Chapter 27 - Underground Painting Exhibit

86 4 0
                                    

Michael brought me in another room. Pero this time, hindi na mga lumang papel ang makakasama ko.

Hindi na ako ginapos ni Michael. Tutal hindi ko rin naman kakayanin na labanan siya.

"Now, here's the star of the night."

Hindi tulad ng kabuuan ng District Five, naiilawan ang silid na iyon ng mga malamlam na emergency lights sa bawat sulok. At base sa mga nakikita kong computers, bookshelves at samu't-saring charts sa dingding, alam kong nasa Kryptos kami, ang silid kung saan namumugad ang mga Cryptographer ng distrito. Pero hindi ang mga 'yon ang umagaw sa pansin ko kundi ang mga painting na nakahanay sa isang bahagi ng silid—mga painting ng yumao kong ama.

Bukod sa amin nina Michael at ng traydor na Senior Agent 7, may dalawang tao pa sa loob—another two supposedly missing corpses.

Ang isa ay ang babaeng natagpuang patay noon sa damuhan. Balingkinitan ang katawan niya, may mahaba at alun-alon na buhok at maamong mukha na hindi umaabot sa kanyang mga mata. Ang kasama niya nama'y ang natagpuan patay sa kalapit na subdivision ng university. Binatang lalaki na edad labimpito pa lang noong namatay. At ngayon, nasa harapan namin sila. Alive. As alive as death allowed them.

Kung titignan, mukhang aattend ng Goth party ang dalawa dala ng puro itim ang suot nilang damit mula sa leather jacket hanggang sa ankle-high boots. Pero alam kong hindi 'yon ang ipinunta nila doon.

The vampires were explanation for the coffins. Seven coffins for seven vampires. Pero tatlong bampira lang ang nasa silid na 'yon. And I was wondering who was the Master Michael was referring to.

"What do you want from me?" tanong ko matapos pag-aralan ang paligid ng ilang saglit.

Hindi ko gaanong kabisado ang Kryptos ng District Five, pero nalaman ko agad pagpasok na pareho lang ang istruktura nito sa Kryptos na nasa District Zero. Maliban sa pinto na pinasukan namin, may dalawa pang pinto sa kabilang dulo ng silid. Ang pinto sa kanan ay pinto ng banyo at ang nasa kaliwa naman ay patungo sa kalapit na silid. Sa District Zero, ang pintong 'yon ay mabubukas sa conference room. Doon hinihiling kong ganoon din.

I formed an escape plan, but it sounded both dangerous and stupid. Well, escaping itself was both dangerous and stupid at that moment, I had no choice.

"I want you to tell us something about these paintings," sabi nung babae. "We are positive that one of these will lead to where the black diamond is."

I always thought those paintings lead to somewhere, but I would also always dismiss the thought quickly. Alam ko namang matalinong pintor ang tatay ko, hindi ko na hinahamon 'yun.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga naroroong paintings. Isang tingin lang, alam ko ng may kulang. Wala 'yung paborito kong painting na ayon kay Tito Louie ay paborito rin ng mga magulang ko. Hindi marahil nila nakuha dahil hindi iyon isinasama sa ibang paintings kapag ini-exhibit. Nakalagay iyon sa isang lugar na kami lang ni Tito Louie ang nakakaalam.

"Well, I know these are my late father's artworks. That's all." I said without hinting them what I observed.

"Alam namin 'yun. 'Wag mo kaming gawing tanga," Michael spat at me.

I shot him an annoyed look. "Hindi ko man nais kayo gawing tanga, believe me. Wala akong ideya sa gusto niyong mangyari ngayong gabi maging sa kung anong kinalaman ng mga paintings na 'yan sa sinasabi niyong diamond."

Ngunit habang sinasabi ko 'yon umuulit sa isip ko ang sinabi ni Ninong Raphael noong nagkita kami.

"I believe you're mother left you something valuable."

"Which is?"

He shrugged. "No one knows, but it is written under your name."

"Is it in a bank?"

Umiling ito. "No. It is, I believe, buried somewhere underground."

Parang may switch na nag-on sa isip ko: Maaari ngang mapa ang mga paintings na iyon na magtuturo sa bagay na hinahanap nila—ang bagay na maaaring iniwan ng aking ina upang protektahan ko sa ngalan niya at ng aking ama.

Mayroong labintatlong paintings ang tatay ko. Kasama na roon ang tinutukoy kong paborito ko. Pinagsisihan ko ngayon na hindi ako naglaan ng panahon at talino na pag-aralan ng maigi ang mga iyon. But I guess it was better so the enemy would know that I was being honest when I said I knew nothing—at least not the whole truth, I mean.

"You've thought about something." Agent 7 eyed me suspiciously. Bagaman traydor, hindi maaalis ang katotohanang isa siya sa mga magagaling na agents ng Psyche. Ang nakakalungkot lang, ginamit niya ang galing na iyon laban sa organisasyong nagtiwala sa kanya.

I threw him a sharp look. "Iniisip ko kung ano ang ginawa sa'yo ng PUGITA para traydurin mo ng ganito."

Humalakhak ito dala ng sinabi ko. Mukha siyang nababaliw. "Hindi mo alam...hindi mo alam..." Umiling-iling ito habang sinasabi iyon. Unti-unting nagbago ang ekspresyon sa mukha nito hanggang tila lukubin ito ng hindi maipintang galit. The Viper suited him well right now. A traitor and a deadly snake ready to strike when provoked.

The door where we entered opened. Pumasok si Alexander nang parang walang nakaambang na panganib. Nakapagtataka.

"Alexander, have you taken care of the two rats hiding in the woods?" tanong ni Syete sa bagong dating.

Nagtiim ang mga bagang ko. I should have known. Kaya pala labas-masok lang siya sa District Five at hindi siya pinakikialaman nung mga pumapatay ng mga miyembro ng kultong kinabibilangan niya. He was a goddamn double-agent. The question then was where his loyalty lies.

He looked at me briefly before he faced Agent 7. Hindi ko naintindihan ang tinging ipinukol niya sa akin bagaman nagtatalo ang isip ko kung isa nga rin ba siyang traydor o hindi.

"I let Mitchell do the work," sagot ni Alexander. Lumipat ang tingin niya kay Michael na nasa likuran ko. "Xander's your cousin."

Narinig ko ang pag-ismid ni Michael. "Yeah. The black sheep in the family. Hindi ko akalaing gagawa siya ng legal. Anyway, Xander's a hit man. It runs in the family. Someday, he'll turn into a cold-blooded killer like the rest of us."

I felt a chill ran down my spine. Xander's a hit man. Totoo 'yun. Pero may prinsipyo siya. PUGITA changed people. It changed us. Xander wouldn't become like Michael...I hoped not.

And as if on cue, the door that I thought led to the Conference Room opened and the two rats Alexander supposed to take care of entered and fired. Sa muli, bumilis ang takbo ng oras.

I crouched to the floor as bullets rained around me, trusting Xander and Veronica to avoid hitting me. Then in the corner of my eyes, I saw Alexander ran like a wind to Michael before the latter reach me. However, I failed to notice the vampire boy who sent me flying to the wall.

Theimpact almost killed me—almost—if not for the fast silhouette of a man who rantowards me saving me from near damnation, but the shock took me and everythingwent black.

Agent Night (Tagalog |  Complete)Where stories live. Discover now