Chapter 20: Nice to meet you Cedric

102 13 0
                                    

A/N: I have nothing much to say. Please vote after reading. And leave your comments for any reaction. :) Enjoy!

Papasok na si Cedric sa story ngayon. ;)

---------------

Bianca's POV

Hindi ko ineexpect yung mga nangyari nung isang araw. Una, nakita namin si Stephen. Pangalawa, nagkaayos na sila ni Best. What's next? Magiging sila ulit? Gravity na yun if ever! Baka dahil sa pagbalik ni Stephen magpakababae na ulit ang Bestfriend kong boyish ah. Nakakaloka yun. Pero wag kayo, ang ganda kaya ng Bestfriend ko kapag nakadress. :p

Pangatlong araw na namin dito sa resort at pauwi na kami sa bahay nila Bestfriend mamayang hapon. Tapos pagkadating naman namin doon, babalik na kami ng Manila. Bale, 1week lang kasi talaga kami dito. Doon daw talaga kami sa Manila maggagala sabi nila. Yeah sabi nila, nakikijoin lang naman ako eh. Hehe.

Kung nagtataka kayo paano ako nakakasama sa kanila kapag gabi na, eh nagbabago nga ako ng itsura kapag dumadating ang gabi. Well, eto na lang ang masasagot ko. Tuwing full moon lang naman pala iyon. Nakakaloka kung araw araw eno? Pero wala naman ako magagawa. Hindi pa namin nahahanap ni Best ang solusyon dito.

Alam nyo ba, malamang hindi pa, napapansin ko na bumabalik sweetness nila Best at Stephen. Magkakabalikan kaya ulit sila? Kung ako tatanungin nyo, pwede rin eh. Nakwento kasi sakin ni Best na sinabi na nga ni Stephen yung totoong nangyari noon. And base sa mga happenings, may possibility talaga na magkabalikan sila. Okay lang naman sa akin kung oo eh. Atleast, magiging masaya ulit si Best. Pero wag lang talaga sasaktan nung Stephen na yun ulit ang bestfriend ko kundi, makakatikim sya ng flying kick sa mukha!

Masyado na ba akong madaldal? Hehe. Sorry naman. Ngayon lang ulit ako nagkaPOV eh. ^_____^ Pagbigyan nyo na po ako ha? *buing buing*

At ayun nga, nasa loob na kami ng plane. Pabalik sa Manila. Excited na si Steph. Ang cute nya nga eh. Baliw lang, parang ako at si Best Shi. Haha. Ay may balita ako! Kasama na namin si Stephen pabalik ng Manila. Yeah, tama kayo ng basa. Hindi na nya talaga nilubayan ang bff ko. Kahit sa seating arrangement namin dito sa plane. Hahaha.

| Stephen | Shiana | Ako | WINDOW

| Nathan | Steph | Arjei | WINDOW

| Stranger | AK | Trixie | WINDOW

Ayan po ang aming seating arrangement. Hahaha. 30-45 minutes naman ang byahe. Kaya keri na. Para pag uwi namin, pahinga na lang. At bukas na ulit ang gala. Haha.

*Yawn* *kusot mata*

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kakasilip sa bintana. Haayyy. Ang boring naman kasi eh. Sinilip ko yung iba kung ano ginagawa nila. Sina Steph, Arjei at Nathan tulog. Pati si Trix at Anthony din. Ano pa kaya 'tong dalawa kong kasama? Si bestfriend nakasandal yung ulo sa shoulder ni Stephen. Si Stephen nakasandal naman ang ulo sa ulo ni Best. Hahaha. Ang sweet nilang lahat. Naiinggit ako. :(

>>>>>FAST FORWARD<<<<<

Nasa Manila na kami. Nakauwi na rin kaming lahat. Grabe, parang gusto ko lang matulog. Parang pagod na pagod katawan ko na ewan. Matutulog muna ako sa kwarto.

After 3hours.....

*Kringgggg!*

"Hmm..."

*Kringgggg!*

"Hmm..."

*Kringggg!*

"Aish! Sino ba kasi 'tong tawag ng tawag na 'to? Kita nang natutulog yung tao eh."

Sasagutin ko na sana kaso biglang tumigil yung pagring. Pag tingin ko naman sa number kung sino, unregistered. Ano ba yan! Istorbo eh. Nagpapahinga ako. Ano na bang oras? *tingin sa wall clock* Magna-nine pm na pala. Hindi pa ako nagdidinner.

Kaya bumaba muna ako para kumain. Ako lang naman tao dito sa bahay pati mga yaya. Parents ko? Wala na eh. Lola ko at tita ko na lang ang family ko. Saklap no?

After eating dinner, nanuod muna ako ng tv. After 30mins, nabored na ako. Kaya i've decided na lumabas muna at maglakad lakad kahit gabi na. Sa subdivison naman kami nakatira, kaya safe naman. Hehe. Nagpalit muna ako ng damit. Naghoodie ako at shorts. And I put my phone sa pocket at lumabas na.

Ang sarap sa feeling maglakad. Ang hangin kasi. Pumasok na naman sa isip ko yung about sa itsura ko. Bakit kaya ako nagbabago no? Ganun ba talaga kapag 'di pinanganak na maganda? Ang saklap naman ng life ko. :( Ako lang ba nakakaranas ng ganun? May iba kayang tao na kaparehas kong namomoblema rin sa ganitong bagay? O ako lang talaga ang kaisa isang malas sa buhay? T_____T

Kung anu-ano na naman naiisip ko. Haaaayyyyy. Eh kasi naman eh. Sige nga, alam nyo ba kung bakit ako nagkakaganito? Hindi diba? Nakakabaliw kaya magisip kung BAKIT ganito. Haysssst. Life nga naman, parang buhay.

Habang naglalakad ako, nakita ko yung playground. Walang tao kaya pumunta ako. Umupo ako sa swing. Namiss ko 'to. Feeling ko bata ako kapag nakaupo dito eh. ^_____^

Habang nageenjoy ako sa pagswing, napansin kong may tao na umupo sa katabi kong swing. Nilingon ko para tignan kung sino. Hindi ko pala kilala. Hehe. Lalaki siya. Nakahood na pink. Hindi ko masyado makita face niya kasi medyo 'di ganun kaliwanag yung poste dito ng ilaw. Ang awkward naman. Kaming dalawa lang tao dito.

"Uhm..... Hi?" bati ko kay kuya stranger

"Hello." matipid nyang sagot. Napaisip tuloy ako, baka ayaw nya ng kausap kasi ang tipid nya sumagot. Kaso naisip ko rin, hindi naman kami magkakilala kaya ganun lang sagot nya.

"May problema ka rin ba kaya ka nandito?" tanong ko sa kanya. Tinignan nya lang ako tsaka ngumiti. Infairness kay kuya stranger, cute magsmile.

"Oo eh. Ikaw rin ba?" tanong nya sakin

"Yeah. Nakakastress kasi eh. Yung feeling na hindi mo alam yung dahilan kung bakit? Naguguluhan ka kung paano. Yung ganun." sagot ko sa kanya

"I feel you. Ganyan rin nararamdaman ko ngayon eh." sabi niya

"Talaga? I mean, ang saklap no? Hindi natin alam ang sagot sa mga tanong na yun."

"*sigh* Yeah, it caused me too much stress. Lagi ko na lang iniisip kung ano bang sagot kaso wala talaga eh."

"Ako rin eh. Ang sakit na nga sa bangs. Bakit kaya satin napunta 'tong ganitong sitwasyon no? Siguro naman malalagpasan natin 'to."

"Sana nga....."

Nagpatuloy lang kami sa pagexchange of answers sa mga tanong namin. Puro lang kami ganun habang nagsswing ng dahan dahan. Kung tutuusin, akala ko ako lang may ganung problem. Siya rin pala. Well, hindi niya naman exactly sinabi kung ano ba talaga problema niya. At ganun rin ako. Pero we still have the same questions in our minds.

Lumalalim na rin yung gabi. Masyado kaming nadala sa pagiisip sa mga problema namin. Tumayo na ako sa pagkakaupo sa swing para magpaalam sa kanya.

"Uhm.... Ako nga pala si Bianca. By the way, I have to go. Gabi na masyado eh." paalam ko sa kanya

"Yeah. I should be going to. I'm Cedric. Nice meeting you Bianca. Goodnight."

"Goodnight rin. Salamat sa time. Nice to meet you too Cedric. Bye. (^_^)" tumalikod na ko at naglakad

"See you around Bianca!" mahinang sigaw niya

Napa-smirk na lang ako. I think I found a new friend around the neighborhood. Cedric. What a nice name. Hmm. Pero he looks familiar. Parang nakita ko na sya dati?

---------------

Vote. Comment. Be a fan. <3

A Secret LoveWhere stories live. Discover now