"You like the view?" Untag sa kanya ni Frank na sumunod sa kanya. Napangiti naman siyang tumango bilang sagot sa tanong ni Frank.

"Good to heard that, pero bukas kana lang magswimming dahil hapon na. Baka magkasakit ka kung agad-agad kang magswimming ngayon." Anito kay Erica.

"Okay! Magpapahinga lang ako ngayon dahil parang lumulundag parin ang pakiramdam ko sa katawan." Anitong kinatawa ni Frank.

"Silly girl, sige ikaw na ang bahalang maghanap ng maisusuot mo sa mga gamit na dala natin. May kakausapin lang ako, papaldahan na rin kita dito ng pagkain baka nagugutom kana." Saad nito kay Erica.

"Okay! Mag-iingat ka." Habilin dito ni Erica at isang ngiti lang ang sinagot ni Frank bago niya kinuha ang maliit na bag na dala nito at lumabas siya ng room nila ng dalaga. Ipinagkibit balikat naman ito ni Erica at binuksan na lang niya ang bag na dala nila at naghanap siya ng maari niyang maisuot.

SAMANTALA matapus makausap ni Frank ang room sevice para dalhan ng pagkain si Erica ay agad naman siyang lumabas ng hotel kung saan sila nagcheck-in ng dalaga. Meron itong mission na dapat isagawa sa labas ng resort. Kaya agad siyang sumakay ng sasakyang naghihintay sa kanya sa labas ng hotel.

"Kumusta ang pinapagawa ko sa'yo?" Agad na tanong ni Frank sa driver ng sasakyang kinalulunan niya.

"Everything is under control boss, magkasama po ang dalawa sa rest house ngayon" Anang lalaki kay Frank.

"May mga tao bang nagbabantay sa rest house?" Tanong niya dito muli. "Wala po boss, dalawa lang silang magkasama." Saad nitong kinatango ni Frank.

Nang marating nila ang lugar kung saan ang pakay nila ay agad ng bumaba ng sasakyan si Frank at sinukbit nito sa kanyang baywang ang dalang baril. Agad nilang nilapitan ang rest house kung saan nasa loob nito ang sadya nila.

"Ay! sweetheart naman e, nakikiliti ako dyan." Dinig ni Frank na kinangitngit ng kalooban nito.

"Ahah! may kiliti ka pala dyan ha." Anang boses lalaki. Agad kinasa ni Frank ang dala nitong baril at agad niyang tinulak ang pinto.

Pagkagulat naman ang bumalantay sa mukha ng taong naratnan ni Frank sa loob ng rest house.

"F-frank....a-anong ginagawa mo dito?" Nauutal na tanong ng babae kay Frank.

"Yan din ang dapat kung itanong sa'yo e. Mukhang hindi kayo nagtanda, hindi ba kayo nagtataka kung bakit lahat ng mga nakarelasyon niyo ay bigla na lang naglalaho ng parang bula?" Saad niya dito.

"A-anong ibig mong sabihin?" Takot nitong tanong kay Frank. "Simple, tinutumba ko sila." Walang kagatul-gatol nitong turan sabay kalabit nito ng gatilyo ng baril na binunut niya sa kanyang tagiliran. At sa isang iglap lang ay nakabulagta ang lalaking duguan ang ulo na tinamaan nang bala ng baril ni Frank.

Gulat at takot naman ang makikita mo sa mata ng babae dahil sa ginawa ni Frank. Agad na naupo si Frank at nagsindi ito ng sigarilyo. Sunod-sunod ang pagbuga nito ng usok ng yosi. Samantala ang babaeng nakamata sa kanya ay nanginginig na ang buo nitong katawan dahil sa takot.

"So, ano ngayon Mom. Do you see that, it's easy to kill them right. Sa tingin mo, ilan na kaya silang naitumba ko?" Anitong natatawa ng mapakla.

"Oh! Let me think. I guest they are five now if I'm not mistaken." Anitong kunwari ay nagbilang at nag-isip.

Bigla naman napatakip ng bibig ang ginang dahil sa narinig. Napahagulgul na lang ito dahil sa tinuran ni Frank sa kanya.

"Why your crying, dapat sa inyo ay hindi umiiyak. Don't worry it's easy for you to find a another man, I know that. Hindi sa inyo problema ang maghanap ng lalaki dahil kusa silang lumalapit diba. Dahil nga kaya niyong ibigay sa kanila ang gusto nilang hilingin sa inyo pero ang sarili niyong anak ay hindi niyo kayang tanungin kung ano ang gusto." May pang-uuyam nitong turan sa ina.

"Pero, don't worry dahil marami pa naman akong bala na nakareserba para sa mga lalaki mo. Isang kalabit ko lang naman ay, boom." Anito sabay inihipan niya ang dulo ng hawak niyang baril.

"Garry, ikaw na ang bahala dito. I'm going." Maya ay anito sabay tayo at tinalikuran niya ang kanyang ina na umiiyak ng maubos niya ang isang stick ng yosi na sinindihan niya. Naglakad itong parang walang nangyari at nilisan niya ang lugar.

Hindi na bago yun kay Frank. Sa tuwing nalalaman niyang may ibang lalaki ang ina ay lagi niya itong pinapasundan bawat galaw ng mga ito. At binibigyan lang niya ang mga ito ng ilang weeks bago niya tinatapus ang kahibangan ng kanyang ina. Pero unang beses nitong ginawa ang barilin ang lalaki ng kanyang ina sa mismong harap nito.

Dahil sa nangyari ay hindi mo na bumalik sa hotel si Frank. Gusto nitong kalmado siyang haharap kay Erica dahil ayaw nitong matakot sa kanya ang dalaga. Hindi kasi niya maipaliwanag kung anong meron dito na para bang lumalambot ang matigas at bato niyang puso. Kapag kasama niya ito ay para bang ibang Frank ang nakikita niya sa kanyang sarili at pagkatao.

TBC.

➡Thank you for reading and God Bless.....pwedi niyo na pong icheck sa worklist ko ang story ni Mark Anthony Villagas....I KNEW YOU LOVE ME(GSB-9)dahil publish na po ang teaser. Thank you.

Deal With The Gangster Boss(Completed)Where stories live. Discover now