Chapter 49 - Battlefield

Start from the beginning
                                    

"What do you mean?"

"Injectable. 'Yun daw ang ginagamit sa mga recent vamps."

Napaisip ako, naalala ang isang sinabi ni Apollo tungkol sa bagay na 'yon.

"May itinuturok sa kanilang serum which shuts down their entire nervous system. Thirty minutes—'yun lang ang kailangan upang mamatay sila at muling mabuhay. Sa loob ng maikling oras na 'yon, their DNA are altered."

Naputol ang pag-iisip ko ni Dominic. I looked at him and saw the annoyance on his face.

"Nagsasayang na tayo ng oras dito."

Well, he had a point. Hindi nga naman kami naroon para mag-tour.

I called Justin again and said, "Shall I just leave this here or hinder the process before this man become a monster?"

"Leave him be. We don't fight unfairly...or do you?" May himig ng panghahamon ang tono ng boses niya.

Ano nga ba? "Copy that. I don't fight unfairly either. Over."

Nang-aasar na tawa lang ang isinagot nito.

We left the room untouched, except for the door hanging off its hinges, of course. Ganun pala ako kalakas. Halos maalis na ang dahon ng pinto sa pagkakakabit nito.

Lumabas na kami ni Dominic at ipinagpatuloy ang pagsusuyod ng lugar. Papaakyat na kami sa ikatlong palapag nang may kumalampag sa likuran namin. Dahil nauuna ako, si Dominic ang unang nakapansin sa bagong dating na lalaki.

He was oozing with brute strength. A threat. Kaya sunud-sunod na kinalabit ni Dominic ang gatilyo ng baril niya at pinaulanan ng bala ang lalaki. The deafening sound of every freed shot rang in the quiet building. But the strange man wasn't even bothered by the bullet wounds on his body. And, oh shit! His skin tissues were reknitting fast, ejecting the bullets. The damn silver bullets!

Dahan-dahan, ngunit nanghahamong lumapit ito kay Dominic. Like a big prey.

Just then I realized, the man was not a vampire.

Dahil nakaakyat na ako ng hagdan bago pa ito dumating at nakapagkubli sa dilim, hindi ako nito napansin. In a heartbeat, I replaced the gun in my hand with the other one tucked in my hip holster and aimed a good shot on the man's chest. He bellowed in pain and saw me for the first time.

The bullet was made of ordinary lead. A good weapon against another creature, the Faes.

So iyon ang mga tinutukoy ni Agent Zero na mga kalaban naming hindi namin alam. I was damn glad that I learned about Faes a long time ago. They were magical creatures. Glamour ang tawag sa magical ability nila. Unlike vampires who were once human, Faes had demon blood on them, non-human at all. But both creatures were equally strong.

Mabibilis ang mga hakbang na lumapit ito sa akin, pero inunahan ko na ito ng magkakasunod na putok ng baril. The creature fell to his knees before he could climb a step on the stairs. He was dead before he knew it. Black liquid began to pool around him. Was it supposed to be blood?

Ilang sandali kaming nagkapalitan ng tingin ni Dominic.

"What is he? Bampira?" Tanong nya at bahagyang lumapit sa bangkay.

Hindi ako sumagot, sa halip ay ikiniling ko ng bahagya ang ulo ko sa kaliwa, nakiramdam.

I felt something coming towards us, me particularly. Humigpit ang hawak ko sa baril, but my reaction kicked in late. That something came barreling towards me in a blur from the top of the stairs. I aimed at it and shot, once, twice...but I missed. It hit me and we both tumbled down the remaining steps.

Bagaman madilim, malinaw ko namang naaninag ang hitsura ng nilalang na gustong pumatay sa akin. It was a man—lean, but vicious and strong. His eyes were cat-like with yellow-colored irises. He had a pert nose, thin lips and needle-sharp canines. Para siyang pusa at ganoon din ang amoy niya.

He was trying to claw me and I was barely holding him away from my face. Napansin ko ang pag-angat ni Dominic sa kanyang baril, pero nagdalawang isip pa siya kung papuputukan ang nilalang. Naramdaman din marahil nung lalaki ang bantang dala ng kapatid ko kaya't saglit nitong inilipat ang pansin kay Dominic. He bared his teeth at him. That was enough for me to take a knife from a sheath on my left thigh and thrust the weapon deep on his side. Ginantihan ako nito ng isang kalmot sa mukha kasabay ng malakas na pagdaing ng sakit. Damn!

Dominic took that moment to act and fired at the creature. It was shot on the chest and stomach, but it didn't bring him down. Lalo lang itong nagwala. Mabilis ako nitong iniwan at si Dominic naman ang sinungaban. I took out my gun with silver bullets and was about to aim when another blur came towards Dominic and took the cat-like man away from him. The two swiftly went down the staircase leading to the first floor.

I was momentarily stunned, then I realized I was lying on the dead fae's blood and that my face was bleeding. That brought me back to my senses.

Hindi rin nagtagal, dumating naman si Justin.

"We heard gunshots." Aniya habang pinagmamasdan ang sitwasyon. Huminto ang tingin niya sa akin.

Bumangon na ako at pinaraanan ng kamay 'yung buhok kong basa ng dugo. "Gross. I look like shit right now, ain't I? " Tanong ko sa kanila.

"You are, if it will make you feel better." Pang-aasar ni Justin bagaman may pag-aalala sa mukha niya.

Hinanap ko gamit ang paningin ang baril na nabitawan ko nang sumulpot 'yung ala-pusang nilalang. Natagpuan ko naman sa ibabaw nung patay na fae.

"That was Alexander, right?" Yung kumuha doon sa lalaki ang tinutukoy ko.

Walang sinumang sumagot sa kanila liban sa away na nangyayari sa first floor. I just prayed Alexander would defeat the man and get my knife back.

Tumayo na ako at kinuha 'yung isa pang baril. Every part of me was aching lalo na ang kaliwang bahagi ng mukha ko.

"Are you okay?" Lumapit sa akin si Dominic at sinipat ang mukha ko.

"It hurts, but I'm bearing it well." Balewalang turan ko. May sasabihin pa sana siya nang tumunog ang radyo ko.

Xander's voice cackled from theother line. "Night, we found them."

Agent Night (Tagalog |  Complete)Where stories live. Discover now