Chapter 17

8K 256 4
                                    


     "Phoebe? May problema ba?" Tanong ni Zoren ng minsan nasa canteen sila ng company nito. Ngunit tila walang naririnig si Phoebe kaya napailing na lang si Zoren.

     "Z,paano kung ang akala mo ay mali anong gagawin mo?" Biglang tanong ni Phoebe na nagpaangat ng tingin ni Zoren.

      "Ha? hihingi ako ng paliwanag,or aalamin ko ang dahilan."

      "Okey,salamat Z."

       "Is it about Nick?"

Hindi umimik si Phoebe ipinagpatuloy na lang nya ang pagkain,sa sulok ng kanyang mata ay napansin nya ang paggalaw ng jaw ni Zoren.

      "Mauna na ako Zoren,thanks pwede ba akong mag out ng maaga,may aasikasuhin lang kasi akong importanteng bagay."

     "Sige." Pilit na ngiting sagot ni Zoren ."gusto mong samahan kita?"

       "No! Thank you, I have to do it by myself. Sige."

Sinundan ng tingin ni Zoren si Phoebe, alam nyang tall sya sa puso nito,hindi pa naman ganun kalalim ang nadarama nya para dito pero noon pa man crush na nya ito dangan nga lang at binakuran agad ito ni Nick. Balak na sana nyang kausapin ang fiancée ni Nick, dahil pinsan nya ito sa mother side,ngunit mabilis ang pangyayari ng gabi ng engagement party nila Debbie at Mac. At ngaun ay wala na ang pinsan sa bansa,wala rin ito sa States. Ng bumalik sa opisina si Zoren ay pinili nyang wag na lang munang sabihin ito sa dalaga,after all dapat muna nitong maayos ang buhay nito.

Naging abala si Phoebe SA kanyang trabaho pilot iwinawaksi ng kanyang isipan ang mag naging desisyon. Hanggang sa sumapit ang oras ng kanyang mabilis syang nag ayos ng kanyang mga gamit at matapos magpaalam kay Rina ay umalis na sya,agad syang sumakay ng taxi at nagpahatid sa bahay ng magulang. Noon pa sana nya ito ginawa ngunit matigas ang kanyang ama,sampung taon syang tiniis ng mga ito. Kabado man ngunit binalewala nya,huminga sya ng malalim bago bumaba ng taxi.

      "Manong hintayin nyo po ako,babayaran ko pa kayo." Nakangiti nyang sabi.

      "Sige iha."sagot ng taxi driver.

Ng bumaba sya ng taxi ay lalo syang kinabahan.

       " kaya mo yan Phoebe. "Sabi niya sa sarili bago pinidot ang doorbell. Ilang minuto pa ang lumipas bago ito bumukas.

        " Phoebe? "Gulat na wika ng kanyang yaya na bakas na ang katandaan nito. Nakikita nya ang pangingilid ng luha nito at maging sya ay ganun din.

      " yaya!"at niyakap nya ito ng buong higpit."sila mommy po?"

       "Maupo ka muna anak. Ikukuha muna kita ng maiiniom sandali lang." Paalam ng kanyang yaya.

Inilibot ni Phoebe ang paningin sa kabuuan ng bahay,walang nagbago maliban lang siguro sa mga taong nakatira doon. Napangiti sya ng maalala kung gaano sya ka-prinsesa noon.

       "Phoebe. Inom ka muna iha." Sabi ng kanyang yaya at iniabot ang buko juice SA kanya.

      "Salamat yaya,kamusta po kayo dito?"

     "Ayos lang naman kami dito anak,maliban lang SeA mommy mo."


      "Po,bkit ho anong nangyari sa mommy?"


      "Ng huli kang nagpunta dito ay nagkaroon ng mahabang pagtatalo ang magulang mo hanggang SA naungkat ang mga bagay na alam Kong malaking palaisipan sayo anak."


       "Yaya,a-ano po ang ibig mong sabihin?"


    "Magkaklase noon sa eskwelehan si Anton,Alice Guiller at Sussane." Panimula ng matanda na mataman pinakikinggan ni Phoebe.

Love Me For What I Am (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon