"wrong timing talaga tong sila Ate" mahinang bulong ng nobyo sa kanya "naudlot tuloy" 

ang tinutukoy ni Gerald ay ang kiss sa lips na kanina pa nito hinihingi sa kanya. halos apat na araw na kasi niyang pinaparusahan ang nobyo sa kanyang no-kiss policy dahil sa naging kissing scene nito sa isang eksena sa MMK episode nito kasama ang isang hindi kilalang sexy star na napanood niya mismo nung Sabado. alam naman niyang walang magagawa ang nobyo sa pagkikipaghalikan nito sa iba maliban sa kanya dahil parte nga naman ng trabaho nito ang gumawa ng kissing scene kaya lang hindi niya talaga mapigilan e....

hindi niya talaga mapigilan hindi maiinis

mali!!!!! hindi inis yung term...

kundi selos

oo. hindi niya talaga mapigilang hindi magselos

kahit smack lang yung kiss ng babae at ng boyfriend niya, nung napanood niya, gusto din niyang i-ismack yung babae gamit naman ang kamao niya. pero dahil hindi naman sila close nung girl, si Boyfriend na lang ang paparusahan niya 

kaya ang kawawang si Babe, nahatulan ng no-kiss policy 

"kayong dalawa diyan. tama na bulungan!! start na daw" usal ni Nhila sa kanilang dalawa ng makaupong muli si Gerald sa kinauupuan nito

"san ba? dito ba o dun sa labas?" tanong ni Gerald sa handler 

"dun daw e" sagot ng handler ng nobyo. tumayo na silang dalawa sa kanilang kinauupuan at sabay na lumakad papalabas ng dressing room na talaga namang magkahawak pa ang kanilang mga kamay

"Hello Ms.Cara" bati niya sa writter na mag-iinterview sa kanilang dalawa at the same time ang mag-susulat ng kanilang tell-all story 

"Hello" balik bati nito sa kanya at binigyan siya ng munting halik sa pisngi "..ang blooming" bati nito sa kanya 

"Hi Ms.Cara " bati din ni Gerald dito na ginantihan din ng munting beso ng writter. umupo na silang pareho sa isang sofa na nakaharap sa kinauupuan ng writter

"thank you for choosing Star Studio Magazine para sa tell-all interview niyong dalawa" panimula nito sa kanilang dalawa "...we know both of you went through a lot at masaya kaming makitang finally, you both are together na"

"finally talaga" usal ni Gerald na bahagya nilang ikinatawa 

"halos buong Pilipinas na witness yung ligawan niyong dalawa before, how it grow and how it turned upside down. yung heartbreaking confirmation na wala na. and then biglang, Gerald has found love again with Maja Salvador and you as well with the rumored romance with Matteo na hindi na namin tatanungin kung totoo ba..." 

pareho silang natawa sa naging huling hirit ni Ms.Cara

"...we thought na wala na e. before, kung titignan mo, kung iisipin mo parang ang labo na magiging kayo pa e. kasi both of you went on your seperate lives. you had your own and you had your own too. diba? who would have thought this will happen..." pagpapatuloy ng kanilang kaharap. silang dalawa naman ay napapatango tango lang habang patuloy na nakikinig 

"kayo ba, sumagi sa isipan niyong dalawa before, na eventually....kayo din pala?"

"uhmmm...." usal ni Gerald "...mauna na ko, o ikaw muna?" tanong nito sa kanya na sinagot naman niya ng "hindi. go na Babe. back up ako" na ikinatawa naman ng bahagya ni Gerald 

"like what you've said, kung titignan mo before...parang it's impossible to happen but I guess, if it's meant to happen...it will happen. maybe not now but later it will, if it's really meant to happen" wika ng nobyo

"..and also, things happen for a reason. hindi naman ang isang bagay ay nangyayari dahil wala lang. basta mangyari lang. I believe each day has a purpose. and the purpose is to teach us a lesson; lessons that we will be needing..."

"...whatever happened in the past, it happens because it needs to teach us both, kami ni Sarah ng isang leksyon...a lesson about love and relationship..." pagpapatuloy ni Gerald

"and what is that?"

"Grow" sagot ng kanyang kasintahan na kanya namang ikinangiti "...Love cannot grow if two people in it, never grow"

"...dapat, bago ka pumasok sa isang relasyon...dapat pareho kayong buo...bilang isang tao. yun bang, kahit na anung ibato sayo hindi ka nun masisira kasi kilala mo yung sarili mo. what I'm trying to say is, you should always start with the self first before to others..."

"...before you wanna make other people happy, dapat masaya ka. kasi kung ikaw pa lang, hindi mo na kayang pasiyahin yung sarili mo what more pa sa ibang tao. panu mo papasayahin yung iba, sarili mo hindi mo mapasaya..."

"and you know what, what I learned din..." pag-sisingit niya "...singgit ako a" usal niya na bahagya namang ikinangiti ng nobyo "sure Babe" wika nito sa kanya 

"you cannot Love when you cannot forgive.." wika niya 

 "....yung pagpapatawad, hindi yun parang overnight e. it doesn't happen overnight. kasi hindi lang naman isang beses kang nasasaktan e. paulit-ulit. minsan pa nga, kahit nagmumuni muni ka lang, tapos bigla mong maalala yung mga nangyari, parang you can't help but feel the pain again. kaya yung pagpapatawad, ginagawa yan ng paulit-ulit. everytime you feel the pain, you forgive"

"saka dapat ready ka sa lahat lahat" singit ng kasintahan "....hindi yung pipiliin mo lang, na pagmasaya lang, pag may kilig lang. dapat kahit andiyan na yung pain. visible na yung hardship...you should still hold on. because Love and you know, relationship...it's not just about happy thoughts and fun days. kasama din sa package ng love ang heartache, tears, sorrow. you cannot set aside kasi nga package siya. wheather you like it or not, you will be experiencing everything...kaya dapat ready ka. hindi yung porket puro sakit na lang at wala ng kilig, bitaw na agad" 

"ang daming learnings a" pagsisingit na komento ni Ms.Cara

tumango naman siya bilang tugon "...sobra. sobra talaga. kasi kung anuman kami ngayong dalawa, bilang mag-boyfriend man or as individual...dahil yun sa mga pinagdaanan namin. yung mga pagsubok na nalampasan namin. alam ko marami pang darating pero the fact that we made this far, alam ko kakayanin din namin yung mga yun"

"do you think she's the one, Ge?" tanong ng writter sa kanyang nobyo. binalingan naman siya nito ng tingin na siyang binalingan din niya ng tingin. ngumiti ito sa kanya bago ito sumagot sa katanungan "maybe" nakakalokong sagot nito. hindi niya napigilan ang mga kamay na hindi kurutin ang tagiliran ng kasintahan 

"anung maybe??" tanong niya kay Gerald "..bakit maybe? may iba ka pa bang gusto?" asik niya habang ang nobyo ay panay naman ang halakhak "magsalita ka!! bakit maybe?"

"open-minded ako e" biro muli ng kasintahan sa kanya na muling ikinaani nito ng kurot mula sa kanya "..Babe!!! hindi na!! hindi na!!! hindi na" patuloy ang tawang usal ni Gerald sa kanya 

halos naluluha na ang mga mata ng kasintahan ng ito ay tumigil sa pagtawa "pero seriously..." panimula nito "..Babe hindi na. serious na ko" wika ni Gerald ng makita nito ang kanyang dalawang kilay na unti unti ng nagtatagpo sa gitna "...I don't know what's gonna happen later on. wheather it would be a sunny one or a rainy or cloudy, whatever season it maybe, I'm still looking forward in it. just as long as I have her. just as long as I'm holding her hands like this..." wika ng nobyo sabay abot nito sa kanyang kaliwang palad upang ito ay hawakan ng mahigpit "...katulad nga ng kanta nung isang movie namin..." pagpapatuloy ng binata "...I can take all the madness the world has to give but I won't last a day, without you" basag na boses na kanta ni Gerald na siya namang nagpahagikhik sa kanya 

"basag!!" komento niya 

"..I guess the right person just come in our life only once" wika muli ni Gerald  "...so if you think you have them already, do not let them go. for you will never know if there's another chance..another time for both of you"

"I lost Sarah before but maybe someone up above, like me at ibinalik niya sakin si Sarah. this time around kahit siya o hindi siya ang para sakin, wala akong pakialam. I would not let her go this time. I'm done being stupid"

"..I guess Love always comes in a person's life" Sarah butted

"but True Love only comes.." 

"...Just Once" she said as she come near him giving him a sweet peck in the lips

END.

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon