Chapter 9

7.5K 272 4
                                    


        "Baby, ano yun?" Ang ulit na tanong ni Nick. Napatitig si Phoebe sa kasintahan.

        "I'm...I'm waiting for you until you come back to me." Sabi ni Phoebe na tuluyang humulagpos ang ang tinitimping damdamin agad syang niyakap ni Nick na tinugon nya ng mas mahigpit na yakap at mainit na halik para sa isa't-isa kapwa sila luhaan ng magbitiw at kahit ang driver nila ay hindi napigilan ang mapaiyak,maging si Debbie na nakikinig sa kanila ay napaiyak sa awang nadarama para sa dalawa.

Halos hindi maihakbang ni Phoebe ang mga binti papasok sa loob ng Mansion ng mga Salvador. Alalay sya ni Debbie na halos hilahin sya papasok sa loob ng bahay.

 
       "Phoebe this is not the end of the world." Nahihirapan bigkas ni Phoebe sa kaibigan. "Alam Kong mahirap masakit pero,kailangan mong tatagan ang iyong loob para sa baby nyo atsaka Phoebe bakit inilihim mo pa sa kanya na buntis ka?"

       "Debbie hindi ko alam kung kaya ko. Marami syang pangarap Debbie, babalik sya para anak namin. " Umiiyak na sabi ni Phoebe.

      ''Kaya mo yan,kaya mo!"ang sabi ni Debbie sa kaibigan.

Ng makarating si NAIA airport si Nick ay halos hindi sya makababa ng Van pinanghihinaan sya ng loob."Phoebe mahal ko,babalik ako babalikan kita." Bulong ni Nick.

  
        "Son,shall we go?" Pukaw ng kanyang ina. "Son what's wrong?

Umiling si Nick at mabibigat ang binti na humakbang bago sya tuluyang umalis ay kinausap nya ang driver nila.

        " Manong Celso kayo na po ang bahala Kay Phoebe, babalik po ako babalikan ko po sya. Nakikiusap po ako wag nyo po syang pababayaan kayo ni Manang Merla,pakiusap po."naluluhang sambit ni Nick.

       "Makakaasa ka Nick, hindi namin sya pababayaan. Mag iingat ka doon,at lagi mong isipin na may maghihintay sayong pagbabalik." Sagot ni Manong Celso.

       "Salamat po. Pakibigay po ito kay Phoebe, alam ko po na kailangan nya ito." Sabing muli ni Nick at iniabot sa matanda ang isng sobre.

       "Sige na iho,baka mahuli ka flight mo." Taboy ng matanda sa kanya. At binigyan sya nito ng isang mahigpit na yakap."hihintayin ka namin mabilis lang ang apat na taon iho."

Ng tuluyan ng makapasok si Nick sa loob ay kinabig na ni Manong Celso ang manibila ng Van pabalik sa mansion ng mga Salvador.

Mabilis lumipas ang mga oras araw at buwan, naging regular ang pagtawag ni Nick sa kasintahan na kahit pa nasa magkabila silang mundo ay naipaparamdam pa rin nila ang pag-ibig sa isa't-isa. Naging abala si Nick sa pag-aaral at lumipas ang mga araw na halos hindi na nya nakakausap ang dalaga na pilit inunawa ni  Phoebe dahil nasa America ito hanggang sa ang ilang araw na pagkaligta ng binata ay naging linggo,buwan at hanggang sa....

      "Manong Celso, Manang Merlaaaaa!" Malakas na sigaw ni Phoebe mula sa kwarto nila ni Nick.

         "Phoebe! Iha bakit?" Ang tarantang tanong nito at sa nakita nyang kalagayan ni Phoebe ay mahulaan nyang manganganak na ito.

        "Celsoooo! Madali ka manganganak na si Phoebe." Sigaw ni Manang Merla na hindi nakaligtas sa pandinig ng binatang si Nick na noon ay kausap ni Mang Celso.

  
        "Manong? Si Phoebe po nanganganak?" Takang tanong ni Nick.

       "Oo iho? Yan nga sana ang gusto kong sabihin sayo,kasi paano si Phoebe kapag umuwi kami ng probinsya."

Tumulo ang luha ni Nick sa narinig, paano mangyayari buntis at manganganak si Phoebe wala naman itong sinabi na buntis ito bago sya umalis dahil kung alam nya ay hinding-hindi nya ito iiwan ng nasa ganoon kalagayan.

Love Me For What I Am (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon