Chapter 10

7.7K 272 8
                                    


        "Honey,maganda na ba si mama?" Tanong ni Phoebe sa anak.

        "Yes ma,your the only one beautiful lady for me."

          "You know what ha nagtataka na ako kung saan mo makukuha yan mga cheessy lines mo."

          "Ma,nahawa lang po ako kay Ninang lagi kasing naka-hugot lines yun."

   
         "Haha, are you ready?"

          "Yes ma."

Masayang tinungo ng mag ina ang kotse na naghihintay sa kanila, Debbie send her car para sa kanilang mag ina.

         ''Phoebe, iha sa paglipas ng panahon lalo ka lang gumanda. "

         "Tay Bert, di pa rin po kayo nagbago puro pa rin kayo pambobola."

 
         "Magandang gabi po." Bati ni Noah.

         "Magandang gabi din iho." Sagot nito at napatitig sa  mukha ni Noah." May kamukha sya Phoebe."sambit ng matanda.

Kinabahan si Phoebe sa sinabi nito kaya agad niyang iniba ang usapan.

        "Tay Bert saan po ba ang reception ng engagement party ni Debbie?" Pag iiba ni Phoebe sa usapin na maaaring mabuksan.

       "Ay oo nga pala,doon sa may resthouse daw yun iha,di bale at pagdating naman sa airport mag private plane kayong mag -ina."

Halos kalahating oras lang ang itinakbo ng sasakyan papuntang airport, tuwang tuwa si Noah dahil first time nitong sumakay ng eroplano. Saktong forty five minutes ay lumapag ang Air Pacific Cebu sa NAIA Airport.

        "Wow mama,ang ganda pala sa Manila." Nakangiting sabi ni Noah nalibang sa pagtingin sa matatayog na building.

        "Tara na anak." Ang aya ni Phoebe sa anak.

Ng muling makasakay sila Phoebe sa Van ay napakunot noo sya ng malayo-layo na ang tumatakbo nito,bigla syang kinabahan dahil pamilyar sa kanya ang lugar na dinadaanan.

         "Kuya saan po ang punta natin?" Di napigilang tanong ni Phoebe.

         "Sa Laguna po Miss Phoebe."

Nahigit ni Phoebe ang hininga,lalo na ng makita ang lugar na hinintuan ng van makalipas ang halos isang oras na byahe.

WELCOME TO THE LOVER'S RESTHOUSE...

         "Ma tara na po nagugutom na ako." Ang sabi ni Noah kasabay ng pagyugyog sa kanyang mga kamay.

Parang nais umurong ni Phoebe ng nakita ang lugar,sinadya ba ito ni Phoebe atsaka wala akong alam kung sino ang fiancee nito,naging iwas ito sa usaping pangpuso mula ng maghiwalay ang mga ito ni Mac.

       "Ma,are we going inside or no?" Muling tanong ni Noah.

        "Ha? Anak ano kasi,mauna ka na kaya mag Cr lang ako,okey lang ba sayo? Total sabi mo naman big boy ka na?"

        "Hmm okey, ma hanapin ko na lang si ninang sa loob,but wait ma,don't go somewhere I'll wait you inside."

Napatawa si Phoebe sa anak at ginulo ng bahagya ang buhok nito."opo daddy, inatayin mo po ako sa loob,just give me five minutes. "

        "Good girl, pretty Mama." Sagot nito at pumasok na sa loob.

Nagmamadali naman nagtanong si Phoebe kung nasaaan ang Cr at doon ay huminga sya ng paulit-ulit.

        "Bawal ang praning Phoebe! Kaya mo yan! Past is past! Alaala lang ang lugar na ito!" Bulong nya sa sarili ng paulit-ulit. Matapos mag-apply ng lipstick at nagwisik ng konting pabango ay lumabas na si Phoebe sa Cr taas noo syang pumasok sa loob ng resthouse,at gaya ng inaasahan naagaw nya ng pansin ang mga taong naroroon,may ilan nakakilala sa kanya kaya naman agad itong lumapit sa kanya.

Love Me For What I Am (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon