Makalipas ang isang linggo,after ng engagement party ni Debbie ay nagpasya si Phoebe n tanggapinang alok ni Zoren na magtrabho sa Wilhberg Hotel na pag-aari nito. Noong nalaman ito ni Debbie ay gusto nitong magtampo sa kaibigan ngunit naunawaan naman nya ito.

       "Phoebe, kung anuman ang desisyon mo,irerespeto ko pero wag mong hahayaan apihin ka lalo ng bruhang ina ni Nick."paalala ni Debbie ng minsan ay nasa cafeteria silang magkaibigan.

       "Debbie, wala naman dahilan para apihin nya ako."

        "How about Noah?"

         "Alam Kong nakita na ito ni Nick pero hindi ganun ka-close at wala akong planong ipakilala sa kanya  ang anak ko."

        "Sya pa rin ang ama."

         "Oo,noon yun Debbie noong nandito pa sya. Pero ng umalis sya at hindi bumalik inalis ko na rin ang pagiging ama nya Kay Noah."

Nanahimik na lng si Debbie ayaw nyang magkaroon sila ng tampuham kung igigiit pa rin nya ang tungkol Kay Nick at Noah.

        "Hi girl's." Bati ni Mac sa dalawa,matapos halikan nito ang nobya."Phoebe hiramin ko muna ang honey ko ha."

      "Haha oo namam,you can go now. Kailangan ko na rin bumalik sa opisina." Sagot ni Phoebe sa dalawa at naunang umalis sa mga ito.

     "Honey, bakit hindi mo sinabi sa'kin?" Paunang sabi ni Mac.

       "Ang alin?" Kunot noong tanong nito sa fiancée.

        "About Phoebe and her child."

Natahimik si Debbie sa sinabi ng kasintahan. "I'm sorry pero ayaw kong pangunahan ang desisyon ni Phoebe."

      "Pero,dapat sila ni Nick ang magkasama ngaun."

       "Pwede naman sana kung tumupad ang pinsan mo sa pinag-usapan nila, I was there ng umasa at naghintay si Phoebe Mac,pero ano walang Nick dumating. Masisi mo ba ako kung hindi ko sinabing sayo,alam Kong alam mo buntis si Phoebe ng umalis si Nick, at alam kong alam mo na itinakwil sya ng kanyang magulang at Magpahanggang ngaun ay ayaw syang tanggapin ng mga ito!" Naiiyak na sabi ni Debbie.

      "I'm sorry,honey." Ang aloni Mac sa kasintahan at niyakap ito.

Samantala mula ng umuwi ng Pilipinas si Nick at Bianca ay walang araw na hindi sila nag-aaway.

        "Ano ba Nick, mag two weeks na tayo dito pero wala pa rin nangyayari sa'tin, you said dito tayo magpapakasal,so what now?"

       "Pwede ba Bianca, shut up your mouth! Naririndi na ako sayo." Bulyaw ni Nick dito.

     "Talagang maririndi ka sa'kin dahil mula ng makita mo ang pesteng Phoebe na yan,naging isa kang malamig na yelo!"

       "Wag mo syang tawagin peste!"

        "Bakit Nick sino ba sya ha? Akala ko ba ako ang mahal mo pero bakit pakiramdam ko, ginamit mo lang ako noong nasa States ka?" Umiiyak na sabi ni Bianca.

Parang binuhusan ng tubig na malamig si Nick ng makitang umiiyak si Bianca.

        "I'm sorry."sabi ni Nick ay niyakap ang nobya.

Pinilit ni Nick na kalimutan na lang ang nakaraan pero sabi nga kung sino pa ang lagi mong iniiwasan ay sya mo pang makita ng hindi inaasahan.

Nagmamadali si Phoebe dahil male-late na sya sa meeting nya sa isang investor ng Wilhberg Hotel, nakipagsiksikan sya sa elevator na maghahatid sa kanya sa fifth floor kung saan nya kakatagpuin si Mr.Zamora.

Love Me For What I Am (COMPLETED)Where stories live. Discover now