Chapter 5

7.8K 253 3
                                    

Nagising ang dalawang mataas na ang sikat ng araw at nakarinig na silang halakhakan sa labas,at nasisigurado nyang si Debbie yun,naunang bumangon si Phoebe ngunit muli syang hinila pabalik ni Nick sa higaan at muling kinubabawan.

"Nick nakakarami ka na ha!" Ingos ni Phoebe dito.

Sumimangot si Nick sa dalaga. "Why sawa ka na ba sa'kin?"

"Ha?"

"Fine you can get up now but maniningil ako mamaya" sagot nito kasabay ng pagkindat sa kanya.

"Baliw!"

"Sayo!"

Napatigil si Phoebe sa pagtawa ng tumunog ang cellphone niya at ng abutin niya ito ay sinenyasan nya si Nick na tumahimik.

"Dad?"

"Where are you Phoebe?"

"I'm with Debbie Dad."

"Then give me Debbie, I want to talk to her."

Napatingin si Phoebe Kay Nick na nagbibihis at sumenyas itong tatawagan ang kaibigan.

"Okey Dad when she's out of the bathroom."

Ilang minuto ang lumipas ay humahangos na dumating si Debbie.

"Phoebe, sorry to keep you waiting alam mo na morning rituals."

"O-okey lang si Dad gusto kang makausap." Sabi ni Phoebe at iniabot ang cellphone, kitang-kita ni Phoebe kung paano nanlaki ang mata ni Debbie ng makita nitong wala syang suot na damit sa ilalim ng kumot na obviously naman dahil labas pa ang kalahati ng puno ng dibdib nya.

Matapos ang pakikipag-usap ni Debbie sa kanyang ama ay tapos na rin syang magbihis.

"Phoebe?" Nagtatanong ang tono at titig nito.

"I love him Debbie."

"I know, but kailan pa kayo umabot sa ganito,Phoebe hindi sa pinakikialaman ko ang relasyon nyo paano kung isa sainyo ang magbago at paano kung magbuntis ka?"

"Walang magbabago sa'min Debbie, nag-usap na kami ang mahalaga mahal namin ang isa't-isa."

Napatitig na lang si Debbie sa kaibigan, hindi nya alam kung paano sasabihin dito ang mga sinabi ni Mac, she's planning to tell her pero ng makita nya ito sa ganitong sitwasyon sino ba sya para saktan ang puso ng kaibigan,maaaring exaggerated lang si Mac.

"Debbie? Si Phoebe?" Ang tanong ni Nick ng masalubong sya nito pababa ng hagdan.

"Can I talk to you Nick?"

Marahan tumango ito at humakbang palayo ng kaunti sa resthouse.

"Ano yun Debbie?"

"I know I don't have right to asked,but I'm Phoebe's best friend, do you really love her Nick?"

"Debbie, my love to Phoebe is boundless, I cannot promise that I won't hurt her but I can keep her here in my heart always, remember that." Sagot ni Nick at iniwan syang naguguluhan sa mga sagot nito.

"Hi saan ka galing?" Napahalukipkip na tanong ni Phoebe sa binata.

"Dyan lang naglakad,eh ikaw saan galing?"

"Sa likod bahay,nagpahangin hindi kasi kita makita kanina."

"Anong napag-usapan nyo ng Dad mo?"

"Si Debbie ata anak nun eh,everytime kasi si Debbie ang hinahanap nya." Sagot ni Phoebe na nagbibiro.

"Haha,loka ka ano! hinahanap lang ng Dad mo si debz to asked if your together."

"As usual, dad doesn't trust me,since before."

Love Me For What I Am (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon