Chapter 8

6.9K 240 1
                                    


Isang buwan na ang nakakaraan mula ng magsama si Nick at Phoebe. Wala naman silang problema maayos naman silang dalawa. Ngunit ang pagdadalantao nya ay hindi pa nya nasasabi kay Nick,inuunahan sya ng pangamba na hindi niya alam kung bakit nya nararamadaman. Hanggang sa isang araw dumating ang ina ng binata.

         "Magandang umaga po." Bati ni Phoebe dito. Bahagyang natigilan ang babaeng kanyang napagbuksan ng pinto ilang minuto itong napatitig sa kanya na ikinailang ni Phoebe. "Ahmm sino po sila?"

        "Can I talk to Nick?" Tanong nito kay Phoebe.

         "Wala po si Nick, pero kung important po tuloy po kayo baka po pabalik na po sya." Sabi ni Phoebe at niluwangan ang bukas ng pinto para makapasok ito.

        "Salamat." Sagot ng Ginang.

Bantulot si Phoebe kung paano nya i-approach ang di nakikilalang Ginang. Palihim nya itong minasdan maganda ito at hindi mahahalata kung maedad dahil sa makinis nitong balata at magandang pananamit,parang ang mommy lang nya. Bigla syang nakadama ng lungkot ng maalala ang ina.

        "Kamusta na kaya sila ni Dad?" Ang pabulong nyang tanong.

        "Iha,are you talking to me?"

       "Po,ah hindi po may naalala lang po ako." Nakangiting sagot nya dito.

       "Kaano-ano ka ni Nick iha?"

       "Po?"

        "Ma?" Bungad ni Nick. At nilapitan ang ina at iniyakap mahigpit.

         "Son I miss you so much."

   
        "Same here ma." Tugon ni Nick.

Nanatiling nakatingin si Phoebe sa mag ina,nakangiting nakatitig sya sa mga ito at masaya sya para sa mga ito.

         "Son,I came para sabihin sayo na,I'll come with you now to state tamang oras na siguro para mabuo ang pamilya natin."

Tila nanigas ang lalamunan ni Phoebe sa narinig, namuo ang luha sa sulok ng kanyang mga mata,kaya bago pa ito pumatak ay tumikhim siya para maagaw ang atensyon ng mag-isa.

         "Ehem.. Kukuha lang po ako ng maiinom Mam, Nick." Paalam nya at hindi na nya hinintay na sumagot ang mga ito mabilis syang tumalikod patungo sa kusina.

         "Phoebe." Mahinang bigkas ni Nick.

         "Who is she?"

         "Ma,I'll come back wait me here please." Paalam ni Nick at agad na sinundan ang kasintahan.

Naabutan niya itong nagpapahid ng luha.

         "Phoebe?"

        "Nick!" Sagot nito muling  nagpunas ng luha."n-nauuhaw ka na ba? S-saglit lang."

        "Phoebe, baby we have to talk."

Umiling si Phoebe," don't spoil your time with your mom, go back to her please "pigil ang luhang sabi ni Phoebe.

       " but your not okey. "

       "I'm okey Nick, I'm okey! Just go!"

Alumpihit na lumabas ng kusina si Nick at bumalik sa ina na naghihintay. Matapos i-compose ni Phoebe ang sarili ay sumunod sya kila Nick dala ang tray na naglalaman ng merienda.

       "Mag snack po muna kayo,doon muna ako sa likod if you need anything, let me know." Sabi ni Phoebe matapos ibaba ang tray sa harap nila Nick.

Love Me For What I Am (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon