i.....getting to know YOU

8.7K 57 1
                                    

A/N: GUYS FIRST STORY KO PO ITO! NAINSPIRE KASI AKO SA MGA KWENTO NI MS. WINTER MIKHS.... SANA MAGUSTUHAN NIYO PLEASE SUPPORT PO! THANKYOU!!!! ^___^

===========================================================================

Hi!!! Ako nga pala si France Emeriee de Vera "Franz" for short!

(Parang wala naman pinagkaiba no??? Hehe)

19 y/o nursing student dito sa Woodrow College isa akong Bi pero secret lang natin yun ha??

Although pormang boyish ako pati buhok ko e...di parin ako umaamin sa madla...alam niyo na

"Family Matters" ehhh....

Well known ang pamilya ko dito sa Pinas kaya takot akong mag-OUT!

FRANZ POV

Hayyyy....papasok ako dito ngayon sa bago kong school! Paano biglaan ang paglipat namin

Dito sa part ng rizal kaya naiinis ako sa parents ko! Di man lang nagpasabi! >.<

Medyo maliit lang ang campus halos lahat ay puro nursing ang course pero my ibang mga

Kurso pa naman na pwedeng pag pilian...bat ayaw nila??! Siguro ganun kasikat ang nursing

Kaya naman pati ako nakikiuso!! sinabi kasi ng mama ko e.. May magagawa pa ba ako??

Papunta ako ngayon sa may bulletin ng school...siyempre kukuha ako ng schedule ko! Hehehe

Pero marami akong naririnig na mga usap usapan.....di naman ako tsismosa nun diba? Narinig ko lang naman e! Hehe

"Guys! May papasok daw dito na richie rich!" Sabi ni girl 1

"Talaga?? E bat dito pa?? Diba rich nga edi naman malaki tong school natin ah!" Sabi ni girl 2

Ako ba pinaguusapan nila??? Well...feeler lang naman ako a haha

Pero tama sila maliit tong campus pero eto lang ang pinaka malapit sa bahay namin e ano magagawa nila!

9:00 am simula na ng orientation

Nandito na ko sa loob ng hall pero...9:15 na wala pang mga C.I.!!! (Clinical Instructor)

Kaya yung mga estudyante sobrang maiingay!!! Shet!! Parang may gera lang e....

Hanggang may lumapit sakin.....

"Hi!" Siya

"Hello!" Sabi ko

"Bat magisa ka jan? Bago ka lang ba dito??"

"Ah...Oo..transferee lang ako dito e..."

"Ganun ba! Ako pala si Nicole!" Nakangiti habang inabot niya yung kamay niya

"Franz..." Sabay abot din ng kamay ko

"Bang tahimik mo naman teh! Lika pakikilala kita sa friendship ko hane?!"

Ano daw? Hane? Ano yun??

Lumapit kami sa nagkukumpulan na babae sa may gilid

"Guys! May bago tayong friendship! Si Franz!!" Sabi ni Nicole

"Hi sa inyo! Franz pala" sabay kaway ko na pa girly hehe

"Yan si sherley si Joanalyn at si Shane!" Isa isang tinuturo

Tumango naman ako..

"Taga saan ka?" Tanung sakin ni sherley

"Taga dito lang sa malapit" O diba ayaw ko silang mahirapan malapit e haha

Text From A Stranger (Lesbian Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon