Chapter 13

7.5K 276 5
                                    


      "I have no right to answer your question Nick,ikaw mas nakakaalam ng sagot sa tanong mo." Sagot ni Mac sa kanilang linya.

Napahilamos si Nick sa sarili mukha. Hindi nya alam ang gagawin that time. Hindi sya makapag-isip ng maayos.

       "I never know that she was a pregnant." Sabi ni Nick ng magharap silang magpinsan sa isang bar.

       "Bakit nagtanong ka ba?"

Umiling si Nick. Kaya naman isang tingin ang ibinigay ni Mac dito,tingin na nagsasabi na your stupid man.

        "Anyway past is past,at hindi mo alam sa sarili mo kung anak mo nga ang anak nya,why you felt so guilty then?"

   
   "I love her, at hindi ko matanggap na parang balewala na ako sa kanya."

   
   "Why ini-expect mo ba kapag nagkita kayo two arms ka pa nyang tatanggapin, lalo pa at engaged ka na,think about it Nick, si Bianca na pinangakuan mo ng kasal o si  Phoebe pinangakuan mong babalikan ngunit di mo ginawa?"

       "I know,pero akala ko sa haba ng panahon na hindi ko sya nakita akala ko wala na ang lahat."

       "magtapat ka nga Nick,ano ba ang dahilan at hindi mo sya binalikan kahit sulat sana Nick o tawag?"

Napamaang si Nick sa sinabi ng pinsan.

       "What? Para kang nagulat sa tanong ko?"

       "I wrote a lot Mac,since the day I left."

        "Ha? Sinong niloko mo  Nick? I was there with her  for 10 months at kahit isang sulat ay wala  kaming  natanggap galing sayo."

      "Pero iyon ang totoo Mac."

      "Ewan ko sayo Nick."

       "Bakit hindi mo sinabi sa'kin na buntis sya ng tumuntong ka States."

        "Don't blame me Nick, dahil ilang beses kitang sinubukan kausapin but every time you refuse me. At kung totong concern ka ikaw mismo sana ang nagtanong."

Natapos ang pag uusap nilang magpinsan na malabo ng lahat kay Nick. Simulation ng araw na nagkasagutan sila ni Phoebe ay hindi nya muling nakita ang dating kasintahan, buwan ang binilang ngunit kahit saan nya ito hanapin ay wala ito sabi nga mahirap hanapin ang taong nagtatago.

         "Debbie." Ang tawag ni Nick ng minsan ay abangan nya ito sa labas ng company ng mga ito. "Can I talk to you please?"

       "Nick if it's about Phoebe, wala akong ibibigay sayong impormasyon."

      "Debbie please." Ang pagmamakaawa ni Nick.

Napabuntong hininga si Debbie she hate's Nick dahil sa ginawa nito kay Phoebe pero hindi pa rin sya ganun kasama para balewalain ito. Sumama sya dito sa isang cafeteria na ipinaalam nya may Mac.

        "What is it Salvador?"

          "Debbie, anong nangyari ten years ago?"

Bumadha sa magandang mukha ni Debbie ang galit na hindi nakaligtas sa paningin ni Nick. Napayuko ito.

        "If I ask you the same question Nick, what will be your answer?"

Nangilid ang luha ni Nick,at marahan nitong pinahid bago tumingin kay Debbie at nagsalita.

  
      "I have no idea Debbie."

       "Yes you don't because, you think only yourself, hindi mo inisip ang 17years old kong kaibigan na nagmahal sayo ng todo kahit tinalikuran sya ng kanyang magulang at ikaw ang kanyang pinili nakuha   mo pa rin syang saktan. Why Nick? Why?" Buong pait na sumbat ni Debbie.

Love Me For What I Am (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon