Chapter Fifty One- Eros

Magsimula sa umpisa
                                    

Di ko alam kung bakit parang ang sakit sa akin nung sinabi niyang nahihirapan siya. Alin bang mahirap dun?

Patuloy ako sa pakikipagusap kay Bettina pero napapatingin ako sa gawi niya. Nagpaganda pa talaga siya, at escort niya pa talaga yung Buknoy. Ang dami ding tumitingin sa kanya. May isang beses na hindi na talaga ako nakuntento sa peripheral vision ko at sumulyap sa may table nila.

Buti na lang nagsusulat siya noon. Bumoboto na yata siya para sa Vander Prince at Princess. Ganun padin yung mukha niya, palagi naman siyang maganda, pero mas maganda siya ngayon. Mukhang pinaghandaan talaga ang Christmas ball. Mukhang masayang masaya.

Kaya noong magaangat na siya ng tingin, bumalik na ako sa ginagawa ko. Usap ulit kami ng mga classmates ko sa table. Di ko namalayang ang sinulat ko talaga sa ballot ay pangalan ni Zylie. Nahiya naman ako dahil sinabi nga pala ni Bettina na magbotohan kaming dalawa.


“Bumoto ka na?? Nailagay ko na yung pangalan natin!” masaya na sabi ni Bettina. Natatakot ako minsan sa mga ipinapakita niya dahil parang sa pagyaya ko sa kanya dito sa ball, baka akalain na niya na may gusto akong mabuo sa amin. Dahil karaniwan ng babae ganun. Pakitaan mo lang ng konting motibo, akala commitment na ang inooffer mo.


Ibinulsa ko na lang yung hawak kong balota. Sinabi ko na lang na nakaboto na ako. Pero ang totoo ay nasa bulsa lang yung papel. Baka kasi buklatin ni Bettina sa aktong ihuhulog ko na. Hanggang sa matawag ako. Ayoko talaga tumayo, pero magmumukha naman akong tanga kapag nagpapilit pa ako sa pagakyat sa stage.

Nakaupo na ako ng tawagin si Bettina. Kampante na ako dahil kilala ko naman pala ang natawag na princess. Pero nagulat ako ng matawag si Zylie. Sa pagkakaalam ko, minsan lang magkaroon ng tie. Bihira lang. Para tuloy biglang bumigat yung bulsa ko kung saan nilagay ko yung papel. Kung nagkataong inihulog ko pala yun, iba ang magiging resulta.

Nag-iba ang mga tugtog. Ako naman ay kinakabahan para kay Zylie. Ginagamit ko na naman ang peripheral vision. Di ko alam kung ipagdadasal ko bang manalo siya o hindi sa susunod na botohan. Pinagrampa silang dalawa ni Bettina sa gitna. Inaasahan ko nang magiging mas confident si Bettina dahil kilala ko si Zylie. Hindi para sa kanya ang mga ganoong bagay. Masyado siyang simple para sa pakikipagpaligsahan ng ganda.

Kaya mas lalo akong nagulat noong naglakad siya ng taas noo. Nasa kanya na lahat ng atensyon pero parang wala siyang pakialam. Naglakad lang siya na parang wala lang sa kanya yung mataas na taking ng sandalyas. Ano kaya ang gusto niyang patunayan? Gusto niya rin bang manalo at makapareha ako?

“AYY!!!!”

Parang choir na sabay sabay sumigaw yung mga nakapaligid sa dance floor. Gusto kong tumakbo sa baba kasi nangyari na nga yung naisip ko kanina. Natapilok na naman siya. Pero bago pa ako nakakilos, nakita kong itinayo na siya ni Bettina.

Parang gusto ko nang bawiin lahat ng sinabi ko nung nakikita ko yung expressiona niya. Kasi kahit nasa malayo ako, alam kong nasasaktan siya. Hanggang iaannounce na yung nanalo sa second round ng votes. Nandoon lang siya, nakatayo sa ilalim ng mistletoe.

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon