Kanina pa ko naiinis sa totoo lang! ni hindi ko magawang magenjoy sa pasyal naming nila Ron dahil sa bwiset na si Franz!

Oo bwiset talaga siya! Matapos ng mga nangyari bigla niya kong di kakausapin! Ano yun..siya pa naluge?!

Kala ko pa naman kanina ako tatabihan niya pero FAIL!!!!

Habang pauwi kami si Franz parin ang laman ng isip ko, haaaay…ano ba Franz…wala lang ba to sayo??

Pilit kong wag isipin yung ganon dahil ramdam ko naman na mahal niya ko pero yung ginawa niya kanina? Di ko na alam!

“finally! Nakauwi rin sa wakas!” si Kate habang binubuksan ang pinto ng van

Pagbaba namin ay agad akong lumakad papunta sa hotel pero pinigil ako ni Ron

“Shane! Saglit…” pigil niya sa braso ko

“O? bakit?” takang tanong ko naman

“ah…eh..kasi si Franz..nagmumukmok sa may beach may problema yata..” kakamot kamot ng ulo si Ron

Agad naman naalarma ang puso ko ano naman kaya nangyari dun?

“bakit ko siya pupuntahan eh di nga namamansin yun!” konting pakipot lang baka sabihin ni Ron nababaliw nako kay Franz eh..

“sige, ikaw rin bahala ka…alam mo naman nasa may dagat si Franz..mamaya kung ano maisip nun konsensya mo pa…” naku naman tong si Ron! Makakonsensya eh! Sabagay…may topak si Franz baka magpakatuwakal nga

“sige pupuntahan ko na nga! Samahan mo ko!” agad kaming lumakad kung sn nandoon si Franz pero bakit ganon..

Habang papalapit kami ay siya naman nagliliwanag ang paligid..ano ba tong pinuntahan ni Franz? Tribo?

Pero hindi e..may naririnig akong isang musikang masarap sa pandinig,nakakarelax..instrumental siya at bakit ako kinakabahan?

“ah..Shane! nagtext sina Johnson pupuntahan ko lang ha! Babye!” sabay takbo ni Ron palayo sakin

Ano ba naman yan! Asan na ba kasi si Franz!

Medyo malayo na ang nilakad ko pero di ko Makita si Franz puro mga sulo lang na nagbibigay liwanag lang ang tanging nakikita ko

Ba yan Franz! Asan ka na ba…bulong ko sa sarili ko kinakabahn na ko dahil wala parin nagpapakita ni anino niya

Habang naaaninag ko ang mas maliwanag na parte ng beach ay mas lumalakas ang tugtog na naririnig ko..

Ano bng meron? May kasalan ba at ganito ditto? Pero asan ang mga tao??

Napahinto ako sa paglakad ng makita ko ang isang picnic set up sa harapan ko dulo na to ng resort at ang layo talaga

Halos umakyat ang dugo ko ng maramdaman kong may yumakap mula sa likuran ko “Aki…Sorry..” bulong niya sa punong tenga ko..

Napapikit ako sa ginawa niya at dinama ko ang bawat pintig ng puso niya ang sarap feels like home ang pakiramdam ko

Humarap ako sa taong yumayakap sakin habang di niya inalis ang pagkakayakap niya “ikaw gumawa lahat nito?” tanong ko sa kanya di ako nagpapahalatang kinikilig na

Imbes na sumagot ay idinikit niya ang noo niya sa noo ko at tumitig sa mga mata ko

Isang tango lang ang sinagot niya at isang dampi nghalik sa labi ang iginawad niya sakin na dahilan para maginit ang mukha ko..

“may kasalanan ka pa..” pabulong kong sabi at pinisil ang ilong niya

“sorry na..kasi naman pag di ko ginawa yun..di ko to mapiprepare..” malambing na sagot niya sakin na agad ko naman tinanggap Valid  na reason diba?

Ang swerte ko naman yata,dahil may isang Franz na nagmahal sakin ng ganito..

*************************

Habang nakaupo kami sa inilatag niyang kumot ay nakayakap siya sakin mula sa likuran ko at siya naman ay nakasandal sa may puno ng buko.

“Aki…ano na ba tayo ngayon?” malambing na tanong niya nilagay niya pa ang baba sa balikat ko

“eh..ano bang gusto mo?” balik tanong ko sa kanya sa totoo lang di ko rin alam kung ano na talaga kami

Kasi naman..kung baga sa kasal,nauna na ang honeymoon hihi

“gusto ko?” nilingon niya muna ako bago sumagot “maging tayo..” at humigpit pa ang yakap niya sakin

Ang sarap ng feeling,feeling ko napaka fragile kong tao na di pwedeng mahawakan ng kahit na sino kundi siya lang

Humarap ako sa kanya at isang halik ang isinagot ko..siguro naman alam na niya yun diba mtalino naman to eh..

“teka lang..bakit AKI ang tawag mo sakin?” takang tanong ko sa kanya

“AKI..kasi..AKIn ka lang” sabi niya at sumiksik sa leeg ko shet! Nakakakilig lang!

“aki..” tawag niya ulit

“hummm?” sagot ko

“gusto mo ditto nalang tayo sa Vigan?” malambing na tono niya na nakakatunaw ng puso

“bakit?” nangingiti kong sagot

“kasi ditto tayo nagkaiVIGAN” natatawa niyang sagot sakin tengene! Bumanat pa! hihi pero yung puso at isip ko tuwang tuwa sa galak eh!

“Woooooohhh!!! Ang Corny mo men! Mais na mais eh!” sigaw ng boses ng isang impaktong mapanira ng moment!

 ====================================================================

GUYS NATAGALAN LANG PO! HEHE SORRY MEDYO SABAW YATA TO HAHA ILOVEYOU ALL!!!

Text From A Stranger (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now