Chapter 7: Peach

1.1K 57 3
                                    

Naging maayos naman na ang lagay ng asawa ng kapatid ni JT ngunit ang lagay ng binata ay tila lalong lumalala. Hindi maalis alis sa isip niya si Beatrice at kung paano ito nagdurusa ng mga sandaling iyon.

Lumabas si JT ng gabing iyon upang maibsan ang labis na pag iisip. Nakarating siya sa isang sikat na bar sa Paris ang Le Baron.

Maingay at maraming tao ang nagsasaya sa loob ng Le Baron ng gabing iyon. Pagpasok pa lang ni JT ay amoy na amoy na niya ang usok at alak mula sa loob.

 Pagpasok pa lang ni JT ay amoy na amoy na niya ang usok at alak mula sa loob

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.


"I shouldn't be thinking and worrying about you Beatrice. I did what I have to do." ani JT sa sarili bago tuluyang pumasok sa loob ng Le Baron.

Maraming nakapansin agad kay JT dahil talagang gwapo ito lalo na ang mga babaeng hindi napigilan ang paglapit sa kanya. Wala siyang pinansin ay naupo sa medyo labas na bahagi ng bar nginit makikita mo pa rin amg mga nagpaparty sa loob.

Nakakailang shot na siya ng matigil ang mga mata niya sa isang babaeng pumasok sa bar. Naupo ito sa harapan ng bar tender at doon uminom.

"Beatrice..." anas ni JT sa sarili.

Mula ng dumating ang dalaga ay hindi na niya inalis ang tingin dito.

Si Beatrice naman na naroon lang na nakaupo sa bar stool ay tuloy tuloy lang ang pag inom

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

Si Beatrice naman na naroon lang na nakaupo sa bar stool ay tuloy tuloy lang ang pag inom.

"Cheers dad." ani Beatrice na kinakausap ang sarili.

Marami ng nainom si Beatrice ng magpasya itong tumayo at umalis. Pagtayo pa lang nito ay mahahalata mong nahihilo na ito sa dami ng nainom.

Agad namang napatayo si JT sa kinauupuan ng makitang tumayo si Beatrice na tila nahihilo.

Kita niya mula sa kinatatayuan na agad itong inalalayan ng dalawang bouncer sa club.

Ang waiter naman na nasa malapit kay JT ay agad siyang nilapitan.

"You need anything sir?" tanong ng waiter.

"No..no.." ani naman ni JT na tinatanggal ang tingin kay Beatrice

"That's Lady Beatrice Sir. Don't worry, she's fine. We've seen her worse." ani naman ng waiter ng makita ang direksyon ng mga mata ni JT.

"What do you mean?" tanong naman ni JT

The Lyons CaptiveDove le storie prendono vita. Scoprilo ora