"Bakit ba halos lahat sila ay nakatingin sa'tin. Dahil ba sa nakasuot ako ng uniform pero nandito ako sa loob ng airport?" Inosente nitong tanong kay Frank na kinangiti ng binata. Kaya hinalikan ni Frank ang noo ni Erica habang naglalakad sila.

"Nope, dahil sa maganda ang kasama ko ngayon at siguro they want to be you." Sagot nito kay Erica na biglang napasimangot.

"Hey! ewan ko sa'yo, hindi naman atah yun ang dahilan kaya sila nakatingin sa'tin." Nakanguso nitong turan sa binata. "Just ignore them, wag kana lang tumingin sa kanila." Saad dito ni Frank.

Hindi rin naman nagtagal at narating nila gate kung saan sila papasok dahil nandoon na ang private plane ng binata na sasakyan nila.

Bigla namang nakaramdam ng nerbyos si Erica ng makapasok sila sa loob ng private plane ni Frank. First time kasi nitong sasakay ng plane. Agad naman nahalata ni Frank ang pagkabalisa ng kasama kaya agad niya itong hinapit sa baywang.

"Don't be scared dahil kasama mo naman ako." Anito. Kaya agad na huminga ng malalim ang dalaga. "Pasensya ka na, unang beses kasi akong sasakay ng plane kaya kinakabahan ako." Matapat nitong sagot.

"It's okay, don't worry at dadalas dalasan natin mula ngayon ang pagsakay ng plane ng hindi unang beses ka lang sasakay at hindi panghuling beses lang." Anito kay Erica na napangiti.

"Abah! Wag mo akong iispoild mister dahil pabor yan sa'kin." Nakangiti nitong turan sa binata.

"Sir, Ma'am, please take your set na po. Where ready to onboard." Agaw atensyon sa kanila ng piloto ng private plane na sasakyan nila. Agad naman inakay ni Frank ang dalaga sa uupuan nila at siya rin mismo ang nagkabit ng seat belt kay Erica.

Dahil sa kasama ni Erica si Frank ay nawala ang kabang nararamdaman niya. Naging panatag ang loob niya habang sakay sila ng airplane.

Hindi rin naman nagtagal ang byahe nila at agad silang nakarating ng destinasyon nila. Kaya agad inanunsyo ng piloto na ready to take-off na ang sinasakyan nila.

Pagkababa lang nila ng lumapag ng maayos ang sinakyan nilang private plane ay may agad na sumalubong sa kanila sa labas ng paliparan. Ito ang maghahatid sa kanila sa hotel kung saan sila magchecheck-in. Agad rin naman silang hinatid ng sasakyan sa hotel na sinabi ni Frank sa driver ng sinasakyan nilang toyota.

"Good afternoon ma'am, sir. What can I do for you?" Agad na bungad sa kanila ng receptionist.

"We need a two room for two days stay-in." Ani Frank sa receptionist. Hindi kasi siya nakapabook dito ng room. "Ah! Sir, sorry po. Isa na lang po kasi ang natitirang available room namin dito." Hingin paumanhin ng receptionist kay Frank.

Agad naman napatingin si Frank sa kasama bago nito muling binalingan ang receptionist.

"It's okay, kung wala na kayong iba pang available room ay sige yung isa na lang. Magshare na lang kami, it's that okay for you, baby?" Tanong nito kay Erica.

"Yeah! No problem, baka mahirapan pa tayong maghanap ng ibang hotel kung hindi natin kunin yang isang room na meron sila dito." Saad nito kay Frank.

Dahil sa tinuran ni Erica sa binata ay agad itong nagcheck-in sa naturang hotel. Matapus magcheck-in ni Frank ay agad din naman silang hinatid ng room boy sa magiging room nila.

Nang marating nila ang magiging hotel room nila ay agad na inabutan ni Frank ng tip ang room boy. Agad din naman sila nitong iniwan kaya agad na binuksan ni Frank ang magiging room nila at agad silang pumasok sa loob. Si Erica naman ay agad siyang nagtungo sa terrace, napangiti siyang nakatanaw sa dalampasigan.

Deal With The Gangster Boss(Completed)Where stories live. Discover now