Chapter 3: Music Box

582 36 3
                                    

Third Person's POV

Kinabukasan, pumasok na ng school si Bianca. Habang naglalakad siya papasok ng campus, bigla syang nakita ni Shiana. Kaya pinuntahan siya nito.....

"Biancaaaaaa! Sandali lang! Hintayin mo ko!" sigaw ni Shiana sayo kaya napalingon ka

"Oh, andyan ka pala bestfriend." sabi ni Bianca

"Teka-ha. Ambilis mo kasi maglakad eh. Wooo. Kakahingal."

"Sorry naman. Bakit nga pala?"

"Bakit? Bakit bigla kang nawala kagabe? Hinanap kaya kita pag takbo mo palabas. Saan ka ba sumusuot ha? Party mo, wala ka. Adik lang Bianca?"

"HA? Nandun ako. Nasa harapan mo, niyo. Kinausap mo pa nga ako eh. Ang pinagtataka ko, kung bakit hindi niyo ko kilala?"

*school bell*

"Mamaya na nating uwian pag-usapan yan. Male-late na tayo oh." sabi ni Shiana

"Sige sige. Mabuti pa nga."

***

Uwian na at magkasabay ang mag-bestfriend na sina Bianca at Shiana na naglalakad, nang biglang dumaan sina Trixie at Anthony sa harap nila.....

"Babe, sino yung binalot na suman kagabi? HAHAHA!" tawa ni Trixie

"Sino pa ba, edi yung halimaw! HAHAHA!" sagot ni Anthony

"Tara na Bianca, wag mo na silang pansinin. Pero mauna kana muna. May sasabihin lang ako sa mga to." sabi naman ni Shiana

"O-Osige." sagot ni Bianca

"Hoy kayong dalawang panget! Masyado kayong mga papansin, alam nyo ba yun?" sigaw sa kanila ni Shiana

"Anong sabi mo?!" nairitang sagot ni Anthony

"Ulitin ko? Osige. P-A-N-G-E-T! Diba yun naman talaga definition ng pangalan nyong dalawa? HAHAHAHA!" bawi ulit ni Shiana

"Hey there big mouth! Mag-ingat ingat ka sa mga pinagsasabi mo! Kung ayaw mo masira lalo mukha mo!" pagbabanta ni Trixie

"So? Di naman ako takot sainyo eh! Puro lang naman kayo satsat!" matapang na sagot ni Shiana

"Hoy ikaw! Pumapatol ako sa babae! Umayos ka!" banta sa kanya ni Anthony

"And then? Anong gusto mong gawin ko?! Psssh. Pwede ba, tigilan nyo na kakaasar sa bestfriend ko. Nagmumukha kayong mga papansin eh." sabi ni Shiana

"Papansin? Ba't naman kame magpapapansin sa babaeng panget na yun ha?" sagot ni Trixie

"Malay mo naiinggit kayo! Lalo kana! Hahaha!" sagot sa kanya ni Shiana

"Inggit?! Are you sure? Gosh! Ba't ako maiinggit sa babaeng panget na yun ha? Sino ba sya?" mataray na sagot ni Trixie

"Panget? Eh mas panget pa nga kayong dalawa sakanya eh! Ugali nyo pa lang panget na!" sagot na ni Shiana

"Aba! Sumosobra kana ha! Papatulan talaga kita!" sabi ni Anthony

"Sinong tinakot mo ha? Pumapatol din ako sa lalaki!" sagot si Shiana kay Anthony

"Tama na nga yan! Tumigil na kayo! Shiana! Huy, halika na! Umalis na tayo!" hatak ni Bianca sa bestfriend

"Buti pa nga! Go! Layas na! Magsama kayong panget na magbestfriend!" sagot ni Trixie

"Mas panget kayo!!! (>.<)" sigaw sa kanya ni Shiana

***

Naglalakad pauwi sina Bianca at Shiana nang maalala ni Bianca ang tungkol sa music box. Naalala nya na hindi nya pa pala nakukwento sa bestfriend nya ang tungkol dito.

"Friend, alam mo ba, may binigay si Lola na music box sakin bago siya mamatay." kwento ni Bianca

"Oh, nasaan na? Nasayo pa rin ba?" sagot ni Shiana

"Oo nasa bahay pa. Papakita ko sayo mamaya." sabi naman ni Bianca

"Osige. Haha. Kakainis talaga yung dalawang magshota na yun! Nakakainit ng ulo. (>.<)" asar na sagot ni Shiana

"Bayaan mo na yun bestfriend. Wala kang mapapala sa mga yun."

"Pssssshhhhhhhhh!!!!! (>.<)"

Pag dating ng bahay nila Bianca, agad agad silang umakyat ng kwarto nito at hinanap ang music box na ipapakita nya sa kaibigan.

"Asan na yun? HALA?! Nasan na?!" natatarantang sabi ni Bianca

"Ang ano?" sabi naman ni Shiana

"Yung music box na kinukwento ko sayo!"

"Ha? Bakit naman mawawala yun? Baka andyan lang yun. Sandali nga, tulungan na kita."

Hanap.....

Hanap.....

Hanap.....

Hanap.....

Hanap......

"Shi, wala talaga! Hala! Imposible mawala dito yun! Dito ko lang yun nilagay!" nagpapanick na sabi ni Bianca

"Biancs, bukas na lang natin hanapin. 6pm na oh. Baka hanapin na ko nila tita sa bahay."

"Teka lang naman bestfriend. Hanapin na muna natin. Kahit saglit lang."

*Swooooooooooshhhhhh!*

"OH? Ikaw na naman?! Sino ka ba?! Ikaw yung babae dun sa party ni Bianca nung isang araw ah." nagulat na sabi ni Shiana

"Shi, hindi ako nagbibiro ah. Nawawala na nga yung music box ko e. Nagbibiro ka pa dyan."

"Eh sa hindi nga kita kilala eh! Sino ka ba ha? Asan na si bestfriend? Anong ginawa mo saknya ha?!"

"Ako nga 'to! Hinahanap pa nga natin yung music box ko diba."

"Huh? panong naging ikaw si bestfriend. Eh tignan mo nga yang mukha mo!"

---------------

A/N: Nagkakainitan na sina Trixie at Shiana...

Makikilala na kaya ni Bianca ang flute player?

Anong nangyayari kay Bianca tuwing 6pm?

ABANGAN SA SUSUNOD NA CHAPTER!!!!! :)

Makikilala niyo na rin si Chace Lawrence Villaflor sa next chapter. ;)

Thanks for reading and voting! Ü Comment din kayo guys para malaman ko kung ano mga reactions and opinions niyo. :)

A Secret LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora