, baka nga ay kakailanganin ko ang isang babaylan. Maybe they can help me to become a Moon Keeper. Still, I don't really have any good memories about babaylans.

"Sa probinsya ng Ynabuyan tayo susunod na pupunta," sagot ko kay Raksasa at nakita ko rin siyang natigilan.

"Ynabuyan?"

"May nakapagsabi kasi sa aking may mahahanap akong babaylan doon," dagdag ko pa.

"Sandali lang, bakit mo naman kailangan ng isang babaylan, Hemia? Isa pa, hindi ba't pinapatay na rin ng dating Emperador isandaang taong nakalilipas ang karamihan sa kanila?" naguguluhang usisa ni Raksasa.

I knew about that.

"Wala namang masama kung titignan natin, hindi ba?" kumibit-balikat ko, "Kung sakali rin ngang mayroon pang nabubuhay na babaylan ay baka makatulong sila sa akin upang maging ganap na Moon-Keeper."

Raksasa nodded in agreement, "Kung ganoon, tara na. Mahaba-haba pa ang paglalakbay natin."

Napabaling naman ako sa dalawang kabayo. Sandali. Kung dalawa lang ang kabayo, ibig sabihin tigdadalawa ang pagsakay sa kanila.

Napatigagal ako nang sumakay na kaagad si Bakunawa sa kabayong tinitignan ko.

"Ano pang ginagawa mo, Hemia? Sumakay ka na, para makaalis na tayo," sambit niya.

I gave him a questioning look.

" . . . . . hindi ako marunong mangabayo," wika ko.

"Ha?! Eh sinong mangangabayo sa ating dalawa?!" lukot ang mukhang aniya.

Kumibot naman ang ugat sa sentido ko. Kung ganoon ang balak niya ay ako ang mangangabayo habang nakaupo lang siya sa harapan ko na parang prinsesa?!

Hindi ko mapigilang mapaklang tumawa.

"Eh bakit hindi ikaw ang mangabayo?" singhal ko.

"Ako talaga ang pagkakabayuhin mo? Baka nakakalimutan mo na nakatira ako sa karagatan. Walang kabayo roon, paano ako naging marunong?" singhal niya pabalik.

The Last Moon Keeper (Great Eclipse #1)Where stories live. Discover now