Chapter 35 - The Rise of the Sun God

77 3 0
                                    

I told Justin where we had to go. Pinagpasyahan kong iwan ang motor ko sa parking lot ng ospital at makisakay kay Justin. The Gemini checked his car for trackers before he left District One, according to him. They found one and dispatched it immediately which meant sticking it to somebody else's car and that somebody happened to be Agent 3.

Matalino talaga sina Agent 29 at Agent 50. Nakakalimutan ko lang minsan.

Dos was the one who told Justin what happened to former Agent 7. Hindi sa pinagdududahan ko ang sinabi ni Agent 2, pero tinawagan ko si Xander para kumpirmahin iyon at humingi ng dagdag na impormasyon tungkol doon sa nangyari.

"Yes, it's true." Narinig ko ang magkahalong inis, pagod at dismaya sa boses ni Xander. "When I went to fetch him for questioning, nakita ko na lang na isa na siyang malamig na bangkay. Sabi ng mga guwardiyang nagbabantay sa kanya, wala naman daw kakaibang nangyari. Matapos daw niyang kumain kagabi eh, dumiretso na itong matulog. Walang bakas ng dugo o pasa kaming nakita sa katawan niya."

Bumuntong hininga ako. Ewan ko kung nakakatawang isiping maaaring binangungot ito o nagpigil ng hininga, pero 'yun ang unang pumasok sa isip ko.

"Poisoning perhaps?" tanong ko. Maaari 'yun. Pero sino namang lalason sa kanya? Eh, bantay-sarado siya ng mga tauhan ng Psyche at malinaw sa aming lahat ang halaga niya sa imbestigasyon kaya walang magbabalak pumatay sa kanya...O meron ba?

"I didn't find an evidence na nilason nga siya, pero hindi ko isinantabi 'yun. Ipinadala na namin ang bangkay for autopsy. The result will be out later."

"May nakuha ka bang kapaki-pakinabang mula sa kanya?" tanong naman ni Justin.

Naka-loudspeaker ang cellphone para magkarinigan at magkausap kaming tatlo.

I heard a door closing bago sumagot si Xander. "Almost. He's leading me into something, but he must be afraid to tell it since kapag kausap ko siya, hindi lang naman ako ang nakakarinig. The interrogations were recorded plus Agent 12 was always hovering behind me. Bawat tanong ko ay sinasagot niya ng 'hindi ko alam' pero sinusundan nya rin ng sagot na malayo naman sa tanong. If he's not an agent—a Senior Agent even—I would have said nababaliw na siya."

Hmm...Maaari ngang may gustong sabihin si Agent 7 kay Xander, pero kalaban siya. Sino bang matinong tao ang magbubunyag ng sikreto sa kalaban niya?

"Baka ginagawa lang niya 'yun para mapapaniwala kang may ibubunyag nga siya sa'yo." Justin voiced out my thought. "Remember, he's The Viper plus a traitor. Or a spy from the start?"

"He's a traitor. He said so himself, pero hindi niya sinabi kung kelan niya sinimulang traydurin ang PUGITA. Hindi raw niya alam, eh." Sagot ni Xander.

"Alexander knew him." I burst out. He was working as a goddamned double-agent.

"Me? – Oh, shit."

Nagkatinginan kami ni Justin sa naging reaksyon ni Xander. Kilala namin siya bilang Xander Villanueva mula pa noong una naming pagkikita-kita. We never knew na hindi pa pala 'yun ang buo niyang pangalan. Funny, but true.

"So, Alexander Villanueva. Nakakatawa man, pero hindi namin alam na ang pangalan mong 'Xander' ay pinaikling Alexander. I thought it was short for something else," Justin said grinning.

"Like what?" tanong ko na nakangisi na rin.

Nagkibit-balikat siya. "Anaximander?"

Then I laughed.

"Why? It rhymed." Natatawa na rin ang kasama ko.

"Nakuha niyo pang gawing joke ang pangalan ko ngayon?" There was an edge of warning from Xander's voice, pero tila gumaan din naman ang kaninang seryoso niyang boses.

Agent Night (Tagalog |  Complete)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum