Chapter 7

6.8K 257 3
                                    

   
     "Love? Phoebe? 17 ka pa lang anong alam mo sa pagmamahal?"

       "Gaya ng sainyo ni mommy."

        "Iba ang sa'min ng mommy mo,we're old enough ng magmahalan kami pero ikaw,bata ka pa hindi mo pa alam kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng pagmamahal!"

       "Pero daddy."

        "Wag mong sagarin ang pasensya ko Phoebe! Shut up!"

Hindi ko alam kung paano kami nakarating ng Manila ni Dad ng halos walang imikan,at pagdating sa garage ay halos kaladkarin niya ako papasok at patulak na pinaupo sa sofa. Napasigaw si mommy ng makitang sasampalin ako ni Daddy.

        "Anton!" Sigaw ni mommy at agad akong niyakap.

        "Mommy." Umiiyak Kong yakap sa kanya.

Hindi ko mabasa ang reaksyon ni Daddy ng mg oras na yun. Inihatid ako ni mommy sa kwarto ko at narinig ko na lang ang sigawan nila sa kabilang kwarto.

         "Sumusobra ka na Anton!" Naririnig Kong sigaw ni mommy. "Ano ba ang ginawa ni Phoebe sayo?

          " why don't you ask your daughter ha? Palibhasa wala ka ng alam gawain sa buhay kundi ang magpalago ng pesteng negosyo mo at sundin ang lahat ng kapritso ng anak mong yan!"

        "Nasa Palawan sya paanong napunta ka doon?" Tanong ni mommy na nakapagpatahimik kay Daddy. "Iisang dahilan pa rin ba Anton?" Umiiyak na sabi ni mommy. Naguluhan ako sa tinatakbo ng kanilang usapan kaya naman pinili ko ang makinig sa kanila.

        "Tapos na yun at wag mo ng ipasok sa sitwasyon ngaun Susanne!"

        .
      "so then answer me,anong ginagawa mo sa Palawan?"

        "I'm there dahil may kaso akong hahawakan at taga roon ang kliyente ko."

        "Sounds interesting, at pati ang bata ay idinamay mo."

         "I saw her with a guy,sa palagay mo matutuwa ako na makita syang may kahawak kamay sa edad nyang yan! Susanne asan ang utak mo  para maging kampante sa mga ganoon bagay!"

         "Nagdadalaga na ang anak mo why you have to be a bad father to her."

         "Dahil ayaw ko sa taong yun! Susanne at ang gusto ko makatapos sya ng pag aaral."

        ''Ang kitid ng utak mo Anton! Hindi mo man lang tinanong ang bata Kung ano nya ang lalaki mong sinasabi. "

        "God! Your so imposible Susanne!" Sigaw ni Dad at narinig ko na lang bumukas ang pinto at sumara iyong muli.

Napapikit ako kasabay ng pagtulog ng luha ko. Napa-iktad ako ng bumukas ang pinto ng kwarto ko nakita ko si mommy na nakatingin sa'kin di ko masalubong ang kanyang tingin dahil nakita ang disappointment sa mukha niya.

         "Phoebe tell me honestly, ano ba ang nakita ng Dad mo ay sino ba ang lalaking tinutukoy nya?" Mahinahon tanong ni mommy sa'kin.

         "Mom,si Nick po. Nick Salvador."

Nakita ko ang gulat sa mukha ni mommy ng sabihin ko ang pangalan ni Nick.

         "Boyfriend mo ba sya?"

         'I'm sorry mom. "

          "Phoebe, bata ka pa anak, magbabago pa ang isip mo pagdating ng panahon."

Napatingin ako kay Mom akala ko nauunawaan nya ako pero hindi pala kagaya din sya ni Dad. Hanggang sa iniwan nya  ako sa kwarto ay hindi ako nagsalita.

Love Me For What I Am (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon